Malakas na nagpalakpakan ang lahat nang naroon sa loob ng studio matapos kumanta ang pinakaunang contestant ng singing contest. Maging si Keene ay hindi mapigilan ang sarili na pumalakpak dala nang sobrang pagkamangha sa galing na ipinamalas ng naturang kalahok. “What a wonderful number from our first contestant, Ms. Reign Baloy!” masigla at nakangiting wika ng host na si Hyde habang papalapit sa dalaga na nasa stage. Sa tuwing makikita ni Keene ang lalaki ay hindi niya maiwasang mamangha rito. She applauded her friend’s attitude and professionalism as a veteran host. Malayong-malayo ang itsura nito ngayon kumpara sa maligalig na persona nito bago magsimula ang recording. “Mukhang nagustuhan nang husto ng mga kasama natin dito sa studio ang performance ni Ms. Baloy. Tama ba ako?” Sinagot
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


