'Loving you from afar is breaking me......' "Hey," nagulat ako sa ginawang pagtapik sa akin ni Ross. "Huwag mong pakatitigan at baka malusaw." Bigla akong nagbawi ng tingin mula sa pagkakatingin kay Louise na masayang nakikipagtawanan kina Messie at Anton. Itinuon ko na lang ang mata ko sa papel na kinasusulatan ng Valedictorian speech ko. Yes, I got paid for what I worked out for years. Alam kong nahirapan ang school sa pamimili sa amin ni Louise kung sino ang magiging top, perhaps they decided to give credit on what I did for the school in the past years. "Mahal mo pa rin ba siya?" hindi ako kumibo. "Prox will be coming with her in Princeton. He's really pursuing her," my heart suddenly stopped when I heard that. I shrugged my shoulders to cover the searing pain in my heart. "Kung a

