Nagmamadaling bumangon si Precia. Madilim na ng magising siya at wala si Kian sa kaniyang tabi. Nahanap niya ito sa living room, busy ito sa pag-aayos ng surpresa para sa kaniya. May nakalagay na mesa at dalawang chair sa gilid ng glass wall. May mga kandila na nagkalat sa sahig at maraming bulaklak. Nagkasalubong ang kanilang tingin. Kian smiled. "Sorry kung maghapon akong tulog, babe..." hingi niya ng dispensa dito. Ubos na ubos ang lakas niya, samantalang ang asawa ay tila madami pa ding energy na natitira. "It's okay. I know you're tired. Are you feeling better now, baby?" May kislap sa mga mata ng lalake. Ngumiti naman si Precia, maya-maya pa ay natatawang napailing. "Yeah. I'm okay na." Puwede na ulit. She bit her lips. Natutuwa siyang pagmasdan ang asawa. Sobrang hands

