“Excuse me. Narinig ko kasi kayong dalawa ngayon lang. Itatanong ko sana kung favorite member niyo rin ba si Nightingale?”
“Oo, bakit?”
“Ay! Ako rin! Siya ang pinaka-paborito sa kanilang lahat!”
Natigil ang sana’y pagbubukas ni Keene sa hawak na bote ng kape nang marinig ang sabay-sabay na pagtili kasunod nang pag-uusap na iyon. Kasalukuyan siyang nasa lobby nang studio kung saan niya balak palipasin ang oras habang inuubos ang biniling inumin at maghintay sa pagsisimula ang recording ng T.V. show kung saan isa sa mga bisita ang grupong kinabibilangan niya.
Mula sa kinatatayuan ay pasimple siyang sumilip upang mapagsino ang narinig. Tatlong babaeng teenager ang nakita niyang nakatayo sa tapat ng vending machine kung saan niya nabili ang hawak na kape. Dalawa sa mga ito ay may hawak na banner na may pangalan ng kanilang grupo samantalang ang isa naman ay may hawak na kulay asul na lobo. Kasalukuyang nagpapakilala ang mga ito sa isa't-isa. Bakas sa mukha ng bawat isa ang saya na madalas niyang makita sa mukha ng kanyang mga tagahanga sa tuwing may mall show sila.
“Bakit niyo naging paborito si Nightingale?” maya-maya ay narinig niyang tanong nang dalagang may hawak na lobo.
“Dahil sa boses niya!” magkapanabay na sagot nang dalawang kausap nito.
“Gandang-ganda ako sa boses niya,” paliwanag ng isa. “I belong to multiple fandoms, pero pagdating talaga sa boses ‘yung kay Nightingale ang pinakagusto ko. Kakaiba ang dating sa akin ng boses niya. Sa tuwing pinakikinggan ko ang mga kanta nila, damang-dama ko yung emosyon meron dun sa kanta.”
“Ay oo!” segunda naman ng isa pa at saka tumawa. “Hindi ko alam kung magkakatulad tayo nang nararamdaman sa tuwing nakikinig. Pero kapag malungkot yung tema nung kanta, hindi ko mapigilan ang sarili ko na maiyak. At kapag up-beat naman, namamalayan ko nalang ang sarili ko na tumatango kasabay nung kanta.”
"Same here!"
Keene leaned against the wall, the beginning of a smile tipped the corner of her mouth as pure happiness started to spread to her whole being. If there’s something that makes her feel giddy the most, that is when someone is praising her singing.
She was aware of some of their fans calling her as the Nightingale for quite some time now. Isa sa mga staffs nila ang unang nagsabi sa kanya tungkol sa paghahambing sa kanya ng karamihan sa naturang ibon dahil sa ganda at taas ng kanyang boses. She also remembered Sofia jokingly told them that she’s being compared to it not because of her voice but because of her noise. But Keene just stuck her tongue out to Sofia when the media also started to call her that.
“At ang taas ng boses niya! Pero kahit ang taas ng boses niya, hindi nakakairitang pakinggan. Alam niyo yun?” patuloy pa ng isa sa mga teenagers.
“I totally agree! ‘Yung tipong hindi masakit sa tenga? No offense sa ibang singers natin dito sa Pinas, but the way Nightingale sing is so heavenly. Hindi basta-basta kanta na akala mo sumisigaw nalang para masabing mataas ang boses.”
“I get you! Remember when Nightingale sang that song sa isang music festival? It sounds so heavenly, even hitting the C5 note! No cringe, no off-notes. Just pure perfection.”
A very satisfied grin appeared on Keene’s lips as she basked on the knowledge of her ability. Ah! That famous C5 note. Camilla was so proud of me when I hit it that night, she thought as she finally opened her bottle of coffee.
“Ah basta! Nightingale is the best for me!”
“I agree!”
“Ako rin!”
