Ayeza Blythe's POV "A-Aray..." Napaigik ako nang maramdaman ko ang sobrang pagkirot ng bataan ko. Pakiramdam ko may nakadagan sa aking isang daang hollow blocks. Dahan-dahan na minulat ko ang mga mata ko. Napalingon ako sa paligid ko at puro kulay berde at puti ang nakikita ko. Bumaba ang tingin ko sa katawan ko na suot ang malaking polo at panty "Ang tanga." Ang sabi ko pa naman hindi ko ibibigay ang sarili ko sa kanya pero ito na naman ako sa ibabaw ng kama at masakit ang p********e. Kahit na masakit ang p********e ko, pinilit ko pa rin na bumangon sa kama niya. Wala na kami sa VIP room ng bar at hindi ko alam kung saan lugar ba ko napadpad. Hinahanap ko ang mga gamit ko sa lapag pero wala akong nakita kahit isa. Wala man lang kahit ang isang pares ng sapatos ko. "Bahala na.

