Napaungol si Precia nang maramdaman niya ang pagkirot ng buo niyang katawan lalo na iyong kaniyang p********e. Hindi siya agad bumangon kahit nang mapansin niyang wala na sa kaniyang tabi ang kaniyang asawa. Alas-dies na ng umaga. Baka pumasok ito? Wala naman siyang appointment ngayong araw, kaya matutulog lang siguro siya maghapon. Gumulong siya sa gitna ng kama at nahiga nang pabalagbag. Pinagmasdan niya ang magandang view sa labas. Nakaka-inlove. Naalala iyong ginawa nila ni Kian kagabi. Paano kung may nakakita sa kanila sa kabilang building. Napangisi siya. Napailing at natawa. Nagbukas ang pintuan at niluwa nito si Kian. May dala itong isang bugkos ng iba't ibang bulaklak. Napangiti siya nang makita na gising na ang kaniyang asawa. Ang sexy nito habang nakadapa sa ibabaw

