Hindi ko alam kung paano ako napapayag ni Theon na sumama sa kanya para kumain sa labas pero andito ako ngayon kasama niyang pumapasok sa isang tahimik at mamahaling restaurant. Maglalunch lang naman kami bakit sa mahal pa kung pede namang sa mga fastfood chain. Pinaghila niya ako ng upuan at tinawag ang waiter pagkaupong pagkaupo niya sa harapang bahagi ko. Binigay niya sa akin ang menu para mamili ng pedeng orderin. Nag order siya ng isang roasted chicken, ako naman ay vegetables salad. Sinabayan na rin ng strawberry shake at wine naman sa kanya. "Bakit dito tayo? Pede naman tayong kumain sa fastfood lang." bulong ko sa kanya pagkaalis ng waiter para kunin ang order namin. Sumimsim muna ito ng tubig na naka lapag sa table namin bago ako sinagot. "Why not? Isa akong kilalang tao Alejan

