Andito kami sa Penthouse nya pansamantala at ipagluluto nya raw ako. Pero ang problema, Hindi sya marunong magluto. Ang galing diba, she invited me here para ipagluto pero hindi naman pala marunong. Kaya ang nangyari ako ang nagluto. Nagluto ako ng adobo and carbonara fave nya raw kasi to and Enjoy na enjoy sya sa pagkain. Malakas pala syang kumain hindi halata kasi ampayat nya. Dahil ako ang nagluto kaya sya ang naghugas ngayon. Sabi ko maliligo muna ako kasi amoy ulam na ako. Magkasize naman kami ng damit kaya pinahiram nya ako. Buti lagi akong may dalang extra underwear. Nagpatuyo na lang ako ng buhok nang kumatok si Veronica. Andito kasi ako sa kwarto nya. "Movie marathon tayo? San mo gusto manood dito na lang sa kwarto o sa living room?" tanong nito. "Hmmm ikaw bahala." "okay

