Napangisi si Sonia nang mamataan ang lalaking tahimik na nakatayo sa may balkon. Maingat at dahan-dahan siyang lumapit sa kinaroroonan nito. Matapos masigurong hindi pa rin nito nararamdaman ang presensiya niya ay isinagawa na niya ang kanyang balak.
“Torean!” malakas niyang sigaw sa pangalan ng lalaki kasabay ng paglundag sa likuran nito. Bahagya pa siyang natawa matapos marinig ang pagsinghap nito dahil sa ginawa niya.
“Aray! Sonia, bumaba ka na sa likod ko. Ang bigat-bigat mo!” daing nito sa kanya.
“Hmp!” Bumaba siya sa likuran nito at saka pinalo ito sa braso. “Excuse me! Hindi ako mataba no!” wika pa niya.
“Ang sabi ko mabigat. Hindi mataba,” pagtatama nito sa sinabi niya.
“Bakit? Ganun na rin naman ang gusto mong sabihin hindi ba?
“Oi! Ikaw ang nagsabi niyan. Hindi ako.”
“Whatever. Anyways, anong ginagawa mo rito, Torean? Alam mo bang kanina pa ako nahihilo kakahanap sa iyo? Ang dami-dami pa man ding tao ngayon dito sa bahay niyo.”
Ipinakita nito ang kamay na may hawak na sigarilyo. “Yosi break. Nagpahangin na din. Pasensiya ka na kung di ko namalayan ang pagdating niyo.”
“Dapat nandun ka sa loob at nakikipagsaya sa mga bisita mo. Don’t tell me nag-i-emo ka dito? Hindi bagay sa iyo.”
Natatawang umiling ang lalaki. “Bakit naman ako mag-i-emo? Bukod sa mga dahilan na nauna ko nang nasabi, I’m out here because of that,” he said then turned his head up.
Wala sa loob na napasunod siya sa ginawa nito. Nahigit niya ang paghinga. “Wow…” buong paghangang sambit niya. Hindi niya maalis ang tingin sa napakagandang tanawing bumungad sa kanya.
The vast night sky stretched out to infinity. It was clear of any stars or clouds. Kaya naman agad na dadako ang tingin ng kahit na sino sa nag-iisang bagay na naroroon: Ang buwan. Sonia likes staring at the moon especially when it was in its full state. Pero ni minsan ay hindi niya iyon nakita nang ganito kalaki. At higit sa lahat, hindi niya akalain na makikita niya ang buwan sa kasalukuyan nitong kulay.
“The moon… It’s red?”
“Yes. Ang ganda di ba? May lunar eclipse ngayon kaya ganyan ang kulay ng buwan,” paliwanag nito sa kanya.
Nangalumbaba siya sa pasamano. “Hindi ko alam na may lunar eclipse ngayon. At mas lalong hindi ko alam na nagiging kulay pula ang buwan dahil doon.”
“Hindi ka kasi nakikinig sa klase natin eh. Hindi mo tuloy alam ang tungkol sa Lunar Eclipse.”
“Excuse me lang no! Best in Science Awardee itong kausap mo ngayon.”
“O? Eh bakit hindi mo alam?”
“Bakit? Hindi ba pwedeng nakalimutan ko lang? Pero in fairness, ang ganda talagang tignan ng buwan.” Ilang sandali silang kapwa tahimik at nasa ganoong posisiyon nang biglang may maalala. “Ay, wait. Maiba ako. Torean pa rin ba ang itatawag ko sa iyo o yung stage name mo na? Ano nga ulit yung stage name mo?” tanong niya.
Nagkibit-balikat ito bago sumagot. “Tora ang ipinangalan sa akin nung band leader namin. At kahit alin sa mga pangalan ko pwede. Ikaw na ang bahala.”
Saglit siyang nag-isip. “Okay! Simula ngayon, tatawagin na kita sa stage name mo. Tora. Hindi ba’t tiger ang ibig sabihin niyon sa salitang Hapon? Bagay na bagay sa iyo ang pangalan mo.”
“Hindi ko alam na iyon ang katumbas na salita ng stage name ko.”
“I-Google mo pa kung gusto mo. At tulad nga ng sinabi ko, bagay sa iyo ang pangalan mo. Tigers displays powerful and elegance. Ikaw na ikaw iyong pangalan mo. Err… Hindi masyado sa elegance pero dahil magkaibigan tayo, sige okay na.” Nag-thumbs up pa siya gamit ang dalawang kamay.
Sinulyapan siya nito at saka ngumiti. “Bakit may pakiramdam ako na inuuto mo na ako? Sonia, sabihin mo lang kung gusto mo pa ng cake at ikukuha kita roon sa loob. Pramis, hindi ko ipagkakalat sa pamilya mo kung ilang slice ang kinain mo ngayong gabi.”
Eksaherado siyang sumimangot. “Bakit ang salbahe mo? Anong akala mo sa akin, mukhang cake?”
“Bakit hindi ba?” Pigi ang pagtawa na balik-tanong nito.
Muli niya itong pinalo sa braso. “Ang salbahe mo talaga. Pasalamat ka’t birthday mo ngayon kung hindi nabatukan na kita.”
“Nakakadalawa ka na, Sonia, ha?” Hinimas nito ang brasong pinalo niya. “Pambihira. Birthday ko nga pero kung makahampas ka naman sa akin wagas.”
She playfully stuck her tongue out at him. She couldn’t help but laugh when she saw him pouted. Batid niyang hindi galit sa kanya si Tora dahil sa panghahampas niya rito. They’ve been friends for as long as she remembers. Normal na sa kanilang dalawa ang ganoong klase ng biruan.
“Oo nga pala,” Binuksan niya ang bag at inilabas mula roon ang isang maliit na paperbag. “Happy birthday, Tora. Pagpasensiyahan mo na ‘yan ha? Iyan lang kasi ang kinaya ng ipon ko.”
“Kailan pa nasama sa bokabularyo mo ang salitang pag-iipon, Sonia?” Natatawang lumayo ito at itinaas ang dalawang kamay tanda nang pagsuko nang mag-angat siya ng kamay upang muli itong paluin. “Joke lang! Manghahampas ka na naman. Pero salamat dito.”
Akmang bubuksan nito ang regalo niya ng pigilan niya ito. “Mamaya mo nalang buksan kapag wala na ako,” wika niya nang bumaling ito sa kanya.
Kumunot ang noo nito. “Bakit? Teka… Don’t tell me prank ito? Gagamba ang laman nitong paper bag ano?”
Hindi niya napigilan ang sarili na matawa nang ilang ulit nitong alugin ang regalo niya. “Mukha kang sira. Bakit naman kita bibigyan ng gagamba samantalang alam kong takot na takot ka dun?”
“Dahil s*****a ka?” Muli itong umatras palayo sa kanya nang muli niyang itaas ang kamay. “Hindi talaga ito gagamba ha? Pramis?” Muli nitong inalog ang paperbag.
“Hindi nga! At tigilan mo na ang kakaalog mo dyan sa regalo ko. Masisira na yung nasa loob eh! Basta mamaya mo nalang iyan buksan. Nahihiya kasi ako sa regalo ko. Parang hindi na bagay sa iyo kasi… alam mo na. Sikat ka na eh.”
“Sikat?” natatawang sabi nito na tila hindi ito makapaniwala sa sinabi niya.
Tumango siya. “Hindi ba’t pumirma na kayo ng contract sa Genesis Records? Hindi naman nila kayo kukunin bilang artist nila kung basta-bastang banda lang kayo. Ngayong under na kayo ng isa sa mga major recording companies dito sa atin, natitiyak ko na mas lalo pa kayong sisikat.”
“Kung magsalita ka parang hindi ka rin pumirma ng kontrata sa isang sikat na recording company.” Umangat ang isang kamay ni Tora at ipinatong iyon sa kanyang ulo. “Congrats, Sonia. Major artist na rin kayo ng mga kasama mo sa Serenade,” bati nito sa kanya kasabay nang masuyong paggulo nito sa kanyang buhok.
“Thank you. Congrats din. Pero sana wag mo masyadong pangigilan iyang buhok ko, no? Nagugulo ang bangs ko eh.” Sabay pa silang natawa dahil sa sinabi niya.
Kung may isa pang bagay na masasabi niyang nagpapatibay sa pagiging magkaibigan nila, iyon ay ang kapwa nila pagka-involve sa larangan ng musika. Isa siya sa tatlong miyembro ng singing group na Serenade samantalang rhythm guitarist naman si Tora ng bandang Wonderland. Masaya siya dahil halos magkasabay silang pumirma ng kontrata nito bilang major artist ng kani-kaniyang kumpanya.
“Seriously, ang ganda ng pa-birthday sa iyo ni Lord ano?” Maya-maya ay wika niya. “Huwag mong kalimutang magsimba at magpasalamat sa Sunday, okay?”
“I won’t,” nakangiting sagot nito.
“Good.” Tumingala siya at huminga ng malalim. “Sa dami ng blessings na natanggap mo galing kay Lord, hindi ko alam kung may bagay ka pang gustong hingiin sa mga oras na ito.”
Hinintay niya ang magiging sagot nito ngunit ilang sandali na ang lumipas ay hindi pa rin ito kumikibo. Nagtatakang bumaling siya kay Tora.
With the light coming from the nearest lightpost, she can clearly see how Tora looks at her. The way his midnight-colored eyes held hers is something new to her. He was looking intensely straight at her, making her feel something she haven’t felt before.
“A-Anong problema mo? Bakit ganyan ka makatingin?” tanong niya dito.
Ilang sandali ang lumipas bago ito sumagot sa kanya. “Actually, meron pa. May isang bagay pa akong gustong makuha.” Humakbang ito palapit nang hindi inaalis ang tingin sa kanya. “At matagal ko na iyong hinihiling sa Kanya.”
Nang huminto ito isang hakbang mula sa kinatatayuan niya ay saka lang niya napansin na kanina pa niya pigil ang paghinga. Aware na rin siya kung paano unti-unting bumibilis ang pagtibok ng kanyang puso.
“Gusto mo bang malaman kung ano iyon, Sonia?” tanong nito sa napakaseryosong tinig.
Nagdulot ng mumunting kilabot sa kanya ang tono ng boses nito. Huminga siya nang malalim at saka umiling. “H-Hindi mo dapat sabihin sa akin ang wish mo, Tora. Baka hindi—“
“I wished for you to fall in love with me. Because I’m in love with you, Sonia.”
Nanlaki ang mga mata niya at umawang ang mga labi sa sobrang gulat sa mga narinig. Ni sa hinagap ay hindi inaasahan na maririnig ang mga katagang iyon mula dito. Mahal ako ni Tora? Paanong nangyari iyon samanatalang magkaibigan—
Para siyang binuhusan ng isang timbang nagyeyelong tubig nang ma-realized niya ang bagay na iyon. We’re friends. He’s my best friend! I even think of him as my older brother! Paanong naging in-love siya sa akin? Sunod-sunod ang pagsulpot ng mga tanong sa utak niya at hindi niya iyon mabigyan lahat ng sagot. Unti-unti ay nagsimula na siyang mataranta.
"Relax, Sonia."
Ang boses na iyon at ang mga kamay na humawak sa kamay niya ang tila nagpakalma sa natataranta niyang isip. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin dito.
“Huwag kang masyadong mag-panic,” wika pa nito. He then rub tiny circles in the back of her hand using his thumb, soothing her gently. “Sinabi ko lang naman sa iyo ang nararamdaman ko. Iyon lang iyon.” Masuyo pa nitong hinawi ang ilang hibla ng buhok niya at iniipit sa likod ng kanyang tenga.
Ibinuka niya ang bibig, ngunit walang salitang lumabas doon. Muli siyang yumuko. Gusto na niyang mainis sa sarili dahil wala siyang maisip na sabihin dito.
“I’m sorry,” she then said, almost a whisper.
“Hindi ka dapat nagso-sorry sa akin. Hindi mo naman kasalanan na minahal kita.”
Natigilan siya. Hindi niya gusto ang tono ng boses nito habang sinasabi ang mga iyon. Mabilis siyang nag-angat siya nang tingin upang sagutin ang sinabi nito ngunit nawalang parang bula ang mga sasabihin niya matapos muling makita ang mukha nito.
He was smiling at her, and it was the most heart-breaking smile she had ever seen. She can almost feel how heart shattered into pieces as she gazed at Tora’s expression.
“I’m sorry kung nabigyan kita ng alalahanin dahil sa mga sinabi ko,” wika pa nito. “Huwag kang mag-alala. I understand, Sonia.”
Umiling siya. “No… Tora, hindi iyon ang— “
“Oi! Tora!”
Sabay silang napalingon sa lalaking tumawag kay Tora. It was one of his bandmates.
“Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap eh. Dumating na ang presidente ng Genesis at kanina ka pa hinahanap para batiin. Naroon siya ngayon kasama nina…” Saglit na nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila. “Uhm… Did I interupt something?”
“Wala, Saga,” narinig niyang sagot ni Tora dito bago bumaling sa kanya. “Mauna na ako sa loob, Sonia. Huwag kang masyadong magtagal dito sa labas at masyadong malamig. Hindi iyon maganda lalo na para sa boses mo.”
Hindi na siya nito binigyan ng pagkakataon na makapagsalita. Wala na siyang nagawa pa kung hindi ang pagmasdan ito habang naglalakad palayo sa kanya.
***
“Hoy, Sonia. Gising ka na ba?”
Marahang kinusot ni Sonia ang mata at kumurap ng ilang ulit. Ang nakakunot-noong mukha ni Keene ang bumungad sa kanya. “I’m up. Sorry nakaidlip ako,” hinging-paumanhin niya sa kabanda.
“Tapos na kaming ayusan ni Sofia. Pumunta ka na dun sa may dressing table para maayusan ka na ni Heart.”
“Okay.” Tumayo siya at saka lumapit sa kinaroroonan ng kanilang stylist. Nilalagyan na siya nito ng foundation sa mukhan nang di niya napigilan ang sarili na maghikab. Mula sa salamin ay nakita niya ang pagngiti sa kanya ng babae. “Sorry, Heart,” hinging paumanhin niya dito.
Narinig niya ang pagpalatak ni Keene. “You're causing troubles for Heart because of your eyebags, Sonia,” her bandmate said teasingly. “Are you okay? Napapansin ko lately na palagi kang puyat. Ikaw kasi, Sonia. Pagkatapos ng gig natin, diretso uwi na. Huwag nang gumala pa.”
“Siraulo. But seriously, I’m fine. Medyo nahihirapan lang akong makatulog sa gabi.”
“Nahihirapan kang matulog? Kailan ka pa nagsimulang magkaganyan?”
“Mag-iisang lingo na yata.”
“Oi, Sonia, hindi healthy iyan ha?” Nawala ang himig panunukso sa boses ni Keene at napalitan iyon ng pag-aalala. “Gusto mo bang samahan kita sa doctor pagkatapos nitong show appearance natin? Mabuti na iyong matignan ka muna ng doctor para at least alam natin kung okay ka nga bang talaga o kung kailangan mo nang mag-take ng gamot.”
Ngumiti siya dito. “Thank you, Keene. Next time nalang siguro. Kaya ko pa naman.”
“Okay. Basta sabihan mo lang ako.” Naglakad ito kung saan naroon ang mini ref at binuksan iyon. “Pambihira, hindi ba sila bumili ng Ice Coffee?”
“Keene, narinig ko na mahigpit na ibinilin ni Camilla na huwag mag-stock niyon today,” sagot ni Heart dito.
“What?! Si Camilla talaga! Alam naman niyang iyon ang gusto kong iniinom eh!”
“Ginagawa mo na kasing tubig, Keene. Nag-aalala lang si Camilla sa iyo at sa boses mo,” aniya dito.
“Wala naman siyang dapat na ipag-alala eh.” Bumuntong hininga ito. “Hay naku! Lalabas na muna ako. Hindi ako matatahimik hangga’t hindi ako nakakainom ng Ice Coffee ko.” Matapos kunin ang pitaka sa bag ay dire-diretso na itong nagmartsa palabas ng kanilang waiting room. Napailing nalang siya.
“Ang mga addict nga naman oo,” wika niyang ikinatawa ni Heart.
“Oo nga. Pikit ka, Sonia. Lalagyan na kita ng eye shadow.”
Tumango siya at saka tumalima dito. Sa mga sumunod na sandali ay hinayaan niya ang sarili na ma-relax habang patuloy na inaayusan ni Heart. Habang nakapikit ay unti-unting inookupa ng iisang imahe ang kanyang utak. The balcony, the lights and soft music, and that raven-haired guy. Dalawang taon na magmula nang mangyari ang eksenang iyon. Sa loob ng mahabang panahong iyon ay ngayon lang niya ulit iyon nakita sa kanyang panaginip.
Isang lingo nang paulit-ulit ang partikular na eksenang iyon sa kanyang panaginip na sa tuwina’y gumigising sa kanya sa kalagitnaan ng gabi. Kadalasan ay nagigising siyang habol ang paghinga at basa na ng luha ang kanyang mukha. At dahil okupado na niyon ang isipan ay hindi na niya nagagawa pang bumalik sa pagtulog. Magawa man niyang makatulog ulit ay hindi na rin iyon nagtatagal dahil kailangan na niyang bumangon at maghanda para sa kung anumang schedule niya.
Sa umpisa ay ayos pa ang pakiramdam niya ngunit sa paglipas ng mga araw ay unti-unti na niyang nararamdaman ang epekto ng puyat sa kanyang katawan. Kaya naman sa tuwing nakakahanap ng pagkakataon ay hinahayaan niya ang sarili na makabawi ng tulog. Hindi niya gustong magkasakit lalo pa at nalalapit na ang araw ng kanilang first major concert.
Ilang sandali pa at narinig niya ang boses ni Heart nang sabihin nitong tapos na siyang ayusan. Tumayo siya at pinagmasdan ang sarili sa salamin. Sa dalawang taon niyang pagiging miyembro ng Serenade ay hindi na nawala ang pagkamangha niya sa tuwing makikita ang sarili pagkatapos maayusan ng kanilang makeup artist.
Her hair hung in long graceful curves over her shoulders while her eyes and lips were painted with light pink eye shadow and lipstick. A black lace chocker adorned her slender neck. Her body encased in a black, gothic-style corset dress. Hindi niya maiwasang hindi mapangiti sa nakikitang repleksiyon. Hands up talaga ako sa galing ni Heart pagdating sa makeup, aniya sa sarili. Maganda na ako, pero mas lalo akong gumaganda dahil sa mga ginagawa niya.
Napalingon siya sa pintuan ng bumukas iyon. Mula roon ay dumungaw si Camilla, ang kanilang manager. Ito ang bumuo ng kanilang grupo. Ito rin ang composer ng kanilang mga kanta.
“You’re done? Good. Magsisimula na ang palabas,” wika nito sa kanya. She motioned her to follow her out. Nagpasalamat siya kay Heart bago sumunod kay Camilla. Paglabas niya ng waiting room ay nakita niyang naroon na rin ang dalawa pang kabanda. Walang salitang sumunod ang mga ito at ang ilan pa nilang staff sa kanila patungo sa studio.
“Girls, alam na ninyo ang gagawin sa show, right?” tanong nito sa kanila habang nananatili ang mga mata sa hawak nitong tablet. “Thirty minutes ang itatakbo ng palabas. Pagkatapos kayong interview-hin tungkol sa latest single at upcoming concert ninyo ay magpe-perform kayo ng isang kanta. Bukod sa inyo ay may isa pang banda na magpo-promote rin ng kanilang upcoming single.”
Nang bumaling si Camilla sa isa sa mga kasabay nilang staff ay naramadaman niyang umagapay sa paglakad niya si Sofia. “Narinig ko kay Keene na puyat ka raw?” tanong nito sa kanya. “Are you sure na okay ka lang?
“I’m fine, Sofia. Nakaiglip naman ako kahit paano kanina sa waiting room kaya medyo nakabawi na ako.”
“Glad to hear that. Kapag hindi maganda ang pakiramdam mo, bigyan mo lang kami ng signal para masabihan agad si Camilla, okay?”
“I will. Thank you.”
“Sabi ko naman sa iyo, Sofia. Wala kang dapat na ikabahala,” ani Keene na nasa tabi na rin pala niya.
“To be honest, sa iyo ako kinakabahan. I swear, Keene. Kapag pumiyok ka mamaya dahil sa pag-inom mo ng Ice Coffee, sasabihin ko na talaga kay Camilla na i-ban na nang tuluyan ang pag-stock niyan pati na rin ang pagdadala ng kahit na anong klase ng cake. Whether it is a gift or not.”
Malakas na suminghap si Keene dahil sa sinabi nito. “You can’t do that, Sofia!”
Bumaling dito si Sofia at saka ngumisi. “Try me.”
“Ang salbahe mo, Sofia! Para kang iyong makinang na lalaki kanina doon sa may lobby!”
Kumunot ang noo niya. “Makinang?” nagtatakang tanong niya.
Hindi na nagawang sumagot ni Keene sa tanong niya. Naagaw na kasi ang atensiyon nila ng grupo ng mga lalaking nakatayo sa entrance ng studio kung saan gaganapin ang taping. Nakita niyang nilapitan ni Camilla ang isa sa mga lalaki at kinamayan. Habang nag-uusap ang mga ito ay isa-isa niyang pinagmasdan ang iba pang naroon.
All five guys are wearing eccentric but stylish costumes. Each were wearing makeup na lalong nagpa-enhance ng anking kaguwapuhan ng mga ito. Kapansin-pansin rin ang kulay ng buhok ng mga ito. Tatlo sa mga ito ay may kulay blonde na buhok ngunit iba-iba iyon ng shade. Matingkad na pula naman ang buhok ng isa samantalang ang isa ay…
Natigilan si Sonia nang mapatingin sa pinakamatangkad na miyembro ng grupong iyon. Dalawang taon na ang lumipas ngunit madali pa rin niyang nakilala ito. At nang magtama ang kanilang mga mata ay naramdaman niya ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib.
“Tora?”