bc

Hijo de Puta

book_age0+
113
FOLLOW
1K
READ
sex
one-night stand
independent
Writing Challenge
LGBT+ Patimpalak sa Pagsulat
bxg
bxb
bisexual
bold
like
intro-logo
Blurb

May mga bagay na hindi natin pwedeng itago habambuhay. Paano mamumuhay sina Hector at Lianne sa kasinungalingan? Paano sila sasayaw sa agos ng buhay at pag-ibig?

chap-preview
Free preview
1
Uno   Hindi na ako nakapagmeryenda sa bahay kaya habang nasa dyip ako ay nakaramdam ako ng paghilab ng tiyan ko. Kaya, pagbaba ko, tumuloy ako sa 7-Eleven at bumili ng cheese hotdog at Slurpee.  Binilisan ko ang pagkain dahil alas-singko kuwarenta y singko na. Kinse minutos na lang ay time na. Dapat alas-sais ay nasa  Xpose Bar na ako. Biyernes ngayon, maraming parokyano ang dadagsa sa bar. Nasa kalagitnaan ako ng pag-ubos ng hotdog-on-a-bun ko nang may magandang babae ang naki-share sa table ko dahil wala ng maupuan. Kahit nagmamadali akong kumain, nagawa ko pa ring titigan siya. Maganda siya. Kamukha niya si Marian Rivera. Nasa bente ang edad niya, hula ko. Maya-maya, isang malakas na ring ang nakagulat sa akin. May tumatawag sa cellphone ng dalaga. Hindi siya tumayo nang sagutin niya ang tawag. "Hello?.. Ha? Hala! Bakit ngayon pa? O, sige, magpapaalam ako. Sige... Oo! Bye." Malungkot at maluha-luha niyang pinatay ang kanyang mobile phone at dali-daling tumayo at umalis. Sinundan ko siya ng tingin. Noon ko lang napansin ang kanyang uniporme --puting-puting blouse at palda. Nursing student siya. Nang nakalabas na siya, saka ko lang nakita ang itim na planner sa table. Naiwan niya. Inakma kong habulin siya para ibigay iyon ngunit hindi ko na siya nakita. Dinala ko na lang ito sa aking trabaho. Hindi ko ito binuksan dahil sa pagmamadali. Sampung minuto akong late... "Anyare sa'yo, Hector? Ngayon ka lang na-late ng husto.." bungad ng baklang floor manager namin. Hindi naman galit ang boses pero nakapamaywang. "Na-traffic lang po, Mama Sam." Kiniss ko siya sa pisngi gaya ng nakasanayan naming lahat at bilang pagbibigay-pugay sa aming manager. "O siya… kung ‘di ka lang mabango at pogi..." Hinawakan niya pa ang puwet ko at pinisil. "Hala, sige... pasok na doon. Maghanda ka na.' "Thanks, Mama Sam!" Pumasok na ako sa dressing room at tahimik na naghubad. Masama ang tingin sa akin ng iba kong kasamahan. Gaya ng dati, inggit na naman sila dahil di ako senermunan ni Mama Sam. Sila kasi kapag late ay binubungangaan ni Boss, mula sa pinto hanggang sa dressing room. Sila na ang maging paborito.   Dos Iginiling ko ang aking hubad na katawan. Manipis na saplot ang nakatabing sa aking maselang bahagi. Magdadalawang taon ko na itong ginagawa kaya sa bawat indayog ko ay naghahatid ako ng makamundong libog at init sa mga parokyanong bading at matrona.  Bawal akong ilabas. Nakakontrata ako sa Xpose Bar para sumayaw at hindi para ikama. Kumikita ako sa pagti-table at sa mga tip. Sa bawat pagsayaw ko, mahina ang dalawang libong pisong kita ko. Sapat para makakain ako, makabili ng mga pangangailangan at makaupa ng tirahan.  Hindi ko ginusto ang trabahong ito, pero masaya ko itong ginagawa.  Sa ilang buwan kong pagiging star dancer, ngayon lang ako tinamad at nawalan ng ganang gumiling. Napansin iyon ni Mama Sam kaya tinawag niya ako. Pinalabas niya ang mga kasamahan ko sa dressing room. "Ano bang problema mo, Hector? Walang sabor ang giling mo!" Paypay nang paypay ang matandang bakla habang kinakausap ako. "Disappointed ang mga customer." "Mama Sam, pwede ba akong mag-leave? Kahit isang linggo lang?" Naisip ko, hindi na ako masaya. Naalala ko ang mukha ng babae sa convenience store kanina. Siya ang babaeng matagal ko ng hinahanap.  "What? Are you crazy? No! Hindi pwede." Napalakas ang pagpaypay ni Mama Sam. Nilapitan ko siya at nilambing. Alam ko ang kiliti niya. Niyakap ko ang baywang niya, Idinikit ko ang ari ko sa likuran niya at unti-unti kong ikiniskis. "Sige na, Mama Sam.. Isang linggo lang naman. May hahanapin lang ako.." "Narinig ko na 'yan!" "Ngayon lang ako nagpaalam sa'yo.." Matigas na ang t**i ko na nakatutok na sa puwetan niya.  "O, siya.. Sige.. alam mo na ang kapalit.. Bukas ng umaga, pupuntahan kita sa bahay mo." Wais talaga si Mama Sam. Laging may kapalit. Kung hindi ko lang talaga kailangang hanapin ang babaeng misteryosa, hindi ako magpapablack mail sa gurang na iyo. Nandidiri ako sa kanya, pero di bale na. Isang ligo lang 'yun. Ang mahalaga, makilala ko si Marian Rivera look-alike.   Tres Sa dyip, habang pauwi ako, binuklat ko ang planner na naiwan ng babaeng misteryosa. May cellphone number. May email address. May f*******: account. Mas interesado akong tawagan siya. Kaya pagdating ko sa bahay, nagkape ako. Pampawala ng antok. Hinintay ko munang mag-alas-sais. Naisip ko, baka masyado pang maaga para tawagan siya. "Hello, Miss." "Hello, sino po sila?" "I'm Hector. Naiwan mo sa 7-Eleven ang planner mo.." "O, yes! It's not that important. Thank you!" "But, I want to return it to you.." Kailangan kong maging formal since formal siyang kausap. Pinaramdam ko sa kaniya na nais kong ibalik sa kanya ang bagay na hindi man mahalaga sa kanya masyado ay kailangan pa niya. "It doesn't matter.. Hindi naman ‘yan mahalaga masyado sa akin.. Keep it if you want.." "No.. It's yours.. If you have time.. meet me where you lost it." "I don't think I can be there pa.." "W-what do you mean?" "Baka di na ako makapasok.. I'll stop studying.. Bye!" "Wait, Miss.." Napindot na niya. Kaya, tinawagan ko uli siya. "Hello, Miss.. " "Stop me, please.." She's irritated pero hindi siya nagtaas ng boses. "Sorry.. But, kailangan kong isuli ang hindi sa akin.." "Ayoko na nga niyan! Makulit ka, Mister!" Tuluyan na siyang nagtaas ng boses. But, hindi niya pa binaba ang telepono. "Sorry, Miss.. I just want to be your friend.." "Well, I'm not looking for one..!" She clicked of her cellphone. Hindi ko na siya tinawagang muli. At least, may number na niya ako. Paaamuin ko siya.    Kuwatro Nagising ako sa doorbell ni Mama Sam. Alas-kuwatro ng hapon pa lang. Grabe! Hindi niya nakalimutan. Hindi niya ako pinatawad. "Hello, Hector!" bati niya pagbukas ko pa lang ng pinto. Ni hindi ako nakapagbihis ng t-shirt. Naka-boxer lang ako. "Ang aga mo naman, Mama Sam." "Of course! Para makarami!" nakangisi pa ang bakla. Lumabas ang silver tooth niya. "Ligo na. Gora na sa banyo.." "Maya-maya konti.. kagigising ko lang e.." "Oh, sure.. makakapaghintay pa naman ang bunganga ko. O, heto, kumain ka muna.." Hindi madamot si Mama Sam. Sanay na ako sa kanya. Kapag dumadalaw siya sa flat ko lagi siyang may dalang pagkain. Minsan pa nga, may alak pa. Nag-iinuman kami bago kami pumasok sa bar. Kaya naman hindi ko talaga siya matanggihan. Kapag gusto niya akong gamitin, nagpapagamit ako. Pero, I set a limitation. No penetration. I never make love sa hindi ko mahal. I just give someone a chance to gratify his or her s****l desire by touching, kissing and fondling me and my private part. I let them indulge in my schlong. Hihiga lang ako. Sila ang bahala. Pero, siyempre... naliligayahan din ako. Matagal akong maligo. Sinisigurado ko kasi na malinis ang bawat bahagi at sulok ng katawan ko. Ito ang puhunan ko kaya dapat kong linisin at alagaan ng mabuti. Pinasok ako ni Mama Sam. Hindi na siya nakatiis. Hindi rin ako nakatanggi. Hinimod niya ang buo kong katawan hanggang marating niya ang katigasan ko. Nagpakaligaya siya. "Handa ka na ba?" tanong niya. Gusto niyang pasukin ko siya. "Alam mo ang sagot sa tanong ko, Mama Sam." Hindi ko siya hinayaan maghubad. Hindi naman siya nagpumilit. Alam kasi niya na iniingatan ko ang sarili ko. Ayokong magkasakit. Sabihin mang malinis siya, iba pa rin ang nag-iingat. Pumulandit ang masagana kong katas sa kanyang bibig. Kinadyot-kadyot ko pa ito para masimot ang aking katas.   Singko Bago mag-ala-singko y medya ng hapon, umalis na si Mama Sam. Papasok siya sa bar. Pinaalalahanan naman niya ako na pumasok ako sa Sabado. One week lang kasi ang paalam ko.  Pagkaalis niya, hinarap ko naman ang planner. Binuklat-buklat ko, baka sakaling may mahanap akong ideya kung paano ko mami-meet ang babaeng nakaiwan ng planner.   Biglang pumasok sa isip ko na i-text ang isa sa mga number na nakasulat sa likod ng planner. Si Sofia ang inuna ko. Miniskol ko muna. Nag-ring.    Text ko: "Good morning! This is Hector. Your friend who is using this number: 0930####### left his planner at a convenience store. I want to return it to her. Please help me." Ganyan na ganyan ang text ko para kunwari wala akong intensiyonng makita, makilala at mahalin ang kaibigan ng tinext ko.   Magkakalahating oras na ang lumipas, wala pa ring reply mula kay Sofia. Nag-try uli ako. Same message. Pinorward ko kay Paulo. Lalaki naman ang tinext ko baka mas nakakaunawa. Baka mas magtitiwala sa akin.   "How can I help you, Sir?" Reply agad si Paulo.   Tinawagan ko na lang para mabilis ang usapan namin. "Hello!? This is Hector."   "Hello, Hector?" Boses bading ang kausap ko.    "Paano ko ba maisasauli itong planner sa kaibigan mo?"   Nag-isip ng ilang sandali. "Bigay mo na lang sa akin. Nasa Pangasinan na kasi siya. Nagtext sa akin kagabi na hindi na siya mag-aaral dahil may cancer ang Papa niya.."   Ah, kaya pala, naisip ko.   Mas lalo akong nagkainteres sa kanya. "Ah, ganun ba? Sige, ibigay ko na lang sa'yo. Saan ka ba ngayon?"   Nai-set namin ang tagpuan namin-- same place kung saan naiwan ang planner. Nakumpirma ko rin na bading nga ang kausap ko. Mabuti na lang dahil magagawa ko ang plano ko. Gagamitin ko ang magic ko sa mga bading para makapunta sa bahay ni Lianne.    Oo, siya si Lianne. Salamat kay Paulo dahil madaldal siya.        Sais Alas-sais na nag-reply si Sofia. "Sori poh, laTe rePly.. di nia na rw kailaNgn 'yn. kiP it n lng poH. thnx."   "Ok" lang ang reply ko. Hindi ko na siya kailangan. Si Paulo ang pwedeng makatulong sa akin.   Alas-nuwebe ng gabi, nag-meet kami ni Paulo sa 7-Eleven. Pagkabigay ko sa kanya ng planner, hindi ko agad siya pinaalis. Naramdaman ko rin naman sa kanya na type niya ako. Kinamayan ko kasi siya at inakbayan habang palabas kami ng tindahan.    "Dinner muna tayo. Treat kita." yaya ko. "Di pa kasi ako naghapunan. Wala akong gana kapag walang kasalo."   Speechless ang bading. Tila nahipnotismo ko sa akbay ko. Kusa na lang siyang nakisabay na lakad patungo sa Sisig King, kung saan kokonti ang mga kumakain.   Habang kumakain kami, titig na titig siya sa braso ko. Ako naman, sinuri ko siya. Malinis naman. Pormal. Hindi nagdadamit pambabae. Pero, boses-bakla talaga siya.   Natawa din ako ng konti dahil naisip ko, malapit talaga ako sa mga third s*x. Sa workplace ko ay halos bading ang customer. Pati ba naman ang kakasangkapin ko para makilala ang babaeng mamahalin ko ay bading din. What a funny world?!   Di bale na. Pagtitiisan ko na lang para matagpuan ko na ang babaeng matagal ko nang hinahanap --si Lianne.   Nagkuwentuhan kami tungkol sa pag-aaral nila. Napag-alaman ko na fourth year college na sila. Nursing nga ang kurso nila. Matalino daw si Lianne. Pero, dahil sa nangyari, kailangang niyang i-give-up muna ang pag-aaral para matulungan ang ama sa pagpapagamot.    "Mahalaga ang edukasyon. Sana mapayuhan mo siya na huwag na lang huminto. Maraming paraan para makatapos siya habang tumutulong sa mga gastusin ng kanyang ama.." Naaawa talaga ako kay Lianne. Hindi ko pa man siya nakakausap, alam kong mataas ang pagpapahalaga niya sa edukasyon at mataas ang pangarap niyang makatapos ng pag-aaral.   "Hayaan mo, sasabihan ko.."   "That's good, Paulo... Kelan tayo pupunta sa kanila?"   Nagulat si Paulo. "Sure ka? Gusto mong pumunta sa kanila? Bakit?"   "Tinatanong pa ba ‘yun?" Ngumiti muna ako."Gusto ko siyang makilala..."         Siyete Sa bus terminal na kami nagkita ni Paulo. Alas-siyete pa ako doon pero alas-otso na nang lumarga ang bus papuntang Pangasinan.    Dahil hindi pa ako nakakabawi ng tulog, umidlip ako. Nagising na lang ako sa tapik ni Paulo sa binti ko. "Hector, malapit na tayo."   Bitin. Pero di bale na, malapit ko nang makaharap muli si Lianne.   Nasa tricycle na kami ni Paulo nang magsalita siya at nang ibigay niya sa akin ang planner. "Ibabalik ko sa'yo, ikaw na ang mag-abot kay Lianne."   "Sige." Yun lang ang tangi kong nasabi. May punto naman siya.    Pinara ni Paulo ang tricycle sa tapat ng bungalow house na may gate na kawayan. Mapuno ang palibot ng kabahayan.   Malayo pa lang natanaw na ng isang matabang babae ang pagdating namin. "Paulo! Napadalaw ka. Tuloy kayo! Lianne nandito sina Paulo!"   Nang makalapit na kami, saka nagsalita si Paulo."Tita, si Paulo po. Kaibigan ko. May sadya siya kay Lianne."   "Magandang araw po!" bati ko sa ina ni Lianne. "Isusuli ko po kay Lianne ang planner niya. Naiwan niya po sa 7-Eleven noong Biyernes ng gabi."   "Ah, ganun ba? Sandali, tingnan ko kung tapos nang maligo." Iniwan na niya kami sa balkonahe. Sumunod si Paulo ilang sandali ang lumipas.   Alam kong nag-usap sina Paulo at Lianne, kasi matagal silang lumabas. At nang lumabas sila, na-star-struck ako kay Lianne. Para siyang diwata. Ang bango-bango niyang tingnan sa puting bestida.    "Hello, Lianne!" Halos mautal pa ako sa pagbati sa kanya.   "Bakit nag-abala ka pa? Di ba sabi ko, hindi naman mahalaga yan sa akin?" Hindi naman siya galit.    "Gusto ko lang isuli sa'yo. Sayang din.." Inabot ko na sa kanya ang planner.   "Well, thank you! Kinasabwat mo pa itong si Paula.."   Natawa at nagkatinginan kami ni Paulo. Tapos, bumulong si Paulo sa kaibigan. Kasunod niyon, tiningnan ako ni Lianne mula ulo hanggang paa. Mapanuri pero hindi ako naasiwa. Nag-enjoy ako habang hinahagod niya ng tingin ang katawan ko, hanggang magtagpo ang mga mata namin. Tila nagtatanong siya sa akin ng "Anong pakay mo sa akin?"       Otso Alas-otso ng gabi na ako nakauwi sa bahay. Sinulit ko kasi ang pagpunta ko kay Lianne. Nakipagkuwentuhan siya sa amin ni Paulo.    Cool siyang kausap. Medyo, malungkot lang siya kanina dahil hindi pa rin siya makapaniwalang ang simpleng karamdaman ng kanyang ama sa pag-ihi ay nauwi sa prostate cancer. Emotional nga niyang ikinuwento ang pagdedesisyon niyang huminto ng pag-aaral para lang makabawas ng gastusin ng kanyang ama. Maghahanap na lang daw siya ng trabaho.   Sabi ko nga: "Miss Lianne, hindi naman sa nanghihimasok ako sa personal viewpoint mo… but I think you should not stop your schooling. This school year na lang, right?"   "Yes! Pero, hindi mo alam kung gaano kagastos ang nursing lalo na ngayong graduating na ako. ‘Di ba, Paulo?"   "That's true, Hector! Parents ko nga rin, umaaray na sa gastos ko. Mabuti, nakakatulong ang ate kong nasa Japan."   "May paraan pa." Buo ang loob ko na tulungan si Lianne financially, pero hindi ko pa kayang sabihin.   "Like what?" Interesado pa rin pala siyang mag-aral.   "Self-supporting. Trabaho sa umaga. Aral sa hapon." I quickly suggest.    "Tama siya, Bessy.. Call center is the key!" banat naman ni Paulo.   Nag-isip sandali si Lianne. "Bahala na."   Hindi ko malilimutan ang mukha ni Lianne. Tinitigan ko siya ng husto. Napaka-inosente ng mukha niya. Para siyang anghel na nagbabalatkayo sa lupa.   Hindi pa rin ako lubos na makapaniwala na makaharap at nakakuwentuhan ko ang babaeng noong isang gabi lamang ay misteryoso sa akin. Ngayon, malapit ko na siyang maging kaibigan. Sa tulong ni Paulo, tiwala akong magiging malapit siya sa akin.   Salamat sa planner dahil nakilala ko ang babaeng magpapabago ng buhay ko. Gusto ko siyang maging bahagi ng bukas ko. Handa akong talikuran ang nakaraan, makasama lang siya sa hinaharap.        Nuwebe "NkauWi k n b? Thnks sa inabot mo kay Mama. God bless U!"  Text 'yan ni Lianne. Alas-nuwebe pa pala siya nag-text. Hindi ko lang nabasa dahil nag-charge ako. Nalowbat kanina sa Pangasinan sa kakapicture namin nina Paulo at Lianne.    Nireplayan ko kaagad. "Sorry 4 d late reply.. Ur welcome. Im willing 2 help u financially."   "Bkit mo gngwa 'to?"   Oo nga! Bakit nga ba? Hindi ako makaisip ng isasagot. Dalawang minuto na ang lumipas. Hanggang..   "Wla kC aQng nkgisnang ama... "   "Ah.. bakit? Asn sya?" Biglang naiba ang mood ng usapan. Napunta yata sa akin ang topic.   "Naanakan lng ang Mommy q ng Spanish. D nmn aQ pinnagutan. d rn hnanap ni Mommy." sagot ko.   "Half-Spanish k pla. kya pla mukha kng foreigner.."   "Thnx"   Nagtext uli ako. Sabi ko:"Wats uR dcsion abt schooling?"   "Thnx! Nktulong k skn. I decided 2 pursue it."   Lihim akong natuwa sa desisyon niya. Ibig sabihin nito, naging malaki ang impact ko sa kanya. Pangalawa, magiging madalas na kaming magkita. Hindi ko na kailangan pang dumayo sa Pangasinan para makita siya. Ayos!   "Dats gR8! So, ppasOk kn tom?"   "yes!"   "Pwd b ktang mkta uli?"   "Huh? Y?   "I just wnted 2 c u.. :)"   "tingnan q. dpnde.."   "Dpnde san?"   "Bsta.. Gudnyt, Sensya n s istorBo.."   "Cge, Goodnyt. Sweetdreams!"   Walang mapagsidlan ang kaligayahan ko. Kaybilis ng mga pangyayari.. Isang araw pa lang ang lumipas ay nagbunga na ng maganda ang pagod ko. Parang gusto ko na tuloy bumalik sa trabaho. Kailangan kong kumita ng malaki para may maibigay uli ako sa tatay ni Lianne.       Diyes Katext ko maghapon si Lianne. Pumasok na daw siya kanina. Panay ang tanong ko tungkol sa kanya, kaya mahaba-haba ang conversation namin. Gayundin siya sa akin. Marami kaming napagkuwentuhan. Pakiramdam ko matagal na kaming magkakilala. Kaya lang, kailangan kong ilihim sa kanya ang trabaho ko. Nang tinanong niya ako kung ano ang trabaho ko, sabi ko.. call center.   "Wow! Kya pla U hve an American accent. Nkka-intimidate k nMn." biro pa niya sa text.   "Hnd  nman! trabaHO lng.."   "ok.. gs2 q rn mgworK as call cnter aGent. pwde mo b aq ipasoK?"   Yari ako! Hindi agad ako naka-reply. Nang nakaisip ako ng dahilan, sabi ko:"Wla kc hiring ngyon s amin. Small company lng kc.. I’ll tell u pg mron"   "Ok. sure yan ha?!"   "Uu"   Gusto ko siyang magkatrabaho kaya lang wala akong kilala na makakatulong sa kanya. Kung meron lang sana, solve na ang problema niya sa pera.   Alas-diyes ng gabi, nag-Good night na siya sa akin. Marami daw kasi siyang assignment. Okay lang sa akin. Maghapon na rin naman kaming nag-text.    Alas-dose na. Hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko pa rin si Lianne. Paano ba ako makakatulong sa kanya? Sumagi rin sa isip ko ang mukha niya. Gusto ko na uli siya makita bukas.    Sumunod na pangyayari, hawak ko na ang akin habang tinitingnan ko ang picture na kuha ko sa kanya sa Pangasinan. Stolen shot pero maganda ang output. Nakakalibog siya. Tumayo ang b***t ko. Wala akong nagawa kundi pagbigyan ito.    Shit! Isang masaganang lava ang lumabas sa p*********i ko.   

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Just A Taste (SPG)

read
929.9K
bc

Lust In Love (Tagalog) SPG

read
865.9K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.6K
bc

Driver Sweet Lover - SPG

read
233.7K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
490.7K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
290.9K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook