Chapter 1
"No way! Ipakasal mo na ako sa iba wag lang sa kan'ya." matigas kong sabi kay Dad.
"I don't need to know your answer. Whether you like it or not it's final you're going to marry Mr. Yuw's daughter." hindi na ako nakapagsalita dahil umalis na ito.
He's totally crazy. I can't believe, nakakainis! I'm already twenty. Hindi naman bago sakin ang ipakilala at ireto ako ni Dad sa mga anak ng mga business partners n'ya pero ngayon mas pipiliin ko na lang ang mamatay kaysa magpakasal sa isang babae. Oo, babae katulad kong babae!
Kung nandito lang si Mom baka tinulungan na ako nito upang mapigilan si Dad. Hindi ko alam kung anong hinithit nitong magaling kong ama sa dinadami-rami ba namang p'wedeng ireto nya sa akin sa isa pang babae ako ipapakasal. He's really definitely totally out of his mind.
Buong araw akong nagkulong sa k'warto. Nag-iisip nang malupit na paraan para hindi matuloy ang kasal. Tang'na kasi hindi ko nga kilala 'yang babaeng 'yan. Ni-hindi ko man nga lang yan nakita sa personal at hindi ko naiimagine ang sarili ko makikipagrelasyon sa isang babae. Ewww! Gross pano kami magkakaanak. Ay s**t ano ba 'tong naiisip ko.
Napahinto ako sa pag-iisip dahil sa pagkatok sa pinto ng aking k'warto.
"Anak si Manang Tess 'to." pinagbuksan ko ito ng pinto at agad na yumakap dito. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko habang yakap si Manang. Mula pa noong bata pa ako si Manang na ang nag-alaga sa akin at tumayong ina.
"Tahan na anak." malambing nitong sambit.
"Manang kasi hindi ko alam kung ano na naman sumapi kay Dad. Ang malala pa sa isang babae pa."
"'Wag kang mag-alala anak kausapin ko si Landro. Sa ngayon subukan mong pakinggan ang iyong ama. Siguradong may rason ito kung bakit ka ipapakasal kung ano man ito sana pakinggan mo. Kanina pa naghihintay sa baba ang Daddy mo."
"Bakit daw po?"
"Nakalimutan mo na ba?" kumunot ang noo ko sa tanong ni manang.
"Ang alin po?" ano bang meron ngayon? Hindi naman birthday ni Dad? Hindi rin death anniversary ni Mom at Liesy.
"Naku itong talagang batang'to, syempre kakain ng hapunan." Litsi 'yon lang pala pinakaba pa ako.
Sinabi ko na lamang na susunod ako. Ayaw ko sana lumabas ng k'warto kaso nakakatamad magpaliwanag kay manang at tama sya kailangan ko pakinggan si Dad. Kanina kasi napangunahan ako nang galit at pagkabigla na rin.
Pagkatapos kong mag-ayos bumaba na nga ako upang kumain, naubutan ko naman si Dad na papalabas pa lang ng office nya dito sa bahay. Hindi ko ito pinansin bakit ba? eh sa nagtatampo ako sa kanya.
Tahimik kami parehong kumakain, nakikiramdaman. Naiinis pa talaga ako sa kanya, pabigla bigla kasi sa mga desisyon n'ya. Hello anak nya ako dapat pinapakinggan nya rin saloobin ko at future ko nakakasalalay dito. Future ko!
"Tungkol sa kasal, next month na ito gaganapin." rinig kong sabi n'ya.
"Dad naman."
"Hindi na mababago ang desisyon ko Zyhra. Sana maiintindihan mo."
"What the heck Dad, you want me to understand everything without explaining me what's going on! Hindi ako magpapakasal!" matigas kong sambit, tatayo na sana ako ngunit hinawakan nito ang aking mga kamay. Napatingin ako sa mukha nito. Ang stress na ng mukha n'ya, mga mata n'yang nagmamakaawa na para bang may mabigat na dinadala.
"Please do this honey."
"I'm sorry Dad, I can't." tinanggal ko ang kan'yang kamay na nakahawak sa akin at humakbang paalis. Hindi ko na ito liningon pa at dalidaling pumasok na ng kwarto. Gusto ko lang mapag-isa.