“The number you dialed is either unattended or out of coverage area. Please try again later.”
Bakas sa mukha ang frustration na ini-off ni Sonia ang cellphone at saka tumingala sa floor indicator ng elevator. “Naman, Tora. Nasaan ka na ba? Bakit ang hirap ma-contact ng cellphone mo?” reklamo niya.
Mula nang tumakbo siya palabas ng kwarto at iwan si Camilla ay makailang ulit na niyang sinubukang tawagan si Tora. Ngunit sa bawat tawag niya ay ang recorded na boses na iyon ng operator ang tanging sagot na nakukuha niya.
“Bakit ba hindi ko naisipang kunin ang cellphone number ni Saga noon? To think na dalawang beses ko siyang na-meet? Hay naku, minsan talaga ang shunga mo, Sonia.” Nagkamot siya nang noo at saka bumuntong hininga.
“Okay. Kalma lang, Sonia. Just calm down and re-check all your plan of actions,” Sonia mutter to herself as she watch how the number in the indicator changes. “Plan number one, pupunta ako ng office ng Genesis at magtatanong kung naroon si Tora. Plan number two. Hahanapin ko si Saga doon at sa kanya ako magtatanong at magpapatulong sa paghahanap. I guess he considers me a friend now that’s why he will help me. Plan number three… Uhm… Mamaya na ako ulit mag-iisip ng plan number three kapag hindi gumana iyong naunang dalawa.”
Nang bumukas ang pinto ay mabilis siyang lumabas ng elevator. Dire-diretso na sana siyang lalabas ng building nang mahagip ng paningin niya ang isang lalaking nakatayo sa harap ng reception area. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala kung sino iyon.
“Cio!” pasigaw na tawag niya sa pangalan ng lalaki, dahilan para mapatingin sa kanya ang ilang taong naroon sa lobby area. Nang humarap ito ay di niya napigil ang sarili na tumakbo palapit dito. Seing Cio at that moment was like seeing him the way Keene describes the guy. He sparkles!
Kunot ang noong nakatingin sa kanya si Cio nang makalapit siya sa lalaki. “Excuse me but— “
“Nasaan si Tora?” tanong niya bago pa man matapos ng lalaki ang sasabihin nito. Hinawakan niya ito sa magkabilang braso at tinitigan sa mata. “Please tell me where he is. Or kahit cellphone number niya. Kailangan ko siyang makausap.”
Saglit siyang tinitigan nito. “Ah! Sonia, right? One of the members of Serenade?” he asked after he seemed to recognize her. “Sorry. Nalilito kasi ako sa pangalan ninyo nung isa mo pang kasama. Pareho kasing nagsisimula sa letter ‘S’ eh. Wait, si Tora ba? Hindi ba’t magkaibigan kayong dalawa? Bakit hindi mo alam na…”
Nagtaka si Sonia nang biglang tumigil sa pagsasalita si Cio, ngunit ang pagtatakang iyon ay mabilis na napalitan ng pagkailang matapos makita ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ng lalaki.
“Heh…” Sonia swallowed a lump on her throat when Cio’s lips curled up into a smiked. “Let me guess. Nag-away kayong dalawa, ano? Hmm… Ikaw siguro ang dahilan kung bakit biglang nagpaalam si Tora sa amin at nag-out of town.”
Nagulat siya sa narinig. “Nag-out of town siya? Since when?”
Tumango si Cio. “Umalis siya one week ago. Alam mo bang ang tamlay niyang tignan noong nagpaalam siya sa amin na aalis? I thought he’s sick and that he needed some rest so I gave him my permission. Iyon pala…”
Yumuko siya. Guilt immediately filled her. No! Get a grip, Sonia! Mas kailangan mo siyang makausap ngayon! Mariin siyang umiling at muling tumingin kay Cio. “Tell me where he is.”
“Hindi ko alam kung saan siya nagpunta.”
Pinakatitigan niya ang lalaki. “I don’t believe you. Alam kong alam mo kung nasaan siya.”
Ilang sandaling nakatingin lang si Cio sa kanya hanggang sa muli itong nagsalita. “And what makes you think that I will tell you that kind of information?” hamon sa kanya ng lalaki.
I’m beginning to hate this guy, aniya sa sarili. Huminga siya nang malalim. Abala siya sa pag-iisip nang isasagot sa tanong nito nang muli itong magsalita.
“Fine, I’ll give you a chance. I’ll tell you where he is but what’s in for me?” Cio’s smirk grew into a wide grin. “Wala nang libre sa mundo, Sonia. What’s in for me?”
“Ililibre kita ng kahit na anong gusto mo,” mabilis niyang sagot.
Cio snorted at her offer. “Excuse me but I earn enough to buy whatever I want. At hindi ko ugaling magpalibre sa babae. Nakakasama ng image.”
Muli siyang nag-isip ng isasagot. “Bibili ako ng upcoming single ng banda ninyo. Dalawang kopya!” Ngumiti pa siya at proud na itinaas ang kanang kamay upang imuwestra ang bilang na sinabi gamit ang mga daliri.
Cio snickered this time. “Sonia, our band always releases six versions of our singles. One for each member and a group version. A lot of our fans buy all of those versions just for themselves. Don’t under-estimate the power of our fans.”
Six copies?! Aanhin nila ang anim kopya nang CD na may pare-parehong laman na kanta?!
“Well?” nakangisi pa ring untag sa kanya ni Cio. “Anything else you got for me?”
Naikuyom ni Sonia ang mga kamay. Ibig na niyang magwala sa inis na nararamdaman sa kausap ngunit pinilit niyang pakalmahin ang sarili. She couldn’t lose her cool now. She needs to find Tora fast. At sa mga oras na iyon, tanging si Cio lamang ang pag-asa niya.
But darn it! the guy is insufferable!
Tama nga si Keene. This guy is really— Sonia’s internal ranting inside her head abruptly stops. Nanlaki ang mga mata niya nang may maalala.
“Meron pa akong io-offer sa iyo. And I think that you’ll be very interested in this one.” Ngumiti siya nang ubod-tamis kay Cio. “Kapag sinabi mo sa akin kung nasaan si Tora, sasabihin ko sa iyo ang nag-iisang bagay na hinding-hindi matatanggihan ni Keene.”
Lumapad ang pagkakangiti niya nang unti-unting mawala ang ngisi sa labi ni Cio. Sa utak ay nagsimulang mag-victory dance si Sonia. Ha! I got you, Cio!
“And what makes you think na sasabihin ko sa iyo ang kinaroroonan ni Tora kapalit ng kahit na anong may kinalaman sa kasama mong iyon?” kunot ang noong tanong ni Cio.
Taas-noong sinalubong niya ang mga mata nito. “Alam kong nagkikita kayong dalawa ni Keene. Minsan ko na kayong nakita sa harap ng building namin, Athough wala akong ideya kung bakit kayo nagkikita. Iilan lang ang may alam ng tungkol sa bagay na ito at willing akong sabihin iyon sa iyo kung sasabihin mo sa akin kung nasaan si Tora.”
Tumaas ang isang kilay ni Cio ngunit batid ni Sonia na pinag-iisipan nang mabuti ni Cio ang mga sinabi niya. She crossed her fingers at her back. I’m sorry, Keene. Desperate times call for desperate measures. I promise, I’ll treat you with everything that you’ll like at Emerald’s. Kahit iyong pinakapaborito mo doon na hindi ko maintindihan kung bakit super sa pagkamahal ng presyo.
“Fine. Sasabihin ko na sa iyo kung nasaan si Tora,” maya-maya ay wika ni Cio. “He went back to Laguna. Umuwi siya sa bahay nila roon. His original plan was to go somewhere else. I’m guessing somewhere in Visayas or Davao. Pero hindi siya pinayagan ng manager namin dahil sa schedule namin.”
Nakahinga siya nang maluwag matapos marinig iyon. He's just in Laguna! Thank God for their manager! “Thank you, Cio!”
“Huwag kang mag-thank you. Now spill. What’s that thing about Keene you’re saying?”
Ngumiti siya. “Keene will do anything in exchange for a box of the most expensive macarons at Emerald’s Bakery. So far, wala pang tinatanggihang request si Keene basta iyon ang kapalit. Kahit si Camilla ay iyon ang ginagamit kung gusto niyang mapapayag si Keene sa gusto niyang gawin nito.”
Cio seemed to think about what she had said for a minute. And then he graced her with his famous megawatt smile. “Interesting,” he said.
“Uhm… I really need to go now,” paalam niya sa lalaki. “Salamat sa tulong, Cio. Kahit pa nga may kapalit.” Hindi na niya hinintay na sumagot ito at mabilis nang tumalikod. Nakakailang hakbang pa lamang siya ay muli niyang narinig ang pagtawag nito sa pangalan niya.
“Don’t forget to bring your gift,” he said the minute she faced him.
“Gift?”
“Anong petsa ngayon, Sonia?” Pumalatak ito. “Seriously, magkaibigan ba talaga kayo ni Tora?”
Petsa? Sinulyapan niya ang suot na wristwatch upang tignan ang naka-display na date doon. And she couldn’t believe it when she’d realized what’s with the date. Sonia, you idiot! How did you manage to forget a very special occasion?!
“Oh my God! Salamat sa paalala, Cio! Goodluck sa inyo ni Keene!” sigaw niya at saka mabilis na tumakbo palabas ng building.