“As you can see. Jaypee here is injured.”
Nanlalaki ang mga mata ni Sonia habang nakapako ang tingin sa braso ng kanilang gitarista. Kasalakuyan itong nakaupo sa isang tabi katabi nang isa pa nilang staff. An arm sling is supporting his right arm.
Nang dumating siya sa backstage kasama si Tora ay agad na sumalubong sa kanya ang nag-aalalang tingin ng kanyang mga kasama. Maging sina Keene at Sofia na nakaupo sa isang bahagi ay may ganoong ekspresyon. At nang dumating si Camilla kasama ang kanilang gitarista ay saka lang niya naintindihan kung bakit ganoon ang ekspresyon ng mukha ng mga kasama niya.
“How?” she asked, eyes still glued on their guitarist’s injured arm. “Anong nangyari? I mean, nakita at nakausap ko pa si Jaypee bago ako inayusan ni Heart.”
“I slipped on the floor. I went for a bathroom break after our soundcheck earlier. Sa kasamaang palad, nalimutan ilagay ni manong janitor iyong wet floor signage niya matapos niyang maglinis. At dahil medyo madulas itong sapatos na suot ko…” nahihiyang pag-amin ng gitarista nila at saka nagkamot ng ulo.
Isang may-edad na lalaki na nakatayo sa kabilang panig at naka-overalls ang nagtaas ng kamay. “Isa po ako sa mga maintenance staff dito sa arena. Ako rin po iyong naglinis ng banyo kung saan naaksidente si Sir Jaypee,” pagpapakilala nito sa kanila. Bakas sa mukha nito ang pinaghalong pagod at stress dahil sa trabaho at kinasasangkutang pangyayari. “ Humihingi po ako ng paumanhin sa nangyari. K-Kung ano man po ang magiging gastos ni sir sa hospital, sisikapin ko pong--”
“Aksidente po ang nangyari, tatang. Alam po naming hindi ninyo gusto ang nangyari. At huwag na po kayong mag-alala. Kami na po ang bahala sa hospital bill ni Jaypee,” putol ni Camilla sa matandang janitor. Pagkawika niyon ay tila nakahinga nang maluwag ang matandang janitor. “Ipapakiusap ko nalang po sana sa inyo na kung maaari ay samahan niyo sina Jaypee habang naghihintay sa ambulansiyang maghahatid sa kanya sa hospital. May mga kailangan pa po kasi kaming ayusin dahil sa nangyari.”
“Wala pong problema, ma’am,” malapad ang ngiting sagot nang matanda. “Ako na pong bahala kina sir.”
Matapos muling magpasalamat at humingi nang paumanhin ay umalis na sa backstage ang kanilang gitarista kasama ang isang assistant ni Camilla at ang matandang janitor.
“Ano nang mangyayari ngayon?” agad na tanong ni Keene matapos muling maisara ang pinto ng backstage. “Paano na ang concert natin?”
"As much as I regret saying this, pero dahil sa nangyari tingin ko ay kailangan nating i-cancel ang show at least for tonight,” sagot ni Sofia. "As for tomorrow's show, I guess nakasalalay iyon sa kung may makukuha tayong gitarista."
Agad na umugong ang bulungan sa pagitan ng mga kasamahan nila. Ang ilan ay pinag-uusapan ang kalagayan ng kanilang gitarista. Ang iba naman ay nagpahayag nang pagsang-ayon sa sinabi ni Sofia habang ang iba pa ay nag-aalala sa iba pang bagay tulad ng mga kilalang taong kasalukuyang naroon, refunding, scheduling, at paghahanap ng substitute guitarist para sa kanila.
Sa gitna nang lahat nang iyon ay tahimik lamang si Sonia. She just stood there, listening with both worry and sadness rising inside her. Of course, she’s worried for their injured guitarist. But the idea of their concert being cancelled worried her about the upcoming consequences. And it saddens her not just for herself, but most for their fans. Katulad niya, alam ni Sonia na excited rin ang kanilang mga fans sa concert nila.
Her mind was jumbled with a lot of things that she failed to notice Tora’s hand on hers. Nang maramdaman niya ang ginawa nitong pagpisil sa kamay niya, ang nakangiting mukha nito ang sumalubong sa kanya nang mag-angat siya nang tingin mula sa magkahugpong nilang mga kamay. At tulad noong nasa dressing room sila, muli na naman siyang napakalma ni ng ngiti ni Tora.
“Tuloy ang concert ninyo ngayon. At this point, hindi na natin ito pwedeng i-postpone.”
Lahat ng pares ng mga mata na naroon ay sabay-sabay na tumingin kay Camilla. Pare-pareho rin silang nagulat sa sinabi nito.
“Tuloy pa rin ang concert natin? Pero paano, Camilla?” tanong niya dito.
“Pupunta ngayon si Sonny,” kalmado pa ring sagot nito sa kanila. Ang tinutukoy nito ay ang kaibigan nitong gitarista. Nakilala nila ito nang minsang pumunta ito sa kanilang studio para kay Camilla ilang linggo bago ang kanilang concert. “He told me that he bought himself a ticket last time na nagkausap kami. ”
“Si Sir Sonny? Pero hiindi ba’t sa Batangas pa siya nakatira? Makakarating ba siya dito on time,” kontra ni Sofia sa sinabi nito.
“He’s currently on his way here. Tatawagan ko nalang ulit siya in-advance tungkol sa nangyari at para maabisuhan siya na tutugtog siya pagdating niya dito imbes na manonood lang ng concert natin. Anyways, wala namang magiging problema since he’s familiar with our songs. For the meantime, ibang gitarista na muna ang tutugtog sa unang part ng concert ninyo.”
“Ibang gitarista? Wala naman na tayong ibang gitarista maliban kay Joseph, right? And he’s not available today dahil kapapanganak lang ng asawa niya at nasa hospital pa rin sila,” nagtatakang tanong ni Keene. “Hindi rin naman tayo pwedeng kumuha nang basta-basta. At mahihirapan na tayong maghanap ng substitute guitarist at this time.”
“Sinong may sabing kailangan pa nating maghanap? He’s already here.” Pagkawika niyon ay bumaling ito sa lalaking tahimik na nakikinig lang sa lahat nang iyon. “Ano sa palagay mo, Tora? Pwede ka bang maging substitute guitarist ng Serenade ngayon?”
***
Mula sa kinatatayuan ay pinagmamasdan ni Sonia si Tora habang tahimik itong nakaupo at pinag-aaralan ang hawak-hawak nitong mga music sheets ng kanilang mga kanta. Nagpakawala siya ng isang buntong hininga bago nagdesisyon na lumapit dito. Agad na nag-angat ng tingin sa kanya ang lalaki nang maramdaman nito ang presensiya niya.
“Sonia? Anong ginagawa mo rito? You’re supposed to be with Sofia and Keene. Malapit nang magsimula ang concert,” wika pa ni Tora sa kanya.
Umupo siya sa silya sa tabi nito. “Kamusta ang mga kanta namin? Hindi ka ba nahihirapan sa mga nota?” tanong niya dito.
Umiling ito at saka tumingin sa mga hawak na music sheets. “Hindi naman. Hindi sa minamaliit ko ang mga kanta ninyo, pero mas madali ang guitar notes ninyo kumpara sa mga kantang gawa nina Saga at Heero. Isa pa, hindi ko naman daw kailangang sauluhin ang mga ito. Camilla assured me that I’ll have these sheets in front of me during the show. May tiwala ako sa sarili kong kaya ko itong kabisaduhin pero mabuti na ang sigurado. I can’t take that risk and ruin your concert.”
Tumango siya. “I’m sorry, Tora,” maya-maya ay wika niya rito.
Nagtatakang tumingin sa kanya ang lalaki. “Sorry? Bakit ka humihingi ng sorry?”
“You’re supposed to be here as one of our audience. As a guest. You’re here to relax and enjoy as you watch us perform. Pero heto ka’t madaliang nagkakabisa ng mga music sheets at tutugtog as part of our group.” Bumuntong hininga siya. “Hindi ko talaga ma-gets kung paano tumakbo ang utak ni Camilla minsan. Kung alam ko lang na ito ang balak niyang gawin nang ipatawag ka rin niya sa backstage, hindi na sana kita isinama."
Lahat nang naroon sa backstage ay nagulat matapos tanungin ni Camilla si Tora na maging gitarista nila. Ngunit mas doble ang naging reaksiyon nila nang marinig ang naging pagpayag nito. Sa gulat ay hindi na nila nagawang mag-react at namalayan na lamang niya na binibigyan na ito ng instructions ng kanilang manager at ipinakilala sa iba pang miyembro ng kanilang banda.
Sa mga sumunod na oras ay naging parte na nga ng kanilang grupo ang lalaki. She watched how Tora engaged with their band members and how he deals with the situation he’s in, and she couldn’t help but admire him more because of how professional he is.
“Hindi ka naman nakikinig eh,” ani Tora. “Hindi ba't sinabi ko na hindi naman ako pinupwersa na kabisaduhin itong music sheets ninyo? At sarili ko ring desisyon na maging substitute guitarist ninyo ngayong gabi.”
“Pero hindi ka ba magkakaproblema sa ginawa mong ito? Ang banda ninyo? Sa management niyo?”
“About that, ako nang bahala if ever na makarating sa kanila itong gagawin ko. And I don’t think na malalaman ng kumpanya ang ginawa kong ito dahil meron ako nito.” Mula sa bulsa ng suot na pantalon ay kinuha nito ang isang itim na maskara. “Mabuti nalang at may suot na ganito ang mga miyembro ng banda ninyo. Sa tingin ko, sapat na ito para walang makakilala sa akin. Bukod doon ay sandali lang naman akong tutugtog. Na-contact na kasi ni Camilla iyong magiging substitute guitarist ninyo. Within twenty to thirty minutes daw ay nandito na siya. Siniguro niyang bago matapos ang first half ng concert ay narito na siya.”
Umangat ang isang kamay nito sa kanyang ulo. He gently patted her head just like what he used to do before when she’s feeling sad or stressed. “Huwag ka nang masyadong mag-alala diyan, Sonia,” wika nito at saka ngumiti. “Isipin mo nalang, kung hindi ako pumayag sa suggestion ni Camilla, hindi rin naman ako mag-e-enjoy dahil hindi matutuloy ang concert ninyo. Ang totoo niyan, ang suwerte ng pakiramdam ko. Bukod kasi sa tutugtog ako kasama ng sikat na composer na si Camilla Mendoza, mapapanood pa kitang mag-perform nang mas malapit dahil nasa stage area din ako kasama ninyo.”
His smile slowly eases away her anxiety. And once again she fell in love. Hay…
Ngumiti siya rito. “Thank you, Tora.”
“You’re welcome.” Nang tumayo ito ay wala sa sariling napasunod siya. “Now, bumalik ka na sa mga kasama mo. Ako naman ay pupunta na rin sa stage area. Huwag kang kakabahan, okay? Ipapaalam ko na rin sa iyo na doon ako sa left side ng audience area nakaupo. Siguro mga pangatlo o pang-apat na row malapit sa stage. Para alam mo kung saan ako naroroon kapag bumaba na ako at bumalik sa pwesto ko. Baka kasi uso rin sa inyo ang paghahagis ng kung anu-anong tour items. Galingan mo ang paghagis para makakuha ako, okay?”
Bahagya siyang natawa sa sinabi nito. “Sira! Hindi uso sa amin ‘yun no.”
He grinned at her before waving his hand and walked away. Muli siyang huminga ng malalim bago naglakad pabalik sa mga kasama. Excited na siyang magsimula ang kanilang concert. She can’t wait to be on stage and show Tora her best performance.