CHAPTER 10 - SONIA

1368 Words
Agad na sinalubong si Sonia ng malakas na palakpakan mula sa kanilang mga manonood nang muling bumukas ang mga ilaw ng concert hall. Hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi habang patuloy siya sa pagkaway siya sa mga ito.  "Kumusta kayong lahat? Are you having fun?" tanong niya sa kanilang audience sa masigla at masayang tinig. Hindi naman siya binigo ng mga ito dahil malakas na palakpakan, hiyawan, at sipol ang isinagot ng mga ito. They are on their second part of their concert. And she's the opening part of it. Bawat isa sa mga miyembro nang Serenade ay may solo performance. Maging si Camilla at ang kanilang banda ay mayroon ding performance. Sa pamamagitan nito ay magagawang makapaghanda at makapagpahinga kahit saglit ng bawat miyembro. “Bago ko kantahin ang aking solo song bilang pasimula sa second part, nais ko po ulit magpasalamat sa inyong lahat sa pagdalo ninyo sa aming second concert,” masiglang wika niya. Muli iyong umani ng malakas na palakpakan mula sa mga ito. “Ang bilis ano? Second part na agad. Samantalang kanina bago magsimula ang concert pakiramdam naming tatlo sa backstage sobrang bagal ng oras. Siguro ganoon talaga ano? When we’re so engrossed into something or when we were so concentrated on it, time flies in just a wink. Kayo ba naranasan niyo na rin ang ganito? Have you ever had a time that flew by that fast?” Nang magsimula siyang magsalita ay agad na nabalot ng katahimikan ang buong concert hall. Tahimik na nakikinig sa kanya ang lahat. Iginagala niya ang tingin sa lahat ng manonood habang nagsasalita na animo kinanausap ang bawat isa. Napatingin siya sa bahagi ng stage kung saan naroon ang kanilang banda. May kadiliman ang bahaging iyon at bahagya ring natatabunan ng ilang speakers, lighting equipments, at mga telang ginamit bilang dekorasyon sa kanilang stage. Malaki ang hinala ni Sonia na ipinuwesto ni Camilla si Tora sa bahaging tiyak na natatakpan ng mga iyon. Muling sumagi sa kanyang isip ang saglit na pag-uusap nila ni Camilla bago siya tumuntong sa stage at simulan ang second part. Alam ni Sonia na dumating na ang kaibigan ni Camilla na siyang magiging sub guitarist nila kaya naman nagtataka siya kung bakit hindi pa rin umaalis si Tora sa stage para makabalik na pwesto nito bilang audience nila. Ask him later after the show. Iyon lang ang isinagot sa kanya ni Camilla nang tanungin niya ito tungkol doon. Nanatili pa nang ilang sandali ang tingin ni Sonia sa bahaging iyon ng stage. At sa loob nang mga sandaling iyon, batid ni Sonia na nasa kanya rin ang tingin at atensiyon ni Tora. For some reasons, she can feel the intense gaze of his dark eyes on her. Thinking of those beautiful orbs makes her heart beat so fast; tiny sparks tingles throughout her spine. Sandali siyang pumikit at saka huminga nang malalim upang iwaksi sa isipan ang magagandang mga mata nito. Lately, Tora’s eyes can really make her lose her concentration and composure easily. And she can’t let that happen at that moment. Not during a very important event of her life. Mamaya nalang ulit, Sonia. Hahayaan kitang magpakabaliw kakaisip sa mga mata ni Tora pagkatapos ng concert, okay? Muli siyang bumaling paharap sa kanilang audience at saka dahan-dahang iminulat ang mga mata. Tahimik pa rin ang mga itong nanonood sa kanya. She once again took a deep breath before continuing. “My solo song is included in our newly released album, The Whole Sky,” she said as she introduced her song. “Written and composed by our manager and composer, Miss Camilla Mendoza. Everyone, please listen to Jewels.” Tumingin siya kay Camilla na nakaupo sa harapan ng kanyang piano na nasa unahang bahagi ng kanilang banda at saka tumango dito upang ipabatid na handa na siya. Ilang sandali pa at pumailanlang na ang violin intro ng kanyang kanta. Itinaas niya ang mikropono sa kanyang bibig at nagsimulang kumanta. “Listen carefully to my singing voice as we both share the white moon’s sighs. Kiss me sweetly like you are my lover. Embrace me longer. Hold me tighter and never let me go.” Pumikit siya. Hinayaan niya ang sarili na mabalot ng lungkot na hatid ng musika at letra ng kanyang kanta. “We shall pass this field of light together. I won’t let go of your loneliness just like how I hold onto the strength of our entwined fingers. Together, we can surely find even a small light deep into the darkness. Together, we’ll search for the jewel’s dream even if it was far away at the bottom of the night.” Her song, Jewels, was one of the well-loved songs from their album. It was described as a sad but beautiful song by the majority of their fans as well as music bloggers and magazine writers. Makailang-ulit na niya itong kinanta mula nang i-promote nila ang kanilang latest album. At sa tuwing kakantahin niya ito ay palagi na lamang siyang naiiyak. Bilang isang singer ay gusto niyang maramdaman ng bawat nakikinig sa kanya ang damdaming napapaloob sa bawat kantang inaawit nila. That’s why she makes sure that she herself can feel what kind of emotion their song has. As soon as Camilla handed them their song, Sonia studied it enthusiastically. She does not just read the lyrics, but she studied them passionately; understanding each word written on each sheets. She even asked Camilla if there’s a particular history or inspiration for each of their songs. Kalakip ang lahat nang natutunan ay aawit si Sonia nang buong puso. Patuloy siyang aawit na parang nakikipag-usap sa bawat isang nakikinig sa kanya nang puso sa puso upang masigurong nakarating dito ang mensaheng ibig niyang iparating. And Sonia knows that she delivers the song’s message to her audience effectively. Hindi pa man natatapos ang performance niya ay nakakakita na siya ng mga manonood na nagpapahid ng kani-kanilang luha. Muli siyang napatingin sa kinaroroonan ng kanilang banda. Knowing Tora was there, she slowly stretched her right arm towards him as if she was reaching for him as she continue to sing. “These unhealed wounds of my heart are proof of my feelings for you. I want to melt your frozen heart with this pain instead of showing you any kindness. I want to be near you, like a shadow that you can’t escape forever. The tears that you shed will be like a sparkling jewel that I will forever keep inside my heart.” Sonia returned her gaze towards her audience and listen as Camilla and their band continue to play and waited for her song to end. Matapos ang huling nota mula sa piano ni Camilla ay agad na sumabog sa buong hall ang malakas na palakpakan ng mga tao. She couldn't keep herself from smiling. Pasimple niyang pinahid ang namuong luha sa kanyang mga mata. Despite na usual sadness that she felt while singing her song, she’s happy. Masaya siya dahil nagawa niyang mai-deliver ang kanyang solo song ng maayos. She turned towards Camilla and their band. At mas lalo siyang natuwa nang makitang pumapalakpak si Tora kasabay ng mga katabi nito . He even gave her a thumbs up, making her giggle. She was so proud of herself. Nang mamatay ang ilaw sa buong hall ay agad siyang naglakad pababa ng stage upang ibigay iyon sa susunod na kakanta na si Keene. Masaya niyang tinangap ang high five nito nang magkasalubong sila sa hagdan. "Ang ganda ng pagkakakanta ah. Bigay todo! Halatang-halatang inspirado! Palibhasa nandun sa labas ang irog," tukso ni Keene sa kanya. Dahil maganda ang pakiramdam ay hindi niya pinatulan ang panunukso nitong madalas ay kinukunutan niya ng noo. Sa halip ay isang malapad na ngiti ibinigay niya dito. “Sira! Bilisan mo na at magkalat ka na dun sa labas!” pabiro pang sabi niya. “Ay grabe siya! Hay… Sana all may Tora! Sana all may irog!” “Gusto mo ba? Hayaan mo at ihahanap kita. Okay na ba sa iyo si Cio? I’m not sure, pero mukhang nabanggit sa akin ni Tora na single pa ang bokalista nilang iyon.” Agad na nalukot ang mukha ni Keene dahil sa kanyang sinabi. “Eww! Kapag hindi naging tunog-masaya ang solo song ko, kasalanan mo, Sonia!” Sonia stuck her tongue out and laughs out loud as she watches her co-member head towards the stage. She then hurriedly makes her way back to change for her next performance.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD