CHAPTER 7 - SONIA

2914 Words
"Sonia? Anong ginagawa mo diyan?" Nilingon ni Sonia si Tora nang maramdamang nasa tabi na niya ang lalaki. "Nothing. May nakita lang akong interesanteng bagay." "And that interesting thing is... this?" Halos magkasabay silang bumaling sa bagay na nakakuha ng kanyang atensiyon pagpasok nila sa cubicle na iyon. It was a poster of Wonderland. In it, the members are shown having fun inside one of the bar's booth. "Hindi ko talaga gusto ang poster namin na ito," maya-maya ay kumento ni Tora. Kunot-noong sinulyapan niya ang katabi. "Bakit naman? You all look good here." "Dahil hindi ko maintindihan kung bakit mikropono ang ipinahawak nila sa akin during the photo shoot. It really looked stupid. I'm a guitarist, for Pete's sake." "Ah..." True enough. Katabi ni Tora si Cio sa larawan. Kapwa may hawak na mikropono at animo ay kumakanta. Pareho namang may hawak na gitara sina Saga at ang isa pa nilang gitarista samantalang marakas naman ang hawak-hawak ng drummer ng mga ito. "Hindi lang naman ikaw ang sumegway ng posisyon," kumento niya. "Isa pa, okay naman ang kinalabasan eh. You don't look stupid, by the way. Mukha ka talagang bokalista dyan sa picture." "I still don't like it." "Ewan ko sa iyo." Lumapit siya sa kinaroroonan ng couch at naupo roon. Iginala niya tingin sa paligid. "Pero in fairness, ang ganda nga ng facilities nila dito." Nang silipin nila sina Cio at Keene sa booth na kinaroroonan nang mga ito ay bahagya lamang niyang nakita ang itsura ng lugar dahil naka-focus siya sa dalawa. Kaya naman nang pumasok sila sa kaparehong booth ni Tora ay hindi niya napigilan na mamangha sa nakita. The room’s design shows both modern and classy. The walls are painted in black and red. The floor is covered with a jet-black carpet. Various paintings related to music adorned the room. A 60-inch T.V. hanged on one side of the wall while multiple speakers were mounted on the ceiling. A glass center table sits between two leather couches. “It really is. Updated din ang mga kanta nila dito. I’m betting na nandito ang lahat ng kanta ng mga grupo natin. Well, except sa upcoming ha?” Ngumiti sa kanya si Tora bago iniabot sa kanya ang mikropono. “Ladies first.” “Bakit ako? Ikaw na muna!” She pushed the microphone away from her. “Sonia, ikaw ang kumakanta sa ating dalawa.” “So? It doesn’t mean that you can’t sing.” “Pero gusto kitang marinig na kumanta.” Muling iniabot ni Tora sa kanya ang mikropono. “Sige na, please?” Nakasimangot na bumuntong hininga siya. “Fine.” Akmang aabutin niya ang mikropono nang mapansin ang mga kamay ni Tora. Mabilis niyang hinila ito sa braso palapit sa kanya upang matignan iyon nang mabuti. “Sonia? Anong problema—“ “Bakit ganito ang itsura ng mga kamay mo?” nakakunot-noong tanong niya sa lalaki. “Ha?” “Your nails! Bakit hinahayaan mong ganito ang itsura ng nail polish mo? Look! They’re already chipped!” “Chipped?” Tinignan ni Tora ang sariling kamay. “Ah. Okay pa naman ah.” Nanlaki ang mata niya sa tinuran nito. “This look okay to you? Are you out of your mind? They looked awful!” Binitawan niya ang kamay nito at saka tumayo. “Saan ka pupunta?” tanong ni Tora sa kanya. Hindi niya ito sinagot. Bagkus ay lumapit siya sa mesa kung saan nakalagay ang mga gamit niya. Dinampot niya ang isa sa mga paperbags na dala niya at saka bumalik sa tabi nito. “We’re going to fix this,” she said as she starts to take out things from her paperbag. “What? No,” tutol ni Tora sa balak niyang gawin. Tumigil si Sonia sa ginagawa at bumaling kay Tora. “I’m going to fix your nails,” she said, finality can be heard on her tone. "Sonia…” bakas ang pagsuko sa boses ni Tora. “You shouldn’t be doing this. We're supposed to be singing and having fun right now, you know." "Hindi rin naman ako makakapagsaya nang husto habang nakikita ko itong mga kamay mo. Nai-stress talaga ako," sagot niya habang isa-isang inaayos sa ibabaw ng glass table ang mga kakailanganing gamit. "Ano ba naming iyang stylist niyo? Bakit pinababayaan niyang ganito ang itsura ng kuko mo? Dapat sinisesante niyo na yun." "Huwag ka nang ma-highblood sa stylist namin. Believe me, mahusay siya. Pasaway lang talaga ako kaya heto at nakita mong ganito ang itsura ng mga kamay ko. Nanghihinayang kasi ako kung aayusin niya. Sayang ang effort kasi masisira rin naman kapag nag-practice kami." "Kahit na. Naku, huwag mong ipapakita sa akin ang stylist niyo. Makakarinig sa akin yun." Abala siya sa pag-check kung nakuha na niya ang lahat ng kailangan niyang gamit nang marinig niya ang mahinang pagtawa ng lalaki. "What’s funny?" she asked him seriously. Tumikhim si Tora at mabilis na nag-iwas ng tingin sa kanya. “Hindi naman ako tumawa ah," wika pa nito, ngunit hindi nagtagal ay muling kumawala sa labi nito ang pinipigilang pagtawa. "You're laughing!" Nanlalaki ang mga matang sita niya. Pagkawika niya noon ay tuluyan ng tumawa si Tora. Pinalo niya ito sa braso. "Nakakainis ka. Bakit ka ba kasi natawa?" "I'm sorry," anito sa pagitan ng pagtawa. "Ikaw naman kasi. Sobrang seryoso nang hitsura mo. Daig mo pa ang naglalaro ng Call of Duty." Muli itong bumulanghit ng tawa, bagay na ikinasimangot niya. "Sisihin mo ang mga kamay mo! Argh! Hindi ko alam kung paano mo nagagawang maglakad in public nang ganito ang itsura ng mga daliri mo!"  Muli lang tumawa si Tora. "Seriously, bukod sa kape, hindi ko inaasahan na adik ka pa rin sa pagma-manecure. Elementary palang yata tayo kinukulayan mo na yang mga kuko mo eh." "Excuse me. High School na po tayo nang matuto akong mag-manecure," pagtatama niya sa sinabi nito. Saglit na nag-isip si Tora. "Ah, oo nga. Naalala ko pa, ginawa mo akong model para sa T.L.E subject mo noon." Napangisi siya nang maalala ang sinasabi nito.  Isa sa mga naging requirements nila para makapasa sa naturang subject noon ay magpakita ng sampung ibat-ibang nail art designs sa kanilang guro. At dahil lahat ng mga babae ay naghahabol na makatapos, pinili niyang gawing model ang mga kamay ni Tora na noon ay tapos na para sa project nito sa parehong asignatura. "Busy kasi ang lahat ng mga babae noon. Hindi naman kasi pwede na kami na nga ang gagawa tapos kami pa ang model. Malaki ang chance na masira yung nail art habang naglilinis kami ng ibang kamay. Kung hihintayin ko naman silang matapos, baka hindi na ako makaabot sa deadline. Petiks ka nalang naman noon kaya ikaw nalang ang kinuha ko," paliwanag niya dito. Kinuha niya ang bote ng acetone at ibinigay kay Tora. "Pakibuksan, please. And mind you, nakinabang ka rin naman sa ginawa ko at matagal na iyon kaya huwag ka nang magreklamo dyan." "Hindi po ako nagrereklamo. At nakinabang ako? Paano akong nakinabang? Ang alam ko, pinagtripan ako ng mga classmates nating lalaki noon sa loob ng dalawang linggo dahil sa ginawa mo sa akin.” Tinignan niya ito. “Napagtripan ka noon? Ikaw? No way.” “Yes way.” “Meaning?” Muling ibinalik ni Tora sa kanya ang maliit na bote bago sumagot. “Ako lang naman kasi ang nagkaroon ng Sunset Sponge Effect design, Hot Pink-Colored fingernails noon." Pinilit niyang alalahanin ang sinasabi nito. "Hindi nga? Ginawa ko iyon sa iyo noon? Pink talaga ang inilagay ko sa mga kuko mo?" Nakangiting tumango si Tora bilang sagot. “Matapos malaman nang mga classmates nating babae ang ginawa mo sa akin, nagkanya-kanya na rin silang hila sa mga classmate nating lalaki at ginaya ka. In the end, halos lahat kaming mga lalaki ay umuwing may kulay ang mga kuko. Iyon nga lang, hindi kasing lala ng mga kamay ko ang sa kanila.” "Sorry. Naniniwala pa kasi akong pink ang favorite color ko noong mga panahong iyon. Iyon ang madalas na kulay ng mga gamit ko noon.” Nagkibit-balikat ito. “Ang totoo, proud ako sa mga kuko ko noon kahit pa nga kulay pink ang mga iyon. Kasi ikaw lang sa buong klase natin ang nakagawa ng ganoong design. Ilang araw ding tinitignan ng mga classmates natin ang mga kamay ko dahil sa ginawa mong iyon. Bukod doon, ako lang din yata ang hindi nasugatan sa amin matapos malinisan ng kuko. You really did a great job back then.” She couldn’t help but smile after hearing those praises. Kumuha siya ng bulak at nilagyan iyon ng acetone. “Thank you. So, tama pa rin ako. Nakinabang ka nga dahil nalinis ko nang husto ang mga kuko mo. My God! Naaalala mo pa ba ang itsura ng mga kuko mo dati?" "Hey! Malinis ang mga kuko ko noon no," depensa ni Tora. "I know, pero di hamak naman na mas malinis silang tignan matapos kong linisan gamit ang cuticle remover, nipper, nail file at cuticle oil di ba?" "Yeah, pero malinis pa rin ang mga kuko ko. Palagi kaya akong may additional merit dahil neatly trimmed ang mga kuko tuwing CAT day." "Whatever." Ibinaba niya sa mesa ang hawak na bote ng acetone at inilahad ang kamay kay Tora. "Right hand please." Iniabot ni Tora sa kanya ang kanang kamay. Tora’s hands were very male looking. They were beautiful, big and long-fingered. She immediately felt the roughness of his fingertips due to his guitar playing, pero hindi iyon nakabawas sa magandang tingin niya sa mga kamay nito. Ang nagpasira lang talaga ay ang damaged nail polish nito ngayon. Grr! Akma niyang tatanggalin ang nail polish nito nang may mapansin sa hintuturo nito. "Is this a tattoo?" tanong niya habang hindi inaalis ang tingin sa daliri nitong may nakaguhit na pigura. "Yes. It’s called a Heartagram. Nakita ko iyan sa catalogue ng isang tattoo shop kung saan nagpa-tattoo ang kaibigan ko. I found it cool so the next day, I went back and got myself ths one.” Itinuro nito ang tattoo sa daliri. “Sa pagkakaalam ko, this symbol was created by Ville Valo for his band His Inferna Majesty or HIM. Some people, most are HIM fans, describes the heartagram as the 21st century version of the Yin-Yang. The heart symbolizes love while the pentagram represents hate or evil.” “I see. Ito lang ba ang tattoo mo?" "Yeah. Bakit?" Umiling siya. "Wala naman. Naitanong ko lang." Pinakatitigan siya nito. "You don't like tattoos?" he asked. Nagkibit-balikat siya. "Hindi naman, pero hindi ko rin masabing gusto ko. Naiilang kasi ako kapag nakakakita ng mga taong tadtad ng tattoo sa mga braso o binti nila. Iyon lang. I have nothing against it, really." "Iyan lang tattoo ko. At sa ngayon, wala akong balak na dagdagan pa iyan." "That's nice to hear. Don’t worry, maliit lang naman itong tattoo mo so okay pa rin siya para sa akin. At huwag ka nang magpa-tattoo ulit okay? To be honest, okay na ang itsura mo ngayon. Ang guwapo mo kayang tignan." Natigilan siya sa ginagawa matapos ma-realized ang mga sinabi. What the heck, Sonia?! Saan galing iyong mga sinabi mo ngayon lang?! Pasimple niyang sinulyapan si Tora. Gusto na niyang tumakbo nang makitang nakangiti itong nakatingin sa kanya. "Hindi ko alam na guwapo pala ako sa paningin mo, Sonia,” wika sa kanyan ni Tora. Amusement flickered in his eyes as they met hers. Pinigil niya ang sarili na huwag damputin ang isang bote ng nail polish at ibato iyon sa mukha nito. Tumikhim siya bago nagsalita. "O-Oo naman. Ano namang akala mo sa akin, bulag?" sagot niya at saka ipinagpatuloy ang ginagawang pagbura ng nail polish sa mga kuko ng lalaki. “At saka bakit ganyan ang reaksiyon mo? Parang ngayon ka lang nasabihan ng guwapo. If I know, palagi mo iyang naririnig sa mga fans mo.” That’s it, Sonia. Make it sound like it was nothing but a harmless comment. Walang ibang ibig sabihin. Walang malisya. Teka, sandali. Sino namang may sabing may malisya sa mga sinabi ko? “I do. They scream it every time na makikita nila ako.” Natawa ito nang sumimangot siya. “Kaya lang iba ang dating sa akin ngayong ikaw ang nagsabi.” “Paano namang naging iba?” “I don’t know. Maybe because you are you. Coming from you, a person who knows me so well, I can definitely say that it was a very honest comment. At hindi mo sinabi para lang palakihin ang ulo ko. You’ve made me happy because of it.” Dumagundong ang dibdib niya dahil sa naging sagot nito. Pinilit niyang inignora iyon at ibinuhos ang atensiyon sa ginagawa. “Ito naman. Parang ako lang ang taong pwede mong maringgan ng ganyan klaseng comment. Nariyan pa ang parents mo.” “Normal na para sa akin ang mga papuring galing sa mga magulang ko lalo na kung galing sa nanay ko. Uhm, Sonia—“ “Eh di sa iba mo pang mga kaibigan or... Ah! Ang mga kabanda mo!” Tora scoffed. “Can you really imagine Cio saying that I’m handsome? Sonia, mas mataas ang ego ng mga kabanda ko kaysa sa akin nang isandaang porsiyento kaya imposible akong makakarinig ng papuri mula sa kanila. But Sonia—“ “Sa stylist at makeup artist niyo! They’re into fashion so I’m sure na mas malaki ang impact kung sa kanila mo maririnig na—“ “Sonia!” “What?!” pasigaw na tanong niya sabay angat ng tingin kay Tora. “Kanina ka pa tawag nang tawag sa pangalan ko!” “Pinangigigilan mo na kasi ng husto ang daliri ko. Medyo masakit na,” nakangiwing wika ni Tora.  “Oh.” Tila natauhan siya matapos marinig iyon. Noon lang din niya napansin kung gaano na kahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay nito. “I’m sorry,” hinging paumanhin niya rito bago binitiwan ang kamay nito. “Tapos na ako rito. Akin na iyong isa mo pang kamay.” Sa mga sumunod na sandali ay kapwa lang sila tahimik ni Tora. Habang patuloy niyang nililinis ang mga kuko nito ay binalikan naman niya sa isipan ang mga nangyari. Their conversation was normal like any common friends had, as far as she is concern. Kaya hindi niya mabigyan ng sagot ang sarili kapag naiisip na niya ang mga naging reaksiyon niya kay Tora. Pasimpleng niya itong tinapunan ng tingin. Kasalukuyan nitong hawak ang isa sa mga nail polish na dala niya at binabasa ang label niyon. Then all of a sudden, Tora turned his gaze towards her. Badump! There goes another of her abnormal reactions. Gusto nang mainis ni Sonia sa sarili dahil sa mga nararamdaman. Ano bang nangyayari sa iyo, Sonia? Daig mo pa ang babaeng in love sa mga reaction mo— Natigilan siya sa naisip. Wait a second. In love..? Badump! Badump! "No!" "Sonia? What's wrong?" narinig niyang tanong ni Tora. Naramdaman din niya ang paghawak ng mga kamay nito sa kanyang balikat. Hearing how concern the other is, she looked up. Sa ginawa ay muli niyang nakita ang guwapong mukha ni Tora at muli rin siyang naging aware sa malakas na pagkabog kanyang dibdib. Ilang ulit siyang huminga siya nang malalim upang muling i-compose ang sarili. "I'm fine, Tora," aniya. “Sorry about that.” "Are you sure? Hindi ka mukhang okay kanina," bakas pa rin ang pag-aalala sa boses at mukha nito. Pinilit niyang ngumiti rito at saka tumango. Dinampot niya ang isa sa mga bote ng nail polish sa lamesa at muling bumaling dito. "Natanggal ko na yung old nail polish sa mga kuko mo. Pwede na nating lagyan ulit ng panibago." Ngunit nanatiling nakatingin lang si Tora sa kanya. Lakas-loob niyang sinalubong ang mga mata nito. Huwag na huwag kang mag-iiwas ng tingin, Sonia. Ganyan nga. Focus and ignore your rampaging heart at the moment. Nai-stress na yung tao dahil sa mga ikinikilos mo. She muttered a silent ‘Thank God’ when she saw Tora’s worried facial expression slowly fades. “Okay,” maya-maya ay sagot nito sa kanya. Kinuha nito ang isang bote ng nail polish at iniabot iyon sa kanya. “Sa palagay mo, bagay kaya sa akin kung ito ang ilalagay mo sa mga kuko ko?” Agad na kumunot ang noo niya pagkakita sa kulay niyon. “Gold? Seryoso ka?” tanong niya. Nakangiting nagkibit-balikat ito. “Kaya nga tinatanong kita eh. Gustong-gusto kasi ni Cio ang kulay na iyan. I was just wondering kung bagay din sa akin.” “Forget it.” Ibinalik niya ang mga hawak na nail polish bottles at kumuha ng panibago. “You know what? Let’s just stick to black. Mas bagay sa iyo. Right hand please.” Iniabot ni Tora sa kanya ang kamay. “Whatever you say. Di hamak na mas may alam ka pagdating sa ganito kaysa sa akin. I trust your judgement.” She gave him a smile before turning her attention back to Tora’s nails. Habang isa-isa niyang nilalagyan ng nail polish ang mga kuko nito ay unti-unti na ring kumakalma ang pakiramdam ni Sonia. Although she can still feel her hearbeat, it is not as erratic as it was earlier. “Oo nga pala, hindi ba’t sa isang linggo na gaganapin ang concert ninyo?” maya-maya ay tanong ni Tora sa kanya. Tumango siya. “Yep. Kaya nga pinayagan nila akong lumabas ngayon. Dahil simula bukas, magiging abala na kaming lahat sa paghahanda para sa concert. As in, puno ang schedule namin ng practice, costume fittings, et cetera.” “Hindi mo pa rin ba ako bibigyan ng libreng ticket?” Hindi niya napigil ang sarili na matawa. “Nope. Bumili ka no!” “Ang damot talaga nito. Parang isang ticket lang eh.” “Bumili ka. Ilibre mo na rin ang mga kabanda mo pati na rin lahat ng staff niyo. Para siguradong puno ang venue namin.” “How many times do I have to tell you that I’m a guitarist and not a millionaire?” Muli siyang bumulanghit ng tawa. “Hoy, mag-concentrate ka dyan. Baka mamaya mas malala pa sa itsura nung mga kuko ko kanina ang kalabasan niyang ginagawa mo dahil sa kakatawa mo.” “Oo na.” Masaya niyang ipinagpatuloy ang ginagawa. Everything between them is back to normal. No more tension, at least on her part. Ngayon lang ulit kami nagkita at nagkasama ni Tora matapos ang dalawang taon. Ayaw ko nang magkaroon ulit ng awkward moment sa pagitan naming dalawa., aniya sa isip. Ayaw ko nang maulit ang mga nangyari sa amin dati. Ayaw ko na siyang mawala ulit. And to do that, kailangang kong ayusin ang sarili ko. You can do it, right, Sonia? Tumango si Sonia sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD