3

2934 Words
Beynte-uno Ako naman ang nagyaya kay Jake na mag-almusal muna kami bago ko siya payagang umuwi. Pumayag naman siya.    Habang nag-aalmusal kami ng toasted bread, hot coffee and instant pancit canton, nagkuwentuhan kami.   "Idol talaga kita, Kuya Hector. Kaya pangarap ko ring marating ang posisyon mo ngayon sa Xpose." papuri ni Jake.   "Salamat.. Kaya mo namang gawin iyon. Saka, huwag mo nang pangarapin. Hangga't maaari, humanap ka ng trabaho na disente. Hindi ang pagbibilad ng katawan.." payo ko naman sa kanya.   "Ito na lang po kasi ang alam kong trabaho, Kuya. Ayaw ko na pong bumalik sa probinsiya. Tricycle driver lang naman po ako dun. Ang isang high school graduate na tulad ko ay mahihirapang magkatrabaho ng disente.. Okay na rin ito, Kuya kasi kahit paano ay nakakapag-aral ang mga kapatid ko." Malungkot siya habang binibitiwan ang mga salitang iyon. Naawa ako. Naunawaan ko siya. Ako nga na maritime graduate ay nagsusumiksik sa ganitong uri ng trabaho. Siya pa kaya..   "Mabuti kang tao, Jake.. dahil tumutulong ka sa mga kapatid mo sa pagpapa-aral.. Gusto kitang tulungan.."   Natuwa si Jake. Lumiwanag ang mukha."Thanks, Kuya!"   "Nag-iisip kasi ako ng bagong gimik sa dance number ko.. Pwede ba kitang maisali?"   "Oo, Kuya! Sige po. Sa tingin ko, kaya ko na po ang ginagawa mo."   "Ayos! Sige.. isip tayo ng pakulo. Yung nakakalibog.."   "Oo, nakita ko ang sayaw mo kanina. Hindi po masyado, gaya ng mga nakaraang sayaw mo.."   Wala akong maisip na pakulo. Pero, maya-maya, may naisip na si Jake. Nagustuhan ko.          Beynte-dos "Huwag mong isipin na bakla ako, Kuya Hector. Gagawin lang natin 'to dahil pareho nating gustong kumita ng pera." sabi ni Jake nang ipaliwanag niya ang idea niya na gagawin namin mamaya sa Xpose Midnight Show.   "Oo naman. Sa klase ng trabaho natin, lahat ay kaya nating gawin para sa ngalan ng pera.. Sige, simulan na natin ang practice.." Naghubad na ako ng pantalon at damit. Nagtapis ako ng tuwalya.   "Kunwari nagsa-shower ka, Kuya.. Yan, galing!"   "Next?   "Magsasabon-sabon ka na nakatalikod sa audience.. tapos, darating kunwari ako na nakatapis din.. Ganito.. Makikisabay ako ng shower sa'yo dahil walang tulo sa kabila. Papayag ka naman.."   "Okay. Tapos, walang anu-ano..magkakabanggaan ang mga bahagi ng katawan natin.. at mauuwi sa ano.."   Nagtawanan kami.    "Eh, sino ang unang magpapakita ng motibo?" tanong ko kay Jake.   "Ako na lang, Kuya, tutal ako naman ang nakaisip nito.. Ganito.."   Basang-basa na kaming pareho ni Jake. Hinawakan niya ang behind ko. Hinagod-hagod. Tapos, hinalikan niya ako sa labi.. s**t! Nagulat ako. Di ko akalaing gagawin niya yun..   "Sorry, Kuya.. Huwag na lang nating isama na hahalikan kita.." Medyo, pareho kaming napahiya.   "Kung makakatulong ‘yun para makapagpalibog sa audience, gawin natin.. Walang problema. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na mahahalikan ako ng kapwa ko lalaki..."   "O, sige.. Kuya.." Hinalikan niya uli ako. Hindi ko lang alam kung paano makipaghalikan sa lalaki, pero inisip ko na lang na babae siya. Inisip ko si Lianne. Nagdikit ang mga katawan namin. Gumapang ang mga kamay ko sa katawan ni Jake.    Parang tunay ang practice namin. Muntik na akong labasan. Ang galing ni Jake. Kung babae nga lang siya, na-penetrate ko na siya. Sa edad kong bente-dos, ngayon ko lang na-enjoy ang pakikipag-romansahan sa kapwa lalaki. Kadalasan kasi mga purong bading ang ka-partner ko kaya walang sabor.   "Kuya, ang sarap mo palang ka-partner. Kaya pala andami mong parokyano. Salamat, dahil pinagkatiwalaan mo ako."   Natawa ako sa sinabi niya. "Trabaho lang..."   "..walang personalan." dugtong ni Jake.   Handa na kami para mamayang alas-dose ng gabi. Hindi ko na siya pinauwi. Tinext na lang niya ang girlfriend niya na kasama niya sa boarding house.    Natulog na kami pagkatapos naming maligo.       Beynte-tres Alas-singko bente-tres, nasa Xpose na kami ni Jake. Inagahan talaga namin para maihanda namin ang mga props na gagamitin namin sa midnight show at para makausap ko si Mama Sam.   "That's nice, Hector and Jake!  Bravo! Kaninong idea 'yan?" tuwang-tuwa si Mama Sam nang kausapin namin siya.   "Si Jake po.."   "Good, Jake! Good for you.. Pag nag-click kayo.. Gagawin na kitang dancer. Graduate ka na sa pagiging waiter. Goodluck!"   "Thank you po, Mama Sam!" Si Jake na ang nagpasalamat. Siya kasi ang lubos na mabibiyayaan pag nagawa naming palibugin ang mga parokyano.   Masama na naman ang tingin sa akin ni Lemar. Pati kay Jake ay magagalit na siya ngayon. Inggitero kasi siya. Bakit di niya kasi ako kausapin? Baka maging star dancer din siya. Kulang lang siya sa karisma at appeal.    Hudyat na para sa midnight show.   Lumabas na akong nakatapis ng tuwalya. Praktisado kaya gayang-gaya ko ang kanina. Pumasok na rin si Jake. Naghiyawan ang mga dating customer. Nagulat sila sa paglabas ni Jake. Di nila akalaing ngayong gabi ay may kakaibang show. Lagi kasi akong solo performer. Nakita ko na kaagad na nag-click ang tandem namin kaya ginalingan ko.   Kahit ako ay libog na libog sa bawat paghagod at bawat halik sa akin ni Jake. Lumaban ako. Pinakita kong senoir ako sa kanya. Mas marami na akong nakahalikan-- bading man, babae o lalaki.    Aroused na aroused ang mga manunuod. Binitin namin sila dahil natapos ito bago sumabog ang katas ko na binati ni Jake..   Tuwang-tuwa kami ni Jake sa dressing room. Clicked!   "Galing!" Sarkastiko si Lemar. Pumapalakpak pa habang nilalapitan si Jake. "Sipsip ka rin bata!" Tiningnan pa si  ang kahubdan ni Jake.    "Bakit po, Kuya Lemar?" Tinakpan niya ang b**at niya.   "Bakit? Tanong mo d’yan sa partner mo. Mga bakla! Pwe!" Umalis na siya.   "Wag mong pansinin ‘yun. Inggit lang yun sa atin."   "Ok po, Kuya Hector. Thanks nga pala dito sa chance.."   "Salamat din. You're a good partner and kisser, too. Na-carried away ako. Akala ko totoo. Pasensiya na."   "Sus si Kuya, para ‘yun lang.."   "Sige, bihis ka na baka mapulmonya ka. Reserve mo yan mamaya sa mga bading sa labas. Siguradong malaki ang kikitain mo ngayong gabi.."         Beynte-kuwatro Lumabas na kaming lahat na dancer. Kasama na si Jake, kahit hindi pa siya opisyal na macho dancer. Nagulat kaming lahat nang bawat lapitan ni Jake ay magbibigay ng tip sa kanya. Punong-puno ng pera ang bulsa ng kanyang maong na pantalon.    Sa isang sulok ng bar, nilapitan ko ang nag-iisang babae. Nilapitan na rin ito ng mga kasamahan ko. Pero, sinubukan ko pa rin. Gumiling ako sa harap niya. Tumingin lang siya at nagbuga ng usok malapit sa sandata ko.    "Please, bring me the man who jacked you off  a while ago." sabi ng babae na nasa trenta y singko ang edad. Bata pa siya para maging matrona.   "O, yes, Mam."    Nang nakalapit na si Jake sa customer na babae. Tumalikod na ako. "Wait, Mr. Hardlong! Join us!"    Nagulat ako sa babae. Dalawa ang gusto. Bihira ang ganun. Mapera siguro. Mabuti naman at kami ni Jake ang gusto niya.   Nag-inuman kami. Nagkuwentuhan. Kailangan niyang mabuntis, kaya naghahanap siya ng lalaking makakabuntis sa kanya dahil kong hindi, hindi siya pamamanahan ng kanyang biyenan. Ayaw kasing aminin ng kanyang asawa sa mga biyenan niya na baog siya.   Kakaiba.    "Can you f**k me?" tanong ng babae na hindi pa namin alam ang pangalan.    Tiningnan ako ni Jake.    "You know our rule here in Xpose. No penetration."   "I can keep it secret.."   "How can I trust you? I don't want to lose this job.."   "Trust me. I'm a first time customer of your bar. If I will not get pregnant, I will not come back here anymore. But, if I will... I will pay you again but you have no right to the child."   "Who do you want?"   "Both of you!"       Beynte-singko Hindi alam ni Mama Sam na tinanggap namin ni Jake ang indecent proposal ng misteryosang babae. Basta nang nagsara na ang bar, umangkas uli ako sa motor ni Jake at tinungo namin ang hotel na sinabi sa amin ng babae.   Hindi naman kami inisahan ng babae dahil naroon na siya sa kuwarto. Bagong ligo na siya. Naka-nighties.   "Come in, guys!" bati sa amin ng babae.    Ramdam ko ang kaba ni Jake. Parang ngayon lamang niya mararanasang magkama ng babaeng hindi niya mahal. Binulungan ko siya. "Relax, Jake."   Without further ado, naligo muna ako.. Pagkatapos ko, sumunod na si Jake. Tumabi na ako sa babae."I'm ready.." Hinimas ko kaagad ang binti niya.   Makinis siya. May itsura. Maalindog. Hindi magdadalawang isip ang aking big bad john na pasukin ang kanyang p********e.   "Yes! Me, too..You're damn hot, Mr. Hardlong.." Hinalikan niya ako sa labi. Gusto kong tumanggi dahil labag sa kalooban ko na makipaghalikan sa hindi ko mahal. Pumikit na lang ako at in-imagine ko si Lianne. Nakipambuno ang dila ko sa dila nya.   Naabutan kami ni Jake sa ganung posisyon. Naka-undie na lang din siya.    "Come here, Jake. Join us.." yaya sa kanya ng babae.   Nanginginig si Jake nang lumapit sa babae, lalo pa nang halikan siya nito sa kanyang n****e at unti-unting ibinaba sa bandang pusod.. Umigtad si Jake. Inalayayan ko siya. Hinimas ko rin ang behind ng babae.   Nakahubad na kaming tatlo. Sinandwich namin ni Jake ang babae habang nakaluhod kaming naghahalikan. Pinupog ako ng halik ng babae kaya nakapikit ako. Maya-maya, kami na ni Jake ang magkaharap dahil ang mga t*r*go namin ang nilantakan ng babae. Wala kaming nagawa ni Jake kundi ang umungol at himasin ang katawan ng babae.   Ang sarap mag-BJ ng babae. Pinagpalit-palitan niya ang batuta namin. Minsan ay pinagsasabay niya.   Nakapikit pa rin ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng kamay-lalaki sa puwitan ko. Si Jake pala. Hindi ako tumanggi. Naiisip kong iyon ang gusto ng babae. Tapos, hinalikan ako ni Jake.   Shit! Dumilat ako at tumanggi..   "Don't quit, Mr. Hardlong. I like how you both kiss each other.." sabi ng babae.       Beynte-sais Grabe ang mga pangyayari sa aming tatlo nina Jake at ng babaeng misteryosa. Threesome ang gusto niya. Nakita ko rin tuloy ang husay ng kaibigan ko pagdating sa pakikipagniig sa same s*x. Nakaka-carried away.    Pinasubo ng babae ang dragon ko kay Jake. Game naman siya. Doon lang daw kasi siya maa-arouse. Saka lamang niya ako henilicopter. Siya ang gumawa. Magsabay na lang daw kami para mabuntis talaga siya.    Binayaran niya kami ni Jake ng tig-limang libong piso. Babalik daw siya pag nakabuo kami for my extra payment. Suwerte. Kahit di na siya bumalik. Mahalaga ay nakatulong ako, kami ni Jake, sa problema niya. Iyon naman ang purpose ko --ang makatulong sa kapwa., para, at least, makabawi ako sa mga kasalanan ko.   Sinamahan ko si Jake sa boarding house nila. Magagalit daw kasi sa kanya ang girlfriend, na ka-live-in na niya ngayon.    Sa isang squatter area sila nakakuha ng paupahang kuwarto. Ang hirap ng kalagayan nila. Idagdag pa ang kalagayang medikal ni Caren, ang nobya ni Jake. Namamayat ito at namumutla. Naawa ako. Kaya pala pursigido si Jake na kumita kahit pa ano ang ipagawa sa kanya. Gagawin niya ang lahat para maipagamot ang kasintahan.   Hindi na nagalit si Caren nang sinabi kong nagpatulong ako kay Jake sa paglinis ng bahay ko. Kaya para mas kapani-paniwala, inabot ko siya mismo ng P2000.    "Naku, Kuya, ang laki naman ng ibinayad mo kay Jake..." sabi ni Caren.   "Tama lang 'yan! Mabigat ang ginawa ni Jake. Idagdag mo na sa pambili mo ng gamot."   "Salamat, Kuya.. Hindi ko na talaga ito tatanggihan.."   Nakauwi ako sa bahay ko ng bandang alas-nuwebe. Tinawagan ko muna si Lianne. Kinumusta ko muna siya. Nag-a-apply na raw siya, kaya hindi raw siya maka-reply sa mga text ko.    "Kelan ka ba free? Treat sana kita.. Sumahod na kasi ako.." tanong ko.   "Naku, hindi ko alam.. Laging busy sa school at sa pagjo-job-hunting. Maybe next time.."   "Ah, sige.. "   "Okay!"   "I miss you.."   "What? Hello, anong sabi mo?"   "I miss you.."   "Hmm. Ayoko ng ganyan, Hector.. Kakakilala pa lang natin. Hindi mo pa ako kilala..'   "Handa akong kilalanin ka.."   Pinatay na niya ang cellphone niya..        Beynte-siyete Bago ako naligo para pumasok sa Xpose Bar, tinawagan ko muna si Paulo. "Musta na?'’   "Mabuti naman, Hector. Ikaw?"   "Ayos lang! Kumusta si Lianne? Anong balita?"   "Ayun.. naghahanap pa rin ng trabaho. Natuwa siya dun sa perang ipinahiram ko kunwari. Makakatulong daw ‘yun ng malaki."   "Ah, mabuti kung ganun.. Sige, salamat. Baka nakakaistorbo ako sa'yo."   ''Hindi naman. Ok lang. "    "Sige na..Pasok na ako. Thanks uli. Text mo lang ako kung may kailangan pa ang kaibigan mo.. na mahal ko na."   Natawa si Paulo. "Ang taray ng statement mo! Panalo! Kinabog ako dun, ah. Ang haba talaga ng hair ng friendship ko!"   Mas natawa ako sa mga sinabi niya. "Pwede ko kaya siyang ligawan?"   "Oo naman! Since, first year college kami, hindi na yun nag-jowa."   "Bakit?"   "Niloko ng BF niya.. Nadala! Wala na kayang tiwala yun sa mga lalaki. Mabuti nga babae na ako.."   "He he. Hayaan mo, ipaparamdam at ipapakita ko sa kanya na hindi lahat ng lalaki ay manloloko.."   "Taray ulit!"   "Oo! Maganda ang intensiyon ko sa kaibigan mo. Sana matulungan mo ako.."   "Dapat lang, noh! Kung hindi..."   "Kung hindi, ano?"   "Kung hindi.. sa akin ka babagsak. Joke!"   Natawa ako."O, sige na.. Mali-late na ako. Bye na."   "Sige na nga, Baboosh. Ingat ka!"   Alas-singko bente-siyete na. Nagmadali akong lumabas ng bahay.       Beynte-otso Sakto lang ang dating ko sa bar. Nauna lang sa akin ng kaunting minuto si Jake.    Nasa dressing room na rin siya. Naroon na rin ang iba pang macho dancers at si Mama Sam.    "Since narito na si Mr. Hardlong.. I want to announce to all of you.." simula ni Mama Sam, habang nagsisimula na akong maghubad ng shirt ko. "..that Jake will be one of you. He's now a regular macho dancer." Pumalakpak si Mama Sam. Pumalakpak ako. Nagpalakpakan din ang iba, maliban kay Lemar.   Tuwang-tuwa si Jake. Halos, maluha siya sa sobrang tuwa. Nangangahulugan kasi ito na mas malaki ang kikitain niya bilang dancer.    "Salamat po, Mama Sam!" si Jake.   "Walang anuman! As I promised.. Pasalamat ka marami ang tumawag sa akin after your performance kagabi. Congrats din, Hector! You're a good mentor!"   "Welcome, Mama Sam and thank you, too!" pasalamat ko. Lalong uminit ang bumbunan ni Lemar. Iniisip na naman niya na sipsip na naman ako.    "Boys.. let it be an inspiration to all of you.. " sabi pa ni Mama Sam.   "How about me, Mama Sam?" Hindi na napigilan ni Lemar ang sarili niya.   "What do you want?" maang na tanong sa kanya ni Mama Sam.   "Gusto kong sumayaw sa midnight show. Solo!"   Mama Sam laughs. "Then, show it! Paghusayan mo. Customers ang magsasabi kung pwede ka ngang magsayaw sa midnight show.. Good luck!'' Tapos, hinarap niya uli kami. "Sige na, boys. Get ready! May mga customers na sa labas.  See you there!" Tumalikod na siya.   "Pukinangyan!" Malakas ang pagkakasabi ni Lemar nang makalabas na si Mama Sam. Walang pumansin sa kanya.       Beynte-nuwebe Kumita ako kagabi ng tatlong libo at dalawang daang piso. Masaya na ako sa ganun. Kahit sa pagsasayaw at tip lang ay kumita ako ng ganun kalaki. Maidadagdag ko na naman ang kalahati nito sa aking savings.   Habang ibinubulsa ko ang kinita ko, naabutan ko sina ni Jake at Lemar sa labas. Nilabasan niya ng bente-nuwebe o balisong ang kaibigan ko.   “Tang-ina kang putang ina ka!” Nakatutok na kay Jake ang patalim.   “Hoy, Lemar! Ibaba mo yan!” Agad akong lumapit kay Jake para ilayo siya.   “Wag kang sumali dito Hector! Kung ayaw mong gripohan kita!”   “Teka, teka! Anong problema? Pag-usapan natin..” Pinalayo ko na si Lemar. Ako na ang natutukan ni Lemar ng balisong. Pero, inihanda ko ang sarili ko sa pag-atake niya.   “Problema? Ang problema kasi mga kupal kayong dalawa! Inaagaw niyo lahat ng para sa akin.”   “Teka.. Di namin inaagaw sa’yo.. Kusa silang lumalapit sa amin. Trabaho lang ‘to, Tol!”   “Oo nga! Trabaho! Kaya nga nagbebenta tayo ng aliw para kumita. Pero, nasaan ang kita ko? Wala! Kapos! Kulang.. Nasa inyo! Mga puking ina ninyong dalawa. Ang lakas niyong mamburaot!” Galit na galit na siya pero cool pa rin ako. Si Jake, umalis na.   “Hindi totoo ‘yan, Lemar. Tsambahan lang ‘yan. Malay mo mamaya ikaw naman ang gusto ng mga customer..”   “Wag mong bilugin ang ulo ko, Mr. Hardlong! Ulol!”   “Ibaba mo ‘yan, Lemar!” sigaw ni Mama Sam. Dumating din ang security guard at si Jake. Nakapagsumbong na pala siya.   “Kampihan na ‘to! Wew, hanep! Sige, ipakulong na ninyo ako.. s**t!” Itinaas na niyang kusa ang kamay niya at inihagis palayo ang balisong.   Pagkadampot ng guard ng balisong. Nilapitan naman ako ni Mama Sam. “Okay ka lang ba, Hector.” Hinaplos pa niya ang dibdib ko at tinapik sa balikat. Tapos, hinarap na niya si Lemar. “Lasing ka lang, e. Alam mo, insecurity ang tawag d’yan. Bakit di ka magpakumbaba para magustuhan ka naming lahat..”   “Hindi ako lasing, Mama Sam. Masama lang ang loob ko sa inyong lahat. Bigyan n’yo naman kasi ako ng break. Please! Kailangan ko ng pera.. Ang Mama ko, kailangang maoperahan..” Maluha-luha na siya.   “Yun lang pala ang problema mo, bakit mo dinadaan sa ganito? Mali yan, Lemar.. Sige, uwi ka na . Balik ka dito mamaya ng mas maaga. Mag-usap tayo..” sabi ni Mama Sam. Mahinahon na rin siya.   “Mama Sam, okay lang po ba na ako na ang kumausap sa kanya?”   “Sige.. Good for him.. Sige na, Lemar, uwi ka na. Ingat! Sige, Hector, ikaw na bahala kay Lemar. Lemar, makinig kay Hector..” Pumasok na si Mama Sam at ang guard.   Inakbayan ko naman si Lemar palayo sa bar. Isasama ko siya sa bahay. Alam kong malaki ang magagawa ng bahay ko sa probema niya.   Nakita kong humarurot na si Jake palayo.        Trenta "Sorry, Tol.." sabi ni Lemar nang nag-aabang kami ng dyip pauwi sa bahay ko.    "Walang problema. Alam ko hindi ka naman ganun kasama. Kaya nga kampante akong humarang kanina kay Jake kahit may balisong ka.."   "Paano pala kung tinurok ko ‘yun sa leeg niya?" Tumawa pa siya.    "Kaya mong gawin yun?"   "Kay Jake? Oo.. Sa'yo..hindi!" Kakaiba ang pagkasabi niya ng huling pangungusap. Medyo, nanginig siya.   Hindi na kami nag-usap hanggang makarating kami sa bahay.    "Na-miss ko 'tong bahay mo.." Inikot ni Lemar ang paningin niya sa buong bahay, habang naghahanap ako ng makakain sa ref.   "Santaon na yata nang huli kang pumunta dito.."   "Oo. Yung birthday mo yun. Nagpainom ka sa amin.."   "Yun ba yun?   "Oo.. Di ko yun makakalimutan kasi.."   "Kasi ano?"   "Ah, wala.. Iba pala yun!"   "Sige, almusal na tayo.. Pasensiya na, hindi pala ako nagkapag-grocery.."   "Ayos na ‘yan!"   Habang nag-aalmusal kami. Hindi niya mapigilan tumingin sa akin. Pinakiramdaman ko lang siya. Malakas ang kutob ko na may gusto siyang sabihin.   "Hector.. bakit mo nga pala ako sinama dito?"   "Para makapag-almusal tayo.. Makapag-usap."   "Di ka ba natakot sa akin kanina?"   "Hindi! Kaya kitang labanan." Tumawa ako para ma-relax siya.   "Ba't di mo ako binanatan kanina?"   "E, may hawak kang patalim, eh! Kay Mama Sam ka lang pala titiklop.."   "Hindi rin.. "   Wala na akong nasabi. Nagpatuloy kami sa pag-aalmusal.   "Pwede mo ba akong isabit sa show mo mamaya?"   "Ha? Yung gaya kay Jake?"   "Kahit ano.. Gusto ko lang din kumita ng mas malaki. Trenta mil ang kailangan ko para maoperahan na si Mama."   "Sige.. Try natin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD