Nang lumabas si Keene mula sa banyo matapos makapagpalit ng damit ay agad na bumungad sa kanya ang seryosong mukha nina Sofia, Sonia, at Camilla. Her bandmates and manager’s quiet stares sends shivers down her spine. Humigpit ang pagkakakapit niya sa hawak na costume matapos mabatid kung ano ang mangyayari sa mga susunod na sandali.
Brace yourself, Keene. They’re going to start in three… two—
“I hope you’re done pondering about your previous actions, Keene,” Camilla said, eyes sharp and assessing as she followed her until she took her seat in front of the dressing table.
“Wala naman akong ginawa kanina ah,” depensa niya matapos matanggal ang ribbon na siyang nagtatali sa kanyang buhok. Her straight, long, black hair that reaches her waist cascades on her back. She then reached up and started to remove the pins that hold some of her hair strands.
“Alam kong alam mo ang tinutukoy ko, Keene.”
Malakas siyang bumuntong hininga. “Wala akong ginawa kanina, Camilla. Ni hindi nga ako nagsasalita even before the commotion happened.”
“Hindi por que hindi ka nagsasalita ay wala ka nang ginawa,” singit ni Sofia. “Your actions all throughout the recording speaks loudly of your thoughts.”
Keene slammed her hand on the table, creating a loud bang that resonated in the whole room. Bahagya pa siyang napangiwi dahil sa kirot na naramdaman mula sa hairpin na bahagyang bumaon sa kanyang palad. “So anong gusto ninyong palabasin? Na kasalanan ko yung nangyaring g**o sa pagitan nang mga fans kanina?” mataas ang boses na tanong niya sa mga kausap. She can feel her muscles tense as she stares back at their leader, hurt visible on her face. “Fine! Muntik na akong sumabat noong nagtatalo na ‘yung mga fans. Pero iyon ay para subukang tumulong para umawat sa kanila. Besides, hindi ba’t ikaw mismo ang pumigil sa akin kanina, Sofia? So dapat alam mong wala akong kinalaman sa nangyari.”
Immediately turning away after saying those words, Keene resumed her tasks of removing the pins off her hair. She bit her lip when the hairbrush slipped from her shaking hands from too much emotion she’s suffering at that moment. Nagpakawala siya ng isang marahas na buntong hininga bago yumuko upang kunin ang brush sa sahig. Ngunit bago pa man niya iyon makuha ay naunahan na siya ni Sonia.
“Calm down, Keene,” malumanay na wika ng babae sa kanya. “Alam kong alam mo na hindi galit sa iyo sina Camilla at Sofia. Nag-aalala lang sila sa iyo at sa nangyari.”
Keene felt Sonia’s hands on her head. She can feel herself slowly calming as she feels Sonia’s lithe fingers run through her locks, carefully removing the tangles and at the same time massaging her scalp. After a few minutes, she released her build-up tension with a deep sigh.
“I know that Camilla and Sofia were only doing their job and they mean well,” she said, eyes locked with Sonia through the mirror before turning them to the other two. “I’m sorry. I admit that I was beyond irritated because of the issue with regards to Wonderland’s vocalist.”
“Alam namin,” ani Sofia, isang mapang-unawang ngiti ang sumilay sa mga labi nito maging kay Camilla. “Kaya nga hinayaan ka naming mag-rant nang mag-rant nung pinabalik tayo dito sa dressing room nung kanina. Hindi lang namin akalain na kulang pa pala iyon para ma-release mo lahat nang tensyon dyan sa katawan mo.”
“‘Yung tagal na iyon hindi pa rin naubos?” manghang tanong ni Sonia. Saglit itong tumigil sa pagsuklay sa buhok niya para tignan siya nang maigi. “Aba’y matindi. Sinagad ba talaga ng issue niyo ni Cio ang pasensiya mo, Keene?”
“Hindi lang yung issue namin ang sumagad sa pasensiya ko,” nakasimangot na sagot niya. “”Yung Cio mismo ang umubos sa pasensiya ko. Alam ninyong wala naman talaga akong pakialam tungkol sa bansag na iyon sa akin. But to taunt me with it personally? Sinong hindi maaasar?”
“Personally?” Camilla asked.
Tumango siya. “I met the annoying guy earlier before the recording starts. Doon palang na-witness ko na ‘yung away ng mga fans namin. Na-witness namin, to be specific.” Pumihit siya paharap sa mga kausap. “Kasalanan ko ba kung hindi ko siya kilala? Na hindi ko alam na ‘Nightingale’ din ang tawag sa kanya ng mga fans niya? The nerve with that guy! Sinadya niyang gawin lahat ng mga ginawa niya sa stage during their performance just to annoy the hell out of me!”
Sa pagkakataong iyon ay si Camilla naman ang bumuntong hininga. “But still, you shouldn’t let his taunting get you. You’re a professional, Keene. May imahe kang dapat ingatan. Isang imahe na tinitingala ng mga tagahanga mo, sapat para makipag-away sila para sa iyo regardless kung tama ka o hindi.”
Keene’s shoulders immediately slump down after hearing that. “Sorry,” she apologized.
Camilla smiled at her. “Moving on. May request sa akin na T.V guesting ulit. This time it’s for a talent show and scheduled four days from now. You’ll be one of the judge so kahit isa lang sa inyo ang pumunta.”
“I don’t think I can go, Camilla,” Sonia said. “Schedule ko to record that day, remember?”
“Oo nga pala. You can’t skip that since we still need to edit it. Sofia, are you free?”
Umiling ang babae. “Nakapagpaalam na ako sa inyo na uuwi by next week. Famiy matters,” sagot nito.
“I see.”
When the three women turned their attention to her, the only thing Keene did was to sigh. “Fine, I’ll do it,” she said. “Consider it as my peace offering for the ruckus that I’ve caused today.”
“Very well. I’ll inform the show’s production team of your decision. Si Bridgette din pala ang makakasama mo sa araw na iyon since kasama ako ni Sonia sa recording niya,” Camilla said, looking pleased with her decision. She stood up from her seat and looked at them. “Now, bilisan niyo nang magbihis at nang makauwi na tayo. I’ll just talk to the director first about what happened and then I’ll meet you at the parking lot. Good job today, guys.”
“Thanks, Camilla,” magkakapanabay nilang sagot sa kanilang manager.
“Sofia, may balita ka ba kung anong nangyari sa mga fans natin habang nandito tayo sa dressing room?” agad na tanong ni Keene matapos makalabas ni Camilla.
“Sa pagkakaalam ko palalabasin nila dapat ‘yung mga nakitang nakipagbatuhan ng bote,” sagot ni Sofia.
Hindi niya maiwasang ngumiwi dahil sa narinig. “Ouch. Wala namang nasaktan sa kanila right?”
“Meron siyempre. Masakit kayang matamaan ng bote. Pero I’m sure na hindi ganun kalala. Besides, kung seryosong nagkasakita ang mga batang ‘yon, natitiyak kong tutuluyan nga silang palabasin ng studio kahit pa nakiusap si Cio on their behalf.”
Kumunot ang noo niya. “Teka, nakiusap si Cio?”
Ngumiti sa kanya si Sonia at saka tumango. “Kinausap ni Cio ang direktor. He even asked for our fans as well. Ang bait ‘di ba?”
Eksaheradong sinimangutan niya si Sonia bago kinuha mula rito ang hairbrush. “Mabait? Pasikat ‘ka mo.”
Keene saw how Sonia and Sofia shake their head because of what she said. She once again faced the mirror. All of a sudden, the image of Cio talking with the show’s director as well as all of the fan’s dreamy reaction because of it pops out of her head. Humigpit ang pagkakakapit niya sa hawak na suklay.
Mabait? Hindi iyon mabait! He’s a devil incarnate who’s doing everything to gain fans! aniya sa isip. Kung inaakala niyang nakaisa siya, puwes nagkakamali siya! I’ll prove him who’s the real Nightingale is!
***
Nang makapasok si Keene sa set ng T.V talent show kasama ang kanilang assistant manager nila na si Bridgette ay agad silang nakita ng host ng naturang palabas.
"Keene! So glad to see you again!" nakangiting bungad nito sa kanila. "Still as pretty as ever.”
"Good to see you too, Hyde. At ikaw rin. Bolero pa rin as always," natatawang sabi niya.
Tumawa nang malakas ang lalaki. "Lies! By the way, hindi mo kasama si Camilla?"
"Nope. May schedule silang recording ni Sonia today. By the way, this is Bridgette. Isa sa mga assistant managers namin."
Agad na bumaling ang lalaki sa kasama niya. "Hello, Bridgette," nakangiting bati nito sa at saka inilahad ang kamay. "Looking forward working with you."
"S-Same here," kiming sagot ni Bridgette.
Tumaas ang isang kilay ni Keene pagkakita sa iginawing iyon ng kasama. "Hay naku! Umariba na naman po si Hayden!”
“What? Ano na namang ginawa ko?”
“Ewan ko sa iyo. Ikaw, Bridgette. Sinasabi ko sa iyo, huwag kang papabiktima dito kay Hyde," wika niya sa kanilang manager na namumula na ang mukha at saka tinapunan ng isang nakakalokong ngiti ang lalaki. "Notorious magpaiyak nang babae itong si Hyde."
Pumalatak si Hyde. “Alam mo, ikaw, kung hindi lang kita kaibigan matagal na kitang naidemanda ng libel.” Hyde only shakes his head when she jokingly stuck her tongue out on him. “Parang bata. Halika na nga doon sa stage. We’re just waiting for the other celebrity judge to arrive then we’ll start the recording according to direk.”
Matapos magpaalam ni Bridgette upang puntahan ang direktor ng T.V. show ay sabay na nagtungo sa stage area sina Keene at Hyde. “Wala pa rin ‘yung isa pang judge? Hala! Halos call time na ah,” aniya matapos makaupo sa upuang may pangalan niya. Kimi siyang ngumiti at kumaway sa dalawang celebrity na nakaupo sa kanang bahagi niya. Kapwa regular ang mga ito sa program na iyon. Kunot-noong tinignan niya ang bakanteng silya na nasa pinakadulo nila.
“According to direk, on the way na raw dito. Na-traffic lang daw mula doon sa isa pang shooting na pinanggalingan.”
“Wow! Mukhang big time yung parating ah,” kumento niya.
Nagkibit nang balikat si Hyde. “You could say that. Alam mo bang bukod sa mga fans mo, fans niya ang karamihang nakaupo sa audience area ngayon? Nakakatuwa nga eh. Ilang beses na silang nagpa-practice ng sigaw na akala mo nasa concert. They’re waving their lightsticks and chanting that bird breed thing in full synchronicity.”
“Hold up there. Bird breed?”
Bago pa magawang sumagot ni Hyde sa tanong niya ay sabay silang napatingin sa mga nasa audience area nang sabay-sabay na tumili ang mga ito. At wala sa sariling napatayo siya sa kinauupuan nang makilala ang lalaking naglalakad palapit sa kinaroroonan nila.
“I’m sorry, I’m late,” Cio announces. He then flashes them with his signature smile. That same smile that annoys the hell out of her. “I’m Cio of Wonderland. Looking forward to working with all of you today.”