Ayeza Blythe's POV Mahirap pero palaging kinakaya. Mapapagod paminsan-minsan pero hindi susuko at magpapahinga lang. Kapag may mga bagay kang nasa isip na gusto mong matupad, palagi ka talagang magkakaroon ng lakas ng loob para bumangon kinabukasan. Mahirap mabuhay sa lungkot at sakit pero may isang tao pang umaasa sa akin. Hanggat may isang tao na umaasa sa akin, hinding-hindi ako susuko at palaging magpapatuloy sa hirap ng buhay. "Ayeza!" Napalingon ako sa aming boss na nakataas ang kamay sa akin. mabilis akong naglakad papunta sa kanya habang yakap-yakap ko ang tray walang laman. "Bakit po boss?!" Pasigaw na tanong ko sa aking boss upang marinig niya ako. Inabot ko ang tray sa isa sa mga waiter na dumaan at inayos ko ang maskara na para sa aming mga VIP waitress. Sobrang lakas ng

