CHAPTER 8 - SONIA

1312 Words
“And that’s it. Okay na ang makeup mo, Sonia.” Kiming ngumiti si Sonia kay Heart bago niya ibinaling ang tingin sa salamin sa kanyang harapan. A small smile slowly appeared on her lips. She was pleased with what the mirror is showing her. The top of her costume is made out of lace and satin fabric with intricate designs of ribbons, sequins, and beads. Venus-cut ang tabas niyon kaya naman litaw ang kaliwa niyang braso at balikat. The long, white lace and tulle skirt covers her black boots and another bottom part of her costume which they will reveal later during their show. As for her hair, hinayaan lang ni Heart na nakalugay ang mahaba at tuwid niyang buhok. A simple black beaded headdress holds a few strands of her hair to keep it away from her In-ear Monitors. Her makeup enhances her facial features as well as her expressions.  All in all, the way she looks matches their concert’s theme: Elegance and beauty. “Thank you, Heart. Perfect as always,” nakangiti pa ring pasasalamat niya sa kanilang makeup artist matapos kunin sa lamesa ang kanyang water bottle. Kiming ngumiti si Heart sa kanya. “You’re welcome. Are you nervous?” She took a sip before nodding at her. “Who wouldn’t? Normal naman ito, ‘di ba?” “Perfectly normal. And I can’t blame you. Kahit na sinong artist naman kinakabahan sa tuwing may performance sila. Much more kung concert na katulad ng sa inyo.” Isa-isang ibinalik ni Heart ang mga gamit sa kanyang makeup box. “Sold out ang tickets para sa dalawang araw ninyong concerts. Balita ko nga may ilan ring celebrities na narito para panoorin kayo. I even heard that some politicians are here as well.” “Sige lang, Heart. Takutin mo pa ako.” Sonia pouted as she placed the bottle back on the table.  Bahagyang itong natawa. “Sorry. Believe me, it’s not my intention to scare you. In fact, I’m so proud of you guys. Look at what you guys achieved in just two years in the industry. Anyways, bago pa kayo maging super busy ay babati na ako ngayon. Congratulations sa inyo, Sonia.” Nang ibuka ni Heart ang mga braso ay malugod niyang tinanggap ang yakap nito. “Thank you, Heart. And thank you, too. Kasali ka sa tagumpay namin, no. Kung hindi dahil sa iyo, hindi mag-i-improve ang gandang meron na kami nina Sofia at Keene.” “Sira! Break a leg, okay? Pero huwag literal ha? Hindi ka pwedeng magkaroon ng injury. Natitiyak kong mapupuno ang schedule niyo after tonight.” She laughed at her joke. “Don’t worry. Hindi ko rin gusto ang ideyang iyon so I won’t.” “Excuse me. Sonia,” Isa sa mga staff nila ang tumawag sa kanya mula sa pinto ng kanilang dressing room. “may bisita ka.” Bumitiw siya sa pagkakayakap ni Heart at saka humakbang palapit sa kanilang staff. “Sino naman iyang—“ Hindi na niya natapos pa ang tanong dahil sa kanyang paglapit ay agad niyang nakilala ang lalaking nakatayo sa tabi nito. "Good evening, Sonia," bati ni Tora sa kanya at saka ngumiti. Makailangang beses na kumurap si Sonia ngunit sa bawat pagkurap niya ay hindi nagbabago ang nakikita ng mga mata. Si Tora ngang talaga ang nasa harapan niya. A very different version of Tora that is. Sonia already saw Tora looking handsome wearing his stage costume and even on his regular casual clothes. She couldn't believe that he would look even more dashing in a semi-formal outfit. His sleek, black hair is combed neatly. The black, long-sleeved polo that he’s wearing fitted his body perfectly making him look like a dark, charismatic English Nobleman she usually read from her romance pocketbooks. "Ano..." Tila nagising siya nang marinig ang boses na iyon ni Heart. Noon lang niya naalala na naroon pa nga pala ito. "Pupuntahan ko na muna si Sofia, Sonia. Balikan nalang kita ulit bago magsimula ang show to check on your makeup again," paalam nito sa kanya. "O-Okay." Lumapit ito sa kanya at saka siya marahang tinapik sa balikat. "Ikaw, ha? Akala ko ba hindi totoo iyong tsismis sa inyong dalawa?” nakangising bulong nito sa kanya. “Be ready after the concert. You're going to tell me everything. In every detail, got it?” Heart smiled and greeted Tora briefly before making her way towards the door. Bago tuluyang isara ang pinto ay nakita pa niya ang ginawa nitong pagkindat nito sa kanya. Nailing nalang siya sa iginawi nito. Now that they were alone, Sonia was hyper aware of her situation. Huminga siya nang malalim upang pakalmahin ang sarili at saka dahan-dahang humarap sa lalaking kasama sa silid. But the moment her eyes met those of Tora’s, her mind returned to it’s tortured thinking. “Hindi naman ako nakaabala, right?” Tora asked. Umiling siya. “Nope. Kakatapos lang din akong ayusan ni Heart.” "By the way, these are for you," wika ni Tora at saka iniabot sa kanya ang dala nitong bouquet. "Congratulations, Sonia." "Thank you.” Wala sa sariling napangiti siya habang hinahaplos ang talutot ng isa sa mga bulaklak sa bouquet. He remembers my favorite flower. “Ikaw lang ba o may mga kasama ka?" "Mag-isa lang akong pumunta dito." Pumalatak siya. "Napakakuripot mo talaga. Hindi mo talaga inilibre iyong mga kabanda mo o kaya iyong mga staffs niyo?”  "Bakit ko sila ililibre samantalang mas mayaman pa sa akin ang mga iyon? Seriously, Sonia. Haven’t you seen my bandmates? Kay Cio palang magdadalawang-isip ka na kung normal na tao pa rin ba siya o hindi.” Hindi napigilan ni Sonia ang sarili na matawa sa tinuran ng kausap. “Grabe siya kay Cio. Pero kahit na. Dagdag audience din sana namin sila kung sakali." “Alam mo, hindi ko na kailangang mamakyaw ng tickets para magdala ng mga manonood. With all the tickets being sold out, pinatunayan lang ng grupo ninyo ngayon kung gaano na kayo kasikat." Kakaibang tuwa ang hatid ng papuring iyon sa kanya. Bukod doon ay nabawasan ang kabang nararamdaman niya at nadagdagan ang kumpiyansa niya sa sarili. Maya-maya ay narinig niyang tumikhim ang lalaki. "You looked really... uhm... beautiful in your outfit, Sonia."             “T-Thank you.” Pinilit niyang panatilihing pormal ang itsura sa kabila ng kilig na nararamdaman. "Sandali lang." Umangat ang isang kamay ni Tora sa kanyang ulo. Once again, shiver run down her spine as she felt his fingers slightly touched her ear when he tucked her hair behind it. "There. Sumabit yung ilang hibla ng buhok mo sa head dress mo. Naayos ko na," nakangiting wika nito habang diretsong nakatingin sa kanyang mga mata. Tora, please don’t do this to me. Lalo akong mai-in love sa iyo nito. Baka hindi ko na kayanin. Ibig nang maiyak ni Sonia dahil sa sobrang frustration. Oo, inamin na niya sa sarili na in love na siya kay Tora. Tinanggap na niya kaysa pahirapan pa ang sarili sa pagtanggi. Ngunit wala siyang balak na ipaalam iyon dito. Nagdesisyon siyang sarilinin ang nararamdaman sa takot na maulit ang mga nangyari sa kanila noon. She keeps on reminding herself na mag-bestfriend sila, pero lahat ng effort niya ay nauuwi sa wala sa tuwing makakaharap niyang muli ang lalaki. “Sonia, may—“ Sunod-sunod na katok ang pumutol sa dapat sanang sasabihin ni Tora. Isa sa mga staff nila ang bumungad sa kanila nang bumukas ang pinto. “Sonia, ipinapatawag ni Camilla ang buong team sa backstage. Naroon na ang karamihan pati na rin sina Sofia at Keene,” seryoso ang mukhang wika nito sa kanya. Napatingin si Sonia kay Tora. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay bigla siyang nakaramdam ng kakaibang kaba. Something isn’t right.  “Don’t worry yourself. Baka magbibigay lang sa inyo ng additional instructions si Camilla,” ani Tora sa kanya at saka ngumiti. “Everything’s fine, Sonia.” Sonia nodded. She took a deep breath and smiled back at Tora. His words melted away her worries.  “Oo nga pala. Ipinapasabi ni Camilla na isama mo rin daw sa backstage si Sir Tora.” Sonia blink once, then does it again. Their staff’s last words echo inside her head as her mind tries to register the significance of what he had said. She then turned her attention back to Tora as confused thoughts and feelings assailed her. Wait… Bakit? Anong kailangan ni Camilla kay Tora?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD