Ayeza Blythe's POV Maayos at komportable ang pagkakaupo ko sa maliit na sofa dito sa veranda. Kitang kita mula dito ang halaman ng bahay ni Ryle at ang pool. Tumayo ako sa sofa at kinuha ang isang baso ng kape sa lamesa. Lumakad ako papalapit sa railings ng veranda para mas madungaw ang ibaba. Ang simoy ng hangin ay tumatama sa buhok ko. Hindi naman ako nilalamig dahil suot ko ang makabal na bath robe. Katatapos ko lamang maligo at hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang ikinasal na ako kahapon. Ginawa talaga ni Ryle ang sinabi niya. Nagpatawag siya ng isang judge para pumunta sa bahay niya at ikinasal kami ng walang kahit na sinong may alam. Walang bisita at kami lang talaga. Kung wala pa kong pinirmahan na papel baka hindi ako naniwalang ikinasal na ko. Humigop ako sa kap

