Ayeza Blythe's POV "Enjoy your drinks, sir." Malawak ang ngiti sa labi ko matapos kong ibigay ang mga inumin nila. Panibagong araw at panibagong pagtitiis na naman sa mga customer. Konting araw na lang din naman at titigil na ako dito. Matatapos na ang kontrata ko at maghahanap na ako ng panibagong trabaho. Hindi nga nila nakikita ang mukha ko dahil sa maskarang nakatakip pero pakiramdam ko nabasag nila ang buong pagkatao ko lalo na ngayong may naramdaman akong kamay sa pwetan ko. "Baka gusto mong matulog sa condo ko," sambit ng lalaking humawak sa pwetan ko. Gusto ko sipain siya ng napakalakas pera siguradong ako lang ang madedemda. Bawal pa naman dito ang tumangi lalo na kung VIP waitress ka. Konting tiis na lang at makakawala rin ako dito. "No, thanks. May nauna na kasi sa'yo," n

