FINAL CHAPTER - SONIA

1798 Words
Nang makita kung paano unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Tora dahil sa sinabi, pakiramdam ni Sonia ay dumoble ang kabang kasalukuyang nararamdaman. Ngunit pilit niya iyong nilabanan iyon. At bago pa siya tuluyang kainin ng kabang iyon ay nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Magkaibigan tayo mula pagkabata, Tora. At sa tagal ng pagkakaibigang iyon ay nasanay na ako sa sitwasyong mayroon tayo. Normal na para sa akin ang mga ngiti mo, ang pagiging gentleman mo, kung paano ka mag-alala para sa akin. Lahat ng iyon natural lang kasi nga magkaibigan tayo.  Kaya naman hindi mo maaalis sa akin na hindi mag-react ng ganoon noong n-nagtapat ka sa akin two years ago. Ni sa hinagap, hindi ko inasahan na mangyayari ang eksenang iyon.” Napangiwi siya sa isip nang bahagya siyang mabulol ngunit hindi siya huminto. “Ang totoo, hindi ko alam kung anong gagawin ko noon. Hindi ko alam kung paano kita sasagutin. At sa sobrang pagkataranta ko, hindi ko nagawang sumagot sa iyo hanggang sa umalis kayo ni Saga. And I regretted it. Kasi dahil doon, inisip mo na nasira mo ang friendship nating dalawa.” Wala sa sariling iniyakap ni Sonia ang isang braso sa sarili nang muling maramdaman ang panginginig ng katawan. Kaya mo yan, Sonia, alo sa sarili. She swallowed a lump on her throat before continuing. “Nang muli tayong nagkita at nagkausap matapos ang dalawang taon, hindi mo alam kung gaano ako kasaya. I feel so happy because you’re back. Our friendship is back. Since then, I thought everything will be okay. Pero hindi iyon ang nangyari. Things started to change. habang nakakasama kita, habang nakakausap kita, hindi ko namamalayan na unti-unti nang nag-iiba ang pagtingin ko sa iyo. Huli na nang ma-realized ko ang mga nangyayari. I just woke up one day and found myself in love with you.” Tora was about to say something but she shakes her head, silently telling him to let her continue. Sa estado ng nararamdaman niya ngayon, batid niyang hindi na niya magagawa pang sabihin ang lahat ng nasa sa loob sa oras na maputol ang momentum niya. Ilang sandali rin itong nakatingin lang sa kanya bago tumango. Huminga siya nang malalim at saka muling nagpatuloy. “I know that I should’ve been contented that our friendship is back, but instead I let myself fall in love with you. Maniwala ka sa akin, Tora. Sinubukan ko talagang pigilan pero wala eh. Andun na. So I continue to love you secretly. Sinarili ko kasi natatakot akong maulit yung nangyari dati. Ayoko nang maulit iyon, Tora. Ayoko nang mawala ka ulit. But I still failed.” Sonia dropped her head, hiding her face from Tora as tears gather from the corner of her eyes. “I-I’m sorry, Tora,” she apologized; voice cracking as she finally let herself cry. “I’m sorry kasi hindi ako gumawa ng effort noon para mabigyan ka ng matinong sagot. I’m sorry for hurting you before. I’m sorry for hurting you again. I’m sorry dahil nagka-awkward moments na naman tayo dahil sa nararamdaman— “ Natigil sa pagsasalita si Sonia nang maramdaman ang mabilis na paglakad ni Tora palapit sa kanya. Bago pa man siya makahuma ay agad siya nitong hinawakan sa braso, hinila palapit at siniil ng halik. Her eyes grew wide at first but closed slowly as she felt Tora’s other arm wound around her waist and pulled her more tightly against him. Ikinawit niya ang dalawang braso sa leeg nito sa takot na bumigay ang mga tuhod niya. Warmth flowed through her body as Tora deepened the kiss. Sonia thought her reactions to the kiss were kind of weird. The kiss made her feel lightheaded but at the same time calmed her, slowly easing her anxieties away. It made her gasped for air, but she felt fine. Her body seems to weaken but she felt more than alive. Tora slowly pulled away from the kiss, only to embrace her tightly. “Enough,” she heard him say close to her ear as he gently strokes her hair. “That’s enough, Sonia.” Isinandig niya ang ulo sa balikat nito at hinayaan itong magpatuloy sa ginagawang paghaplos ng kanyang buhok. The soft caress and the sound of his heart beating inside his chest lure her to close her eyes again. Lumipas ang ilang sandali na nanatili lang sila sa ganoong posisyon hanggang sa muli niya itong narinig na magsalita. “Noong magtapat ako sa iyo two years ago, it was unintentional,” Tora said softly. “Matagal na akong may gusto sa iyo. At katulad mo, ayoko ring i-risk ang pagkakaibigang mayroon tayo. I hold it back to myself. Pero habang tumatagal ay papahirap nang papahirap ang sitwasyon ko. You’re a very beautiful woman, Sonia. Talented pa. Walang matinong lalaki ang hindi magkakagusto sa iyo. Heck, kahit si Cio nagkagusto sa iyo noon.” “Si Cio? Talaga?” nagulat siya sa nalaman. Hindi halata ah, aniya sa sarili matapos maalala ang huling pagkikita nila ng nasabing lalaki. “Hindi lang si Cio. Marami pa sila.” “Ows? Kilala ko?” “Sasabihin ko sa iyo kung sino-sino next time.” Naramdaman niyang bumuntong hininga ito. “I was on my wits end dealing with all of my emotions that night and I’m trying to calm myself up when you found me. And seeing you there makes everything worst. The next thing I know, I’ve already confessed to you. Wala akong balak na bawiin pa iyon pero kailangang may gawin ako para kumalma ka. I wanted you to be aware of my feelings but I don’t want you to feel awkward and nervous. Bago ako sumama kay Saga pabalik sa loob ng bahay, alam kong hindi pa rin sapat ang mga sinabi ko para kumalma ka. Plinano kong makipagkita sa iyo matapos ng gabing iyon, pero hindi ko na nagawa dahil sunod-sunod na ang naging schedule ng banda. Hindi na rin kita maabala dahil naging busy ka na rin.” Humigpit ang pagyakap niya kay Tora. Hearing his version of their story was giving answers to some of her questions. “Kaya nung nagkita tayo ulit, ginawa ko lahat para maayos ang lahat. I did everything to have our old friendship back and at the same time make you realized that I’m still in love with you. Seriously, I thought I’m doing it right. Pero nitong huli nararamdaman ko na parang may mali. Lalo na noong nasa studio tayo.” Muli itong bumuntong hininga. “All my hopes were crushed when you told that reporter that I’m not your boyfriend. Well, hindi mo naman talaga ako boyfriend. But it still hurts, you know.” Mabilis na tiningala niya ito. “I said those because I was trying to protect you. Ikaw rin naman ah. Sinabi mo rin na hindi mo ako girlfriend.” “Protect me?” kunot-noong tanong ni Tora sa kanya. Tumango siya. “May nakakita sa atin na nag-uusap sa lobby ng studio noong araw na nagkaroon ng away sa pagitan ng mga fans natin. Dahil doon, nagsimulang kumalat ang tsismis tungkol sa ating dalawa. That you and I are a couple.” “Well… That’s a pleasant-sounding rumor for me.” Bahagya siyang natawa. “Mukha nga. Pero hindi para sa akin. Lalo na nung araw na nakita tayo nung reporter. Finding out my true feelings is the last thing I wanted to happen. At lalong ayaw kong malaman mo iyon mula sa kung sinong reporter. Takot na takot ako na malaman mo iyong nararamdaman ko. Kahit na kinausap na ako ni Camilla, natatakot pa rin ako. Bukod kasi sa natatakot akong maulit yung nangyari dati, hindi ko na alam kung ganoon pa rin ang nararamdaman mo para sa akin.” “Hmm…” Nang kumilos si Tora at bahagyang lumayo sa kanya ay awtomatiko siyang napatingin sa mukha nito. As he held both of her hand to his, Sonia once again feel her heart beat so hard. “I confessed to you in this same spot two years ago,” he said, his beautiful black eyes looking straight at her. “At ngayon, dito rin sa lugar na ito, uulitin ko ang lahat ng sinabi ko sa iyo noon. Mahal kita, Sonia. Walang nagbago sa nararamdam ko sa iyo. Well…Kung may nabago man, siguro ay mas lumalim pa ang pagmamahal kong iyon.” Sa kabila ng sobra-sobrang saya na lumukob sa buo niyang pagkatao matapos marinig ang mga sinabi nito ay hindi napigilan ni Sonia na mapaiyak. Mabilis niyang binawi ang mga kamay kay Tora upang itakip sa mukha nang sunod-sunod na bumagsak ang luha mula sa kanyang mga mata. But when Tora wrapped both of his arms once again around her, she immediately did the same. “I love you too, Tora,” she said, her voice muffled against Tora’s chest as her arms tightened around his body. Ngunit batid niyang naintindihan ni Tora ang sinabi dahil naramdaman niyang humigpit din ang pagyakap nito sa kanya. Huminga siya nang malalim. A smile appear on her lips as Tora holds her and continues to stroke her hair. She sighed once more. Kahit pa abutin sila ng pagsikat ng araw doon ni Tora, kuntento siya. Everything is perfect… until she remembered something very important. “Ah!” Bahagya niyang inilayo ang sarili sa lalaki at saka mabilis na tinignan ang suot na wristwatch.  “What?” nagtatakang tanong ni Tora sa kanya. “Birthday mo na in ten minutes!” “Oo nga. Anong regalo mo sa akin?” Nakangiting tanong nito. She pouted. “Wala akong dala ngayon. Promise, bibilhan kita bukas. Or mamaya? Basta. Bibigyan kita ng regalo pagbalik natin sa Manila.” “Okay.” Muli siyang niyakap ni Tora. “But you know what? You can give me something right now.”  Lihim siyang napangiti. May ideya kasi siya kung ano ang gustong ipahiwatig sa kanya ng lalaki. “Can we repeat it, Tora?” maya-maya’y tanong niya sa lalaki matapos muling ilayo ang sarili mula sa pagkakayakap nito. “Ulitin ang alin?” “That moment when you told me your wish two years ago. Can you ask me that again?” Kumunot ang noo nito. “Bakit pa? Alam mo naman na iyon.” Hinawakan niya ang mga kamay nito. She looked at him straight in the eye. “Kahit pa nga batid na natin ang nararamdaman ng isa’t-isa, gusto ko pa ring sagutin iyong naging confession mo noon. Hayaan mo akong itama ang naging pagkakamali ko noon, Tora.” “Pero hindi mo na nga— “ “Please?” Tora looked at her for a moment, heaved a sigh and did what she asked him to do. “I wished for you to fall in love with me. Because I’m in love with you, Sonia.” Tora’s eyes were locked with hers as he repeated his exact same words to her from two years ago. Muling nanubig ang kanyang mga mata. She couldn’t help noticing how different those words sounded now. Her heart swelled with happiness. “I’m granting you your wish, Tora,” she answered. “I love you. Sa kabila ng mga nangyari, sa kabila ng matagal na panahon, salamat sa pagmamahal mo, Tora.” Tora smiled at her before leaning down. She closed her eyes instinctively. “Happy Birthday, Tora,” she whispers as she feels his lips inches from hers. “I love you, Sonia.  Thank you sa birthday gift.” Ngumiti siya. When she finally felt his lips on hers, she just sighed contentedly.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD