Ayeza Blythe's POV Kanina ko pa tinititigan ang pulang ilaw sa taas ng pintuan ng operating room nitong pampublikong ospital. Kanina pa rin ako pasilip silip sa loob ng operating room at nagbabakasali na masilayan si Ryle pero natatakpan ng isang nurse ang gawi ko. Limang oras na ang nakakalipas simula ng pumasok sa loob ng operating room si Ryle. Mag-isa lang ako sa labas ng operating room habang hawak-hawak ang regalong ibinigay niya sa akin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin ito mabuksan dahil pinangungunahan ako ng kaba. Hindi ko kayang buksan ng masaya ako ang regalo na ibinigay niya sa akin habang nasa loob pa siya. Hihintayin ko na lamang siya na makalabas ng operating room. Napaigtad ako sa gulat mula sa pagkakatayo nang mag ring ang cellphone na nasa bulsa ko. Inilabas ko ito a

