Ayeza Blythe's POV Ito na yata ang pinakamabilis kong pag-aayos sa buong buhay ko. Wala pang sampung minuto pero tapos na agad akong maligo at ayusan ang sarili ko. Masyado akong excited na harapin ang asawa ko. Ngayon hindi na kami mapapahamak dahil may mga magulang na akong nasa likuran ko. Magulang na kayang mag patumba sa kalaban ng asawa ko. Wala na ang takot ko na yakapin ag halikan ang asawa ko sa harap ng maraming tao. Oo, sila nga ang tunay na mga magulang ko. Nag pa-test kami kahapon at lumabas na 99.99 percent na match kami. Sobrang saya ko na may mga magulang pa pala talaga ako na matagal na akong hinahanap. Ang saya lang isipin na hindi pala ako itinakwil ng mga magulang ko. Mas lalong masarap mabuhay ng matagal para makasama ko pa ang mga magulang ko. Sa buhay talaga nat