“I love Keene so much!”
“I love Cio so much!”
Inihit ng ubo si Keene matapos masamid sa iniinom. Kunot-noong kinuha niya sa bulsa ng suot na damit ang panyo at maingat na pinunasan ang mga labi. Pambihira, mapapatay ako ni Heart kapag nasira ko ang make-up ko, aniya sa sarili.
Matapos tuluyang humupa ang pag-ubo at muling matakpan ang hawak ang bote, muling sinilip ni Keene ang mga dalagang nag-uusap sa may vending machine. Kung kanina ay bakas ang kilig at saya sa mukha nang mga ito, ngayon ay kakikitaan na iyon ng pagkalito.
“Anong sinabi mo? Sino si Cio?” narinig niyang tanong ng isa sa dalawang babaeng may hawak na banner.
Oo nga. Sino ‘yung Cio? segunda niya.
“Si Nightingale,” sagot ng dalagang may lobo, bakas sa boses nito ang pagtataka. “Akala ko ba fan niya kayo? Bakit hindi niyo alam ang pangalan niya?”
“We’re definitely Nightingale’s fans. Pero hindi Cio ang pangalan niya. Saan galing ‘yung Cio?” natatawang wika ng isa pa. Maging ang katabi nito ay nagsimula na ring matawa. Ngunit hindi ang kausap nila. Bagkus ay kakikitaan na ito nang mga kunot sa noo.
“Are we still talking about Nightingale here?” the teen asked in a very serious voice.
Kapwa na natahimik ang dalawang kausap nito. “Of course we are. We’re talking about Keene of Serenade, right?”
“What the hell? Ang tinutukoy ko ay si Cio ng Wonderland! Siya si Nightingale. Hindi ko kilala ‘yang Keene na pinagsasaasabi niyo ‘no!”
Nanlaki ang mga mata ni Keene nang marinig ang pabulalas na sagot na iyon. What?! Hindi mo ako kilala?! Me?! Si Keene Tomaquin? Ang nagmamay-ari ng pinakamataas na boses sa Serenade?!
“Mas lalong hindi namin kilala ‘yang Cio na pinagsasasabi mo! For your information, miyembro si Keene ng sikat na grupong Serenade,” buong pagmamalaking wika ng isa sa dalawang fans nila.
“Sikat? Eh bakit mukhang hindi naman? Hindi ko nga kilala ‘di ba?” nakataas ang kilay na salag ng dalagang ngayon ay batid niyang fan nung Cio.
Keene and their two fans almost have the same horrified look after hearing those words.
"Saang bundok ka ba galing at hindi mo kilala ang Serenade? Excuse me lang pero kilalang-kilala sa buong Pilipinas ang grupong Serenade. At mismong Philippine media ang tumawag kay Keene ng Nightingale ‘no!”
“Philippine media? No wonder! Samantalang media from Malaysia at Japan ang nagbansag bilang Nightingale kay Cio sa isa sa mga naging interviews nila doon. Baka naman ginaya lang iyon ng manager ng Serenade?”
Aba’t―! Salbahe ‘tong bata na ‘to ah! Ginawa pang gaya-gaya si Camilla! Unti-unting yumayabong ang pagkayamot ni Keene sa dalagang anti-fan nila.
"Hoy! Mahiya ka nga―!"
"Tama na iyan," awat ng isang fan nilang tahimik lang na nakikinig mula nang magpalitan ng sagot ang dalawang nasa harapan nito. Bumaling ito sa kasama. "Remember what our admins told us. Huwag kang makipag-engage sa kahit na anong alitan. No matter how absurd it sounds," she told her fellow Serenade fan before glancing at the other.
Keene watched how the other took a deep breath and then nods. "Tama ka," narinig niyang wika ng dalaga maya-maya. "Mababait ang mga ate natin sa Serenade. And we as their fans represent them. Besides, we know who is the real Nightingale anyway."
"Yeah right," sarkastikong wika ng anti-fan nila. "You know what, better discuss this with your fandom friends and the band's manager habang maaga pa. Mahirap nang mapahiya, lalo na kung ang katapat niyo ay ang Wonderland." Pagkawika niyon ay tumalikod na ito at naglakad palayo. Hindi nagtagal ay umalis na rin ang dalawa pang naiwan.
Kunot-noong naglakad si Keene patungo sa tapat ng vending machine kung saan naganap ang nasaksihang alitan. One part of her was proud of how their fans handle the situation, but another part of her was confused and slightly irritated. Hindi sa panig nila nanggaling ang tawagin siyang Nightingale. She didn't asked to be called one in the first place. Kaya naiirita siya ngayon dahil sa nasaksihang tensiyon sa pagitan ng mga fans kanina ng dahil lang sa pangalang iyon.
"And who the hell is this Cio anyways?" she asked herself, not aware that she said it out loud.
"Well, I heard that this Cio is a very handsome guy."
Mabilis na napalingon si Keene sa kanyang likuran dahil sa gulat matapos marinig ang baritonong boses na iyon. Isang lalaki ang nakita niyang nakatayo sa katapat na dingding kung saan siya nagkukubli kanina habang nakikinig sa mga dalagang fans. Nakasandal ito sa dingding habang matamang nakatingin sa kanya.
Pinasadahan ni Keene ng tingin ang kabuuan ng lalaki. He’s tall, maybe two or three inches taller than her. His blonde hair was styled and was held up with she presumed to be gel, hair spray, or other hair products. And she’s one hundred percent sure that the guy is wearing make-up.
Pero ang pinakanakakuha ng buong atensiyon nni Keene ay ang suot ng lalaki. Pakiramdam niya ay unti-unting sumasakit ang ulo niya habang patuloy na nasisilaw sa liwanag na nire-reflect ng suot nitong satin silver tuxedo.
Satin silver sa tanghaling tapat?! What the heck? Who in their right mind will wear something similar to a light reflector?!
Keene cleared her throat. She shifted her weight on her right and crossed her arms. “Really?” she asked. “Magaling nga din ba siyang singer?”
She saw the guy blow out a sigh before pushing himself away from the wall and started to walk towards her. Keene was impressed at how the guy carried himself despite wearing the annoying suit. His strides were easily compared to a seasoned runway model, full of confidence and power.
Bahagyang tumingala si Keene nang huminto ang lalaki isang dipa sa harapan niya. As she expected, the guy was indeed tall. “What?” she asked, raising one, perfectly shaped brow when the guy just continued to stare at her.
Unti-unti nang nakakaramdam ng pagkayamot si Keene sa kaharap na lalaki. Pero bago pa tuluyang mapatid ang pisi ng pasensiya niya ay saka ito gumalaw. The guy abruptly leaned towards her, his face a few inches from hers. At nahigit ni Keene ang paghinga nang unti-unting tumaas ang isang gilid ng labi nito.
Keene steps back unconsciously. Bakit ka umatras? Naghuhumiyaw sa utak niya ang tanong na iyon habang patuloy na nakatingin sa nakangiting mukha nang kaharap. She couldn’t pinpoint it, but there is something with the guy’s smile that sent her pulse racing.
“Hindi ko sasagutin ang tanong mo,” maya-maya ay wika sa kanya ng lalaki. His silky voice held a challenge. “It would be much more fun if you hear me sing yourself, right?”
The guy’s smile turns into a grin as he slowly pulls away, standing in his full height once again and starts to walk past her. It took a few moments for Keene to snap out of her musing. Mabilis siyang lumingon upang kastiguhin ang lalaki ngunit nakaliko na ito sa pasilyo. Her annoyance increased when she found that her hands were shaking.
“How dare he,” she muttered, generally resentful of the previous event. “Makikita talaga ng Cio na ‘yun ang hinahanap niya!”