Dapat ba akong natuwa sa nangyaring halik sa pagitan naming dalawa? Napailing ako. Hindi dapat. Because that kiss didn't mean anything...... he just pressed his lips on mine, ni hindi nga nagtagal ng isang minuto. It is cold, with no feelings at all. Sabi nga nila, paasa lang. Napangiti ako ng mapait. Kung siguro, si Louise ang hinalikan nya, that will be full of passion and love. Baka nung ginawa niya iyon, iyon lang ang naiisip niyang paraan para manahimik ako. Dahil hanggang ngayon, naiisip ko pa din ang nakita ko nang pumunta ako sa talyer. I saw the two of them talking seriously. I saw how he looks at her lovingly......how he caresses her hands. Umismid ako. Di bale, malapit na rin namang mawala sa paligid namin si Louise. Then I can have Alex fully. Napa-igtad ako nang marinig ko

