“We are standing in a space between our circumstances and ideals. The dice had already been thrown. On make-or-break days, our lives are on the edge. It means something if you’re struggling, right?”
Mahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamay ni Keene habang matalim ang mga matang pinapanood ang lalaking kasalukuyang kumakanta kasama ang banda nito sa harapan ng stage. Parang sirang plakang paulit-ulit sa utak niya ang huling naging pahayag ng lalaki sa kanya sa lobby ng studio.
Hindi ko sasagutin ang tanong mo. It would be much more fun if you hear me sing yourself, right?
“Psst!”
Mabilis na napalingon si Keene kay Sofia sa kanyang tabi. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya.
“What the hell are you doing? Stop grabbing your dress like that. Malapit mo nang masira ‘yang damit mo,” pabulong na sita nito sa kanya. Pagkawika niyon ay muli nitong ibinaling ang tingin sa bandang nagpe-perform. “Focus, Keene. We’re still in the middle of recording.”
Ah! Oo nga pala. Kasalukuyan silang nakaupo sa isang parte ng stage kasama ang host ng T.V. show. Even though it’s not yet their turn to be recorded, a cameraman was still placed in front of them. Discreetly, she ran both of her hands to smoothen the wrinkle she created on her dress. After fixing her sitting posture, she schooled her facial expression like a pro. Keene kept her smile as if she’s enjoying the annoying man’s performance.
Ngunit habang tumatagal ay nagiging parusa sa kanya ang pagiging propesyonal. Dahil sa bawat ngiti at kindat na pinakakawalan ng kumakantang lalaki, na ngayon ay kilala na niyang si Cio, sa tuwing bumabaling ito sa kinaroroonan nila ay unti-unti ring bumabangon ang kagustuhan niyang ibato rito ang inuupuang silya.
“So I wish you all the happiness and I want to walk with you until the very end. I want nothing else as long as you were here with me.”
Deep breaths, Keene. Kalma lang tayo, okay? aniya sa sarili nang muli na naman siyang paulanan ng kindat at ngiti nang lalaki.
Upang maiwasan ang tuluyang pagkawala nang composure ay minabuti na lamang ni Keene na ituon ang pansin sa mga manonood. She immediately noticed that majority of the audience were females, mostly around in their teens. May mga lalaki pa rin naman siyang nakita at karamihan ay nakaupo sa kanang bahagi ng audience area.
Another thing that she’d noticed is the blatantly obvious seating arrangement of the fans. Kitang-kita mula sa kinauupuan niya ang kung saan nahati ang mga fans nila at ang mga fans ng Wonderland. Their fans — which are those who are the right side — carries blue balloons while those on the left singing along loudly and waving banners and what she assumed as improvised light sticks were Wonderland’s fans. Wala siyang ideya kung sinadya iyong gawin ng mga staff ng show o hindi.
“There are so many things in this world that you don’t know. I tore the map and threw it away as dawn came. Even though there are no certainties, regardless of our past and yesterdays. Your burdens will become your very wings, and the night will become brighter. Even though it is formless, our song will not fade. It will always stay by your side.”
Halos mapangiwi si Keene nang malakas na naghiyawan ng mga manonood sa studio nang bumirit ang lalaki sa mataas na boses. Malakas ang suspetsa niyang mga tagahanga ng banda ang karamihan sa iyon lalo na’t sabay-sabay ang mga ito sa pagsigaw ng fan chant at pagsabay sa pagkanta sa bokalista. But despite her annoyance, she couldn’t help but smile at the scene. As a performer herself, seeing a fan happily enjoying a performance – especially if it is her performance – truly gives a very satisfying feeling. Nang pumalilanlang ang huling nota nang performance ng banda ni Cio ay malakas na naghiyawan at nagpalakpakan ang halos lahat nang naroon. Keene noticed that even their fans did enjoy the band’s performance.
Habang nagbibigay ng instructions ang director sa host ay isa-isang naupo sa mga silyang inilagay ng mga staff sa tapat nila ang bawat miyembro ng banda. Keene swears that she felt Cio’s gaze the moment he took his seat. True enough, nakatingin nga ang lalaki sa kanya nang sa wakas ay nagpasya siyang lingunin ito. She immediately felt her blood boil in annoyance when he once again gave her his irritating but beautiful smile.
Wait. Anong beautiful ang pinagsasasabi mo dyan, Keene? Sinimangutan niya ang lalaki at saka umirap. Hindi na niya ito tinapunan ng pansin kahit pa na-curious siya kung sa lalaki nga nanggaling ang mahinang pagtawang narinig niya.
Muling bumaling sa pwesto niya sa stage ang host ng T.V. Show. And at the floor director’s signal, the crowd clap their hands, and the shooting resumes.
“Welcome back on our show,” the female host greets as she stares at the camera in front of her. Ibig matawa ni Keene sa alanganing ngiti ng babae dahil sa ingay na likha ng mga naroroon. “Finally! For the first time here in our show, let us all welcome. One of Philippine’s best Pop-Rock band, Wonderland!” Muling umani ng malakas na hiyawan at palakpakan ang intro na iyon. “I’m not sure if there’s anyone out there that doesn’t know you guys. But for the sake of those who don’t, may I ask each member to introduce themselves.”
Nang iabot ng host ang mikropono sa isa sa mga miyembro ng banda ay agad nito iyong ipinasa sa katabi, na muling nagpasa sa isa pang miyembro hanggang sa umikot ang mikropono at makarating sa pinakahuling miyembro. Muli sana nitong ipapasa ang mikropono ngunit nang ma-realized nitong ang host ang pagpapasahan ay umiiling na tumawa ito, dahilan upang tumawa rin ang host maging ang halos lahat ng naroon.
“Hello! I’m Tora, the Rhythm Guitarist and the most sensible one among the members of Wonderland,” pagpapakilala ng unang miyembro sa sarili nito. Kumaway ito sa camerang nakatapat sa kanya bago ipinasa ang hawak na mikropono sa katabi.
Akmang ipapasa sana nang sumunod na miyembro ang mikropono ngunit pinigilan na ito nang mga kasama. Tatawa-tawang kumaway ito sa camera bago nagpakilala. “Hi! I’m Wonderland’s cute drummer, Now! Nice to meet you!”
“Good morning! I’m Hi-Ro, the Lead Guitarist of the band,” pagpapakilala nang sumunod na miyembro. “And yep, my name’s from that famous biscuit.”
“He’s also the shortest.”
“Hoy!”
“What? I’m just saying the truth?”
“Just shut it will you!”
Malakas na nagtawanan ang mga naroon dahil sa naging sagutan nina Now at Hi-Ro. Pasimpleng kinuha ni Tora ang mikropono kay Hi-Ro at ipinasa iyon sa katabi nito.
“Hello.” Makailang-ulit na kumurap si Keene matapos marinig ang mababang boses na iyon. “I’m Saga, the bassist of Wonderland.”
Oh my God! Akala ko may babae silang member?! What the hell? His voice doesn’t match his looks! He looks so beautiful! Hindi maalis-alis ni Keene ang tingin sa naturang bahista kaya naman hindi niya namalayan ang ginawang pagpasa nito ng mikropono sa katabing lalaki.
“Good morning!” bati ni Cio na agad sinagot nang malakas na tilian. “I’m Wonderland’s vocalist, Cio. Pleasure to be here.” Just like what Now did, Cio also waved his hand in front of the camera and to their audience. When he turned towards them, he politely nodded his head to both Sonia and Sofia. Keene swears that the guy smirked at her before turning his attention back to the host.
“The song you’ve just performed was called ‘Dawn’, right? And it was released last year?”
Halos sabay-sabay na tumango ang mga miyembro ng Wonderland. “Yes. ‘Dawn’ was one of the ten songs included in our last year’s album, Alice,” Cio answers, a warm smile on his lips. “It is about not giving up on life no matter what kind of struggles you’d encounter. It’s about conquering each and every challenge life is giving you and making your journey worth it especially for the people who stood by you.”
The host nodded her head in understanding. “I see,” she said with a smile. “Hindi lang pala ang tugtog ang maganda. Pati na rin ang meaning behind it. Speaking of maganda, our staff interviewed your fans who are here earlier.” Naghiyawan ang mga fans nang itinuro sila ng hosts. “We asked them to describe their favorite member. And majority of your fans, Cio, described you as Mr. Megawatt Smile, an artist, and beautiful?”
Keene snorted as she heard the last word used to describe Cio. Beautiful? Weh? Seryoso ba sila sa bagay na yan ha? She was trying her best not to laugh out loud when she heard someone exaggeratedly cough, as if calling her attention. Oh no! Keene snapped back and immediately turned her attention to the present. Ibig niyang ngumiwi nang makita ang nakakunot-noo nang si Sofia at ang nagtatakang tingin ni Sonia. She was about to say sorry to them when she noticed that Cio was staring at her as well.
“Beautiful? Me?” Narinig niyang wika ni Cio habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Buong tapang na sinalubong ni Keene ang tila naghahamong tingin nito. Maya-maya pa ay tumaas ang isang kilay nito at saka unti-unting bumaling paharap sa mga manonood. “Ako ba talaga ang tinutukoy niyo o si Saga?” tanong pa nito bago sumilay mula sa mga labi nito ang isang ngisi.
Kasabay ng hiyawan ay ang samu't-saring sagot na hindi nila maintindihan ang nagmula sa mga tagahanga nito. Natatawang itinaas ng host ang isang kamay nito upang pakalmahin ang mga ito. “Teka-teka. Isa-isahin natin para magkaintindihan tayo, okay,” wika nito. “So, I quite get the Mr. Megawatt Smile. I mean, that’s easy just looking at you right now.” Cio’s fans once again scream, much to Keene’s displeasure. “How about the artist side?”
Kinuha ni Tora ang mikropono mula kay Cio. “Kay Cio galing ang karamihan ng designs ng mga merchandise ng banda,” sagot nito. “He’s also the one who is writing the lyrics of our songs. As far as I’m concerned, that is also a form of art.”
“I totally agree to that. And the last one is beautiful. But why are you shaking your head— What?” Sandaling huminto sa pagsasalita ang host matapos mapansin ang ginawang pagsenyas dito nang isa sa mga staff. “Ah! Sorry pero mukhang nagkamali ng pag-encode ang staff namin. Beautiful voice pala dapat imbes na beautiful lang. Sinong in-charge sa teleprompter natin, direk? Lagot kayo! Typo error o!” Umani ulit ng tawanan ang sinabing iyon ng host. “Pero seryoso, ang ganda nga ng boses mo, Cio. Not to mention those high notes. No offense to our three beautiful girls here, pero common na sa isang Pop groups ang may isa or dalawang member na may mataas na boses. But in a Rock band? ‘Yung growling pwede pa, right?”
“Tora and Hi-Ro does the growling for our band,” ani Saga matapos ipasa ni Cio ang mirkopono dito. “Gusto ring gawin ni Cio iyon pero hindi kami pumayag. If ever na hindi magawa ni Hi-Ro, andyan si Tora. Pero kapag may nangyari sa boses ni Cio, wala na. We have to protect his golden voice. And besides, ang dami na niyang role sa banda namin.”
Mula kay Saga ay tumingin si Keene kay Cio. Asar man sa lalaki ay sang-ayon si Keene sa sinabi ng kabanda nito. Para sa isang bokalista, pinakaimportante ang kanilang boses dahil ito ang kanilang instrumento. Regardless sa kung ano pa mang ibang role na ginagampanan nito sa banda nito, tama lamang na i-priority nito ang boses nito.
“We love you, Nightingale!” narinig ni Keene ang malakas na sigaw na iyon mula sa ilang mga fans. Bilang sagot ay ngumiti si Cio sa mga ito at saka kumaway.
“I heard that you’re going to―”
“Excuse me? Sino ang tinatawag niyong Nightingale?”
Naputol ang kung ano mang kasunod na sasabihin nang host nang malakas na pumailanlang ang isang sigaw mula sa isa sa mga fans nila. Bakas sa mukha ng host maging sa iba pang mga staffs at sa mga miyembro ng Wonderland ang pagtataka nang tapunan sila ng tingin ng mga ito.
“How dare you use that to call your vocalist? Samantalang si Keene ang unang pinangalanan niyan?” patuloy pa ng fan nila na sinang-ayunan pa ng iba.
“Anong pinagsasasabi mo dyan?” maya-maya ay sagot ng isang fan ng Wonderland. “For your information, si Cio ang nag-iisang kinikilalang Nightingale ano!”
“O talaga? Sino naman ang nagsabi niyan aber?”
“Eh kayo? Anong proof niyo dyan sa mga pinagsasasabi niyo?”
Napatingin si Keene sa direktor nang show nang sumenyas ito sa mga staff. Ilan sa mga ito ang lumapit sa kinaroroonan ng mga fans na nagsasagutan. Unti-unti siyang naalarma nang napansin niyang patuloy pa rin sa pagsasagutan ang magkabilang panig.
“You know what? Hindi siya pwedeng tawaging Nightingale. Why? Birit na bang matatawag yung ginawa niya kanina? No offense sa bokalista niyo pero di hamak na mas mataas at mas mahaba ang mga birit ni Keene sa mga kanta nila.”
“Mataas? Nagpapatawa ka ba? Eh nag-flat note nga siya kanina eh!”
Mabilis na napatayo si Keene at malakas na napasinghap sa narinig. What?! Of course not! Bumuka ang bibig niya ngunit bago pa man siya makapagsalita ay mahigpit siyang hinawakan ni Sofia sa braso. Her leader shakes her head, silently telling her not to engage.
“Guys, please calm down.” Nabaling ang tingin niya kay Cio nang sinubukan nitong kunin ang atensiyon nang mga fans nila sa malakas na boses. “Regardless kung nag-flat man si Keene o di kasingtaas ng boses niya ang boses ko, hindi kayo dapat na nag-aaway,” wika nito at saka tumingin sa kanya.
Isang matalim na tingin ang ibinigay niya sa lalaki. Is he implying that I did sing out of tune? Na nag-flat tone nga ako? Nangigigil na ikinuyom ni Keene ang mga kamay upang pigilan ang sarili na sigawan ang lalaki.
“O, makinig kayo kay Cio. Kalma lang daw kayo,” sigaw ng isang fan nila.
“Mabait kasi si Cio. Hindi katulad ng idol niyo,” sagot naman ng isang fan ng Wonderland. “Just look at her. Mukhang pikon.”
“Aba’t—! Anong sinabi mo?!”
“Aray! Huwag kayong mambato ng bote!”
“‘Yung kasama niyo kaya ang naunang nambato ng bote!”
Nanlalaki ang mga mata ni Keene habang pinanonood ang nangyayaring kaguluhan sa kanyang harapan. “Hey!” sigaw niya upang subukang tumulong ngunit mabilis na humarang ang isa sa mga staff.
“Ms. Keene, bumalik na muna kayo sa dressing room ninyo please,” wika ng staff sa kanya.
“Pero—”
“Keene, let’s go.” Mahigpit siyang hinawakan ni Sonia at hinila patungo sa exit ng studio. Wala na siyang nagawa kundi ang magpatinuod dito.
Naririnig pa rin ni Keene ang patuloy na iringan ng mga fans. She looked back, the heaviness slowly spreading in her chest as she saw how the show’s staff reprimanded all those who were involved. She made a mental note to herself to send a thank you and apology message to their fans later.
Before Keene walked out of the studio together with the other two members and some staff members, she saw Cio together with the other members of his band as well as some of the show’s staff members. Mukhang binibigyan din ang mga ito ng instructions. Matalim niya itong inirapan. Hindi rin siya huminto at nagpatuloy lamang sa paglalakad patungo sa kanilang dressing room kahit pa naririnig niya ang pagtawag sa kanya ni Sofia.
Wala siyang pakialam kung masesermunan siya ni Sofia mamaya dahil sa inasal niya. All she care about right at that moment was their fans and the continuous growth of her annoyance towards Cio.