CHAPTER 14 - SONIA

1625 Words
Muling kumuha si Sonia ng tissue mula sa box na iniabot sa kanya ni Camilla. “I’m sorry,” hinging paumanhin niya sa katabi sa pagitan ng panaka-nakang paghikbi. “Naabala ko na nang husto ang schedule natin ngayon.” “Huwag mo na munang isipin ang schedule natin. At hindi ikaw ang dapat na humihingi ng sorry dito. This happened because of me, because of what I did,” sagot sa kanya ni Camilla. Ginagap nito ang mga kamay niya. “I’m so sorry, Sonia. Kung hindi ko sana tinanggap ang request na iyon ni Tora, hindi ka sana umiiyak ngayon.” Naging mabilis at malabo ang lahat nang nangyari sa recording booth para kay Sonia. Sa sobrang bilis ay hindi  niya alam kung paano siyang nakalabas ng recording booth at napunta sa kwartong iyon kasama ni Camilla. Hindi rin niya alam kung nasaan sina Keene at Sofia o kung ano ang nasa isip nang mga kasama dahil sa nangyari. Ang tanging malinaw lang sa kanya ay ang sakit at bigat ng dibdib dulot ng matinding lungkot. Lungkot na ilang linggo na niyang pilit na nilalabanan. Lungkot na ang dahilan ay walang iba kundi si Tora. Pinabayaan siya ni Camilla na umiyak, bagay na ipinagpapasalamat niya ng lubos dahil matapos gawin iyon ay bahagyang humupa ang bigat na nararamdaman. Nang bahagyang humupa ang pag-iyak ay saka siya sinubukang kausapin ni Camilla. Paunti-unti ay ikinuwento niya rito ang tungkol sa kanila ni Tora; mula sa pagkakaibigan nila, ang ginawa nitong pagtatapat, ang mga nangyari sa kanila matapos nilang magkita ulit hanggang sa huli nilang pagkikita noon sa studio. Camilla held her hands as she told her everything, squeezing her hand whenever she started to tear up. “And here I thought that that song will make you happy,” Camilla said, there was a hint of regret in her voice. “I’m really sorry.” Umiling siya. “Wala kang alam kaya wala kang kasalanan. You’re just doing your work, Camilla,” sagot niya dito. “Iyon pa nga ang mas masaklap. I’m your manager. I supposed to know! Naku! Humanda talaga iyang si Tora sa akin. I swear. Kapag nakita ko siya, ipapabugbog ko siya sa mga bouncers natin.” Pinilit niyang ngumiti dahil sa naging biro nito. Ngunit mabilis din siyang yumuko nang maramdaman niyang muling nagbabadyang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Agad na naalarma si Camilla. “Tahan na, Sonia,” anito. Sa pagkakataong iyon ay ito na mismo ang kumuha ng tissue at nagpunas ng mukha niya. “Ang pula-pula na ng mga mata mo. Hindi mo na iyan maididilat nang maayos mamaya sige ka.” “I know. Ang hapdi na nga eh. Kaya lang hindi ko talaga mapigilan. Naiiyak talaga ako.” Camilla sighed. “Sa tingin ko mas makabubuting alisin sa tracklist ng single ninyo ang Red Moon.” Mabilis siyang nag-angat ng mukha si Sonia nang marinig iyon. “Huwag,” tutol niya kasabay ng pag-iling. “Hindi mo kailangang gawin iyon.” “But I can’t let you sing that song. I can’t, lalo na at alam kong masasaktan ka sa tuwing kakantahin mo iyon. I’m proud of our songs and I want your fans to listen to them, but not on your expense. Not at the expense of your happiness. Hindi ako ganun kasadista, Sonia.” Muling napayuko si Sonia upang iiwas ang tingin sa kausap. Nang mahagip ng mata ang mga music sheets sa center table ay dinampot niya iyon. “Alam kong masasaktan ako. But still, I want to sing this song,” she said in a low voice as she continues to stare at the music sheets in her hand. “This song has Tora’s poem for me as its lyrics. And that poem contains all of his feelings for me. It’s enough reason for me to receive this and sing it.” Para sa kanya, espesyal ang kantang iyon. It has both Tora’s pride as a composer and as a man. It was Tora’s gift to her and she’ll gladly accept it. She’s determined to sing it with pride as well, both as an artist and as a woman. No matter how painful it is. Ilang sandali ang lumipas bago niya narinig ang pagbuntong-hininga ni Camilla. “Hindi ko akalain na sa ating dalawa ikaw ang s*****a,” naiiling na wika nito. “But you know what? I don’t get it.” “Don’t get what?” she asked “Ikaw. At saka si Tora. I now know that you’re in love with him after all that I’ve heard from you. Don’t you dare try to deny it, Sonia.” “Yes, I am,” she admitted. And she feels elated by doing so. “Yan ang part na hindi ko maintindihan. Kung mahal mo siya, then what’s stopping you from being together?” A small, sad smile appeared on Sonia’s lips. “I don’t think he still feels the same for me.” Nagdulot ng munting kirot sa kanyang puso ang sagot niyang iyon. “Ha? What the hell are you talking about, Sonia?” Camilla exclaimed. “Obvious na obvious kayang mahal ka ni Tora. Mind you, he’s too obvious that’s why everybody believes that rumor about the two of you dating.” For some weird reasons, Sonia feels a tiny spark of hope in her heart after hearing what Camilla had said. “P-Paano mo nasabing mahal nga ako ni Tora, Camilla?” curious na tanong niya. Nanlaki ang mga mata ni Camilla. “Ibig mong sabihin, hindi ka aware sa pinaggagagawa ni Tora sa tuwing magkasama kayo?” Umiling siya bilang sagot sa tanong nito. “Hindi mo napapansin yung mga gestures niya tulad nang pagiging attentive niya sa iyo? O kaya yung halos hindi na siya humilay sa iyo kapag nasa iisang lugar kayo?” Muli siyang umiling. “Ganoon naman na ang turing niya sa akin simula pa noon,” aniya. “He’s always  been like that because we’re friends.” Sa pagkakataong iyon ay si Camilla naman ang umiling sa kanya. “I don’t think so. Remember our last concert? Sinabi ba niya sa iyo kung bakit hindi siya bumaba ng stage kahit dumating na si Sonny noon?” Tumango siya. “He said he wanted to see my performance up-close. At opportunity na rin daw niya iyon para makatugtog kasama ka.” “What the— No! That’s not what he said!” bulalas ni Camilla. “Sonia, ang tanging rason na ibinigay niya sa akin nang gabing iyon ay gusto ka niyang makitang mag-perform nang malapitan. He wanted to make sure that everything is perfect during your part. And the way he watches you? He looks at you the way every man looks at the only woman he’s in love with. Heck! Tanungin mo lahat ng nakatabi ni Tora sa banda natin. Sila ang magpapatunay kung paano ka titigan ni Tora.”  “The day Tora came into our office was the same day he offered his poem to me. Did you know that he specifically requested that his poem will be the lyrics of your next solo song? Unfortunately for him, tapos ko nang gawin ang solo song mo that time.” Pumalatak si Camilla. “Buwiset na lalaking iyon. Ako pa talaga ang gagamitin niyang dahilan para pagtakpan ang pagiging torpe niya?” Pakiramdam ni Sonia ay sasakit ang ulo niya dahil sa mga bagay na nalaman mula kay Camilla. All those things not just runs around her head but also causing his heart to beat too fast.  “Anong balak mong gawin ngayon, Sonia?” maya-maya’y tanong ni Camilla sa kanya. Huminga ng malalim si Sonia bago sumagot. “Ang totoo hindi ko alam. Isang linggo ko na siyang sinusubukang ma-contact pero sana makausap pero laging out of coverage area ang nakukuha kong sagot.” Marahas na bumuntong-hinga si Camilla. “Isa pa ‘yang hindi ko maintindihan kay Tora,” anitong eksaheradong nakasimangot. “Bakit ang hilig ka niyang pangunahan?” Kumunot ang noo niya. “Pangunahan? Saan?” “Sa nararamdaman mo. Think about it. Kung hindi in-assume ni Tora na nasira niya ang pagkakaibigan ninyo matapos niyang magtapat sa iyo base sa naging reaksiyon mo, wala sanang naaksayang dalawang taon sa friendship niyo. Naiintindihan ko naman siya na ayaw ka niyang masaktan at mabigyan ng stress. Kaso hindi ko pa rin maiwasang mainis. Hindi ka kasi niya binigyan ng chance na sumagot eh.” Inalala niya ang mga nangyari noong nagtapat si Tora sa kanya. Slowly, Tora’s smiling face clearly registers in her head. That painful smile… Her eyes widened when she finally realized what Camilla meant. “And after two years, muli na naman kayong nalagay sa parehong sitwasyon. Only this time, ikaw ang gumawa ng paraan para makaiwas. Unfortunately, iba ang basa ni Tora sa mga ginawa mo. In short, pinangunahan ka na naman niya,” patuloy pa ni Camilla. “Pareho kayo ng ginagawa ni Tora. Mahal ninyo ang isa’t-isa pero hindi ninyo magawang ipagtapat dahil pareho rin kayong natatakot sa magiging reaksiyon ng isa’t-isa. Pareho ninyong iniisip na masisira niyo ang friendship niyo.” “Tora you idiot,” mahinang usal niya kasabay ng pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.  Napatingin si Sonia kay Camilla nang hawakan nito ang kanyang mga kamay. “Tora had done his part when he confessed two years ago. Now it’s your turn.” Nang hindi siya sumagot ay humigpit ang paghawak nito sa mga kamay niya. “Listen to me. Kapag hindi ka kumilos ngayon, mauulit na naman iyong dalawang taon na di ninyo pagkikibuan. Or worst, baka tuluyan na talaga kayong magkasira. Mas gusto mo ba iyon?” Mariin siyang umiling. “Ayoko.” “Then do it. Sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mo. Huwag mong isipin kung tatanggapin niya o hindi basta sabihin mo sa kanya. Be brave, Sonia. Kung anuman ang mangyari matapos mong sabihin kay Tora ang lahat, nandito lang ako, okay? And I’m sure ganun din sina Sofia at Keene.” Sonia stares at Camilla’s face. Her determined expression sends her one clear message. Be brave. “Can I be excused for today, Camilla?” she asked, her voice matching her manager’s expression. “May kailangan lang akong tapusin ngayong araw na ito.” Ngumiti si Camilla sa kanya at saka tumango. “Go, Sonia. Ako nang bahalang magsabi kina Keene at Sofia. I’ll message you once na may mabalitaan ako sa kinaroroonan ni Tora.” Tumango siya. “Thank you,” she said before standing up and dashed out of the room.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD