“And we are down to our final minutes of the show. As always, thank you for sticking around with me today. Please stand by for our next show, Light Night Music with DJ Mae. This is your DJ Vanessa, leaving you with one of my favorite band’s top songs. Who's excited for their upcoming single? From their previous single Vandalized, here’s Waterfall by Wonderland. Good night, everyone!”
Mula sa tanawin sa labas ng bintana ay napatingin si Sonia sa radyo sa dashboard nang sinasakyang taxi. Kasalukuyang binabaybay ng sasakyan ang daan patungo sa kanilang bayan sa Laguna. Ang lugar kung saan sila lumaki ni Tora.
Ang lugar kung saan kasalukuyang naroon ang lalaki.
Maya-maya pa at pumailanlang ang magkakasabay na tunog ng gitara at drum. Sonia was amazed at how the band created such a beautiful and dramatic sound with their drums and electric guitars. And then, Cio started to sing.
“My memories soon become a river, flowing down towards the sea. An element emerges from many words of love, from many sacrifices and wounds.”
Sobrang lalim naman! Lahat kaya nang kanta ng Wonderland ganito katindi ang lyrics? Naiintindihan pa kaya ng mga fans nina Tora kung tungkol saan ang mga kanta nila? Nailing si Sonia sa sarili dahil sa mga naisip.
“I’m falling down into the dark, but I can’t say goodbye to you. I’m searching for my own pieces.”
Sonia once again stared back at the radio when she suddenly sensed an odd twinge centered in her chest. Cio’s voice continues to resonate inside the taxi, and the heaviness she’s feeling slowly but relentlessly occupying her heart.
“At the corner of the revolving blue stars, shards fall without being known by anyone. Because of that, I will live with you the way that I am now. I’ll live until the tears that burned beautifully in my eyes dry up. Alone, the music box called the universe is crying. That’s why, I’ll live with you the way that I am.”
Tora… Pain squeezed her heart as thoughts of him started to flood her head. Napaisip si Sonia kung si Tora rin kaya ang sumulat ng lyrics ng kantang inaawit ni Cio lalo pa at pakiramdam niya ay kinakausap siya ng bokalista tungkol sa kasalukuyang nararamdaman. No, it sounded more like Tora’s own feelings this time.
“Be with you, I’ll be with you. Until beyond the eternity that you wish for, I’ll be with you.”
A lone, hot tear rolled down her cheek as soon as she heard that line.
“M-Ma’am?”
Mabilis na nag-angat nang tingin si Sonia. Mula sa rear mirror ay nakita niya ang nag-aalalang tingin na ibinibigay sa kanya ng driver. Bago pa ito makapagtanong ay tumunog ang kanyang cellphone.
“Hello? Sonia?” Agad na nakilala ni Sonia ang boses ni Sofia mula sa kabilang linya. “Nasaan ka na? I just learned everything now from Camilla,” wika pa nito.
Hearing her friend’s concerned voice was all it takes for Sonia. She yielded to the compulsive sobs that shook her.
“N-Nasa taxi pa rin. Medyo malapit na ako sa amin,” sagot niya sa pagitan ng panaka-nnakang paghikbi.
“Nasaan— Wait, are you crying?”
Umiling siya kahit alam niya sa sariling hindi naman siya nakikita nang kausap. “Si Cio kasi.”
“Si Cio?! Teka, akin na muna 'yang cellphone. Pakausap nga sa kanya.” Isang boses pa ang naulinigan niya mula sa kabilang linya. May kung anong kumosyon siyang narinig mula sa kabilang linya dahil sa ginawang pagpasa ni Sofia ng telepono.
“Hello, Sonia?” ang malinaw na tinig na iyon ni Keene ang sunod niyang narinig mula sa telepono. “Magkasama ba kayo nung kurimaw na iyon ha? Pinaiyak ka ba niya? Inaway ka ba niya? Sabihin mo lang sa akin kung may ginawa siya sa iyo. Malilintikan siya talaga oras na magkita kami.”
She once again shook her head, hot tears slipping down her cheeks. “Hindi ko siya kasama. Kaso kasi, a-ang lakas makasakit nung kinakanta niya sa radyo eh.” She swallowed hard and glanced at the driver through the rear mirror, conscious of her pained sobbings.
Nakarinig siya nang isang buntong hininga mula sa kabilang linya. “Sonia,” she heard Sofia called her name fondly. Mukhang naka-on na ang loud speaker setting ng cellphone na gamit nang mga ito dahil naririnig niya rin ang pagpalatak ni Keene.
“I’m scared, Sofia,” she admitted honestly. “Paano kung huli na ako? Paano kung hindi na ako tanggapin ni Tora?”
A few moments of silence passed until she heard her reply. “Kung sakaling nahuli ka na nga sa kanya, then so be it. But remember, Sonia. Pagbalik mo dito, nandito lang kami nina Camilla at Keene. Maghihintay kaming lahat sa iyo dito. Sasamahan ka naming umiyak at mang-bash kay Tora hanggang sa makuntento ka. You have us, Sonia. So don’t worry, okay?”
She gulped hard and tried to hold herself back from crying. Pero napakahirap niyon para sa kanya lalo pa’t tila sasabog ang dibdib niya sa pinaghalo-halong emosyong nararamdaman.
“But seriously, Sonia? I doubt that it's over between you and Tora,” maya-maya ay wika ni Keene. “I mean, ilang taon ka nang mahal nung tao, di ba? Ngayon ka pa ba niya susukuan? Well, if ever that’s the case, sabihan mo lang ako at ipapabugbog ko talaga si Tora sa mga bouncer natin.”
“You and your warfreak ways,” Sofia scolded Keene. Nakikini-kinita na niya kung paanong umiiling ngayon si Sofia habang matamang nakatingin kay Keene.
“Hey! Blame Camilla. Sa kanya ko kaya narinig iyon.”
Hindi napigilan ni Sonia na matawa sa kabila nang patuloy na pagluha. Hindi pa rin nawawala ang takot na nararamdaman niya dahil sa sitwasyon nila ni Tora, pero kahit paano ay kumalma siya dahil sa dalawang kaibigan.
“Thank you," she said to them sincerly, smiling despite the tears still flowing down her eyes.
"You’ll be fine, Sonia. Kung kinakabahan ka pa rin, mag-pray ka. Natitiyak kong diringin ka ni Lord dahil napakabait mong tao. Same tayo.”
“Siraulo ka kamo, Keene.”
“Bakit? Totoo naman ang sinabi ko ah!”
Sonia’s smile widened when her friends started their usual banter. Silently, she utters a prayer; asking God that she’ll be okay no matter what will happen later with Tora.
***
Before the driver can had a chance to thanked her for the tip, Sonia dashed out and run towards the big iron gate in front of them. Nang pagbuksan siya ng pinto ng isa sa mga katiwala ng bahay ay kaagad siya nitong nakilala.
Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at agad na tinanong kung naroon si Tora at kung maaari niya itong makausap. Sa una ay ayaw nitong pumayag dahil bukod sa gabi na ay may palagay itong ayaw tumanggap ng bisita ng lalaki base sa mood nito. Ngunit sa huli ay nagawa niyang makumbinsi ang katiwala matapos sabihin dito na importante ang sadya niya.
Habang binabaybay niya ang hagdan paakyat sa lugar kung saan naroon si Tora ay ramdam na ramdam ni Sonia ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib. Nanginginig ang katawan niya sa pinaghalo-halong emosyong nararamdaman habang papalapit sa kinaroroonan ng lalaki. At nang sa wakas ay nakita na niya ang pakay, lahat ng bagay na plinano niya sa utak ay tila nilipad na ng hangin.
The scene in front of her brings back memories from that day two years ago. Tora standing on the balcony with a lighted cigarette on his hand, the same cold night air, the same light coming from the nearest light post. Everything is the same except for the big red moon. Sa pagkakataong iyon, wala ang magandang imahen na iyon na naging saksi ng mga nangyari sa pagitan nila noon.
And then, as if sensing her presence, Tora slowly turned to face her. Kitang-kita ni Sonia ang pagrehistro ng gulat sa mukha ng lalaki.
“Sonia? What are you doing here?” he asked.
She couldn’t move. Her heart races so fast she can feel the pounding of her chest as Tora starts to walk towards her.
Be brave, Sonia.
Naikuyom ni Sonia ang mga kamay nang maalala ang sinabing iyon ni Camilla. You need to do this, Sonia, she said to herself. Huminga siya nang malalim at saka nagsalita.
“Huwag ka munang lumapit sa akin, Tora,” sabi niya. Nakagat niya ang labi dahil halos pasigaw niya iyong nasabi sa lalaki.
Tumigil sa paghakbang si Tora. “Huwag lumapit?” halata ang pagtataka sa boses na tanong nito sa kanya. “Sonia, what’s going on? At bakit andito ka?”
“J-Just stay where you are. Please.” Nang manatili ang lalaki sa kinatatayuan nito ay huminga siya nang malalim bago muling nagpatuloy. “May dalawang bagay akong sasabihin sa iyo kaya ako nandito ngayon. I ask you to hear me out first. Please, Tora.”
Ilang sandaling nanatiling nakatayo at nakatingin lang sa kanya ang lalaki. “Okay,” halatang naguguluhan pa ring tugon nito.
“Nandito ako una para humingi ng tawad sa iyo.” One down. Muli siyang huminga nang malalim. Ready, Sonia? Here goes. “At para sabihin sa iyo na mahal kita, Tora.”