Chapter 2

805 Words
"Miss pakicheck naman ulit pangalan ko. Imposibleng wala sa listahan mo." pagmamakaawa kong sabi. "Sorry Ms. Zyhra wala po talaga." "Per—" magsasalita pa sana ako nang tumalikod na ito. Ang bastos n'ya ah. Imposible kasing wala do'n pangalan ko. Bulag ata 'tong babaeng to. Napapadyak na lang ako sa sahig dahil sa inis. Bakit ba ang malas ng buhay ko ngayon! Dumagdag pa 'yang kasal kasal na 'yan. "Miss baka gumuho 'tong building sa lakas nang pagkapadyak mo." sisigawan ko na sana 'tong pakialemerong nilalang sa harapan ko nang nakita ko ang matamis nitong ngiti. "Abcde?" tumango lang ito at ngumiti na naman. Yikk 'yong puso ko tumatalon talon Agad ko s'yang niyakap dahil sa tuwa. "Kailan ka pa bumalik?" umalis kasi ito galing sa probinsya lang naman nila. Nagbakasyon lang. Eh sa namiss ko tong asungot na 'to. "No'ng isang araw lang." nakingiti na naman nitong sabi. Hays Abcde pinaglihi ka ata sa colgate. "Bakit ngayon ka lang nagpakita." patampo ko kunwari. Sasagot sana ito kaso may sumingit sa usapan namin. Nasira na naman mood ko. "Ms. Zyhra Angelique Ymor?" sabi ng lalaking naka black suit sa harap ko. Matigas ang pangagatawan nito. "Yes?" sagot ko. Hindi na ito nagsalita sapagkat sumenyas ito sa mga kasama n'ya na nasa likod lang nito. Agad naman sila lumapit sakin. Hinawakan ako sa dalawang braso. "Anong ginagawa nyo? Hoy! Hoy mga rohelyo" kinakabahan kong sabi. Ngunit hindi umimik ang mga ito. Nakatulala lang si Abcde at biglang nawala. Sa'n nagpunta 'yon? Hindi na ako makaalis dahil hinihila na ako ng dalawang lalaki na nakahawak sa mga braso ko. Maraming mga estudyante ang nakatingin sakin. Oo! nakatingin lang! habang may mga nakaharang na matitikas ring mga lalaki sa kanila. "Saklolo!!!!!"  ngunit wala sila ibang ginawa kundi ang  tignan lamang ako. "Sa'n nyo ba ako dadalhin! ipapatokhang ko kayo kay Duterte kung hindi n'yo ako  papakawalan." Biglang may sumulpot na sasakyan sa harap namin at ipinasok ako rito. Kidnapping to ah! Mga bastos!!!!!!! Nakita ko na lamang si Abdce sa hallway tumatakbo papalapit at may kasamang mga g'wardya. Asungot ka Abcde!!!!! humanda ka sa akin. Dinala ako ng mga rohelyo sa isang high class na hotel. Andito ako sa kwarto at binibihisan ng mga rohelya. Ano bang nangyayari? Don't tell me? Don't tell me???? Ngayon ang kasal???? Hindi kailangan kong tumakas. Kaso hindi eh sabi ni Dad kagabi next month pa 'yong kasal. Pano kung ngayon? Kailangan kong tumakas. Litsi naman 'tong buhay na 'to Napapikit ako dahil sa frustration dahil sa mga nangyayari. Una, sa ikakasal ako sa isang tulad kong kepay ang meron. Pangalawa, wala akong maisip na paraan para takasan itong lintik na kasal na 'to. Hindi man lang sinabi ng nakahithit kong ama ang dahilan sa biglaang pagpapakasal sa'kin. Pangatlo, kanina litsi hindi ako nakapagtest dahil hindi raw ako bayad sa tuition. Pang-apat, bigla-bigla na lang ako hinila at dinala rito nang hindi ko alam ang dahilan. Hays kailangan kong makaalis dito. Mag-isip ka Zyhra. Shet ayaw gumana nang utak ko, napatingin ako sa phone ko na nasa aking kamay. Si Dad tumatawag, sasagutin ko ba o hindi? Kailangan ko nang tulong. "Hello anak." rinig kong sabi n'ya. "Dad, I need your help. I was kidnapped by unknown people." sunod-sunod kong sabi but I just heard a sigh from him. "You gonna meet her now." ang tangi n'yang sabi. You gonna meet her now You gonna meet her now You gonna meet her now You gonna meet her now Paulit-ulit ito sa tenga ko. Nakaramdam ako nang kaba bago pa ako makapagsalita bigla na nitong binaba ang telepono. Dinial ko nang paulit-ulit ang number ni Dad pero hindi n'ya ito sinasagot. Gusto ko nang umiyak, para bang nag-iisa na lamang ako at pilit na naghahanap nang kakampi. Tinignan ko ang reflection ko na nasa aking harapan. Napakaganda ko sa ayos at sa suot ko, simple but elegant. Pinilit kong ngumiti habang tuluyan nang tumulo ang aking mga luha. Bakit ba sakin nangyayari ang mga 'to? Napatawa ako nang may bright idea akong naisip. Shet may paemote-emote pa ako. Nagpