Ito ang pangatlong araw namin dito sa isla. Wala kaming ibang ginawa kundi ang kumain, magbilad sa araw, maliligo sa gabi at mag aasaran. Masayang kasama si Theon parang hindi siya isang respetadong tao sa business world habang nandito kami sa isla. "Theon, kailan tayo babalik ng Maynila?" tanong ko sa kanya habang pinapanood namin ang pagsikat ng araw. Napagkasunduan kasi naming maagang magising para masaksihan ang pagsikat ng araw. Dala dala ko ang phone ko habang nakabalot ako sa isang makapal na shawl para panlaban sa lamig. Malapit na ang summer pero bakit ang lamig ata ngayon sa Pilipinas. Parang ayoko pa sanang bumangon kanina kung hindi lang ako tinakot ni Theon. Nagiging comfortable na ako sa presensya niya, na para bang magkaibigan na talaga kaming dalawa. Where in fact na mag

