Hindi ko na maalala kung paano ako napunta sa kwarto ko kagabi. Minulat ko ang mata ko ng maramdaman ko ang sinag ng araw na dumadampi sa pisngi ko. Tanghali na pala. Tiningnan ko ang oras sa wall clock pero alas sais palang ng umaga. Dahan dahan akong bumangon at nag unat ng braso ng biglang bumukas ang kwarto at pumasok si Theon habang may dalang pagkain na umuusok pa. Ang laki ng ngiti nito habang papalapit sa kama. "Breakfast in bed." aniya at nilapit ang tray na madaming pagkain. Agad namang naghihiyawan ang mga alaga ko sa tiyan dahil sa amoy nito. "I know, di ka masyadong nakapagdinner kagabi kaya nagluto ako ng maaga para makakain." sabi pa niya. Nakatitig lang ako sa bawat galaw niya, hindi na ako makapagsalita. Nagwawala na naman ang puso ko na para bang tinatambol dahil sa la

