Anong oras na pero hindi pa din umuuwi si Theon mula ng umalis siya kanina. Hindi ko alam kung saan siya pumunta at ayoko na ring alamin. Itong bahay lang naman kasi at ang penthouse ang pwede niyang paglipasan ng gabi. Hindi pa din ako makatulog dahil naguguluhan ako sa mga actions ni Theon. Hindi ko alam kung alin ba ang dapat kong tiwalaan, ang narinig ko noon sa isla o ang ginagawa niya sa akin. Ginugol ko ang oras ko sa pagbabasa ng libro habang pilit na nagpapaantok para lang makatulog. Habang nasa kalagitnaan na ako ng binabasa ko ng biglang nagring ang phone ko. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko ng makita kong pangalan niya ang nakarehistro dito. Inabot ko ang phone ko at sinagot ang tawag. "Hello?" "Bakit gising ka pa?" bungad niya mula sa kabilang linya. Umayos ako ng hi

