"What are you doing here, Jacob?" tanong ko sa kanya. Andito kami ngayon sa private office ko. Hindi ko naisip na pagkatapos ng ilang buwang pananahimik niya ay bumalik na naman siya. Para saan? Prenteng siyang naka upo sa sofa habang seryosong nakatingin sa akin. "I'm here to get back my girlfriend." matigas na utas nito. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa seryosong sabi nito. "You don't have a girlfriend here anymore. Kaya kung pede umalis ka na." malamig kong sabi sa kanya habang nakaturo sa pintuan. Biglang nag igting ang bagang nito sa sinabi ko. Napalunok ako habang nakatingin sa nagpupuyos niyang itsura. Minahal ko siya at totoong minahal ko siya pero hindi ko inakala na mawawala pala ang pagmamahal na yun sa loob lang ng apat na a

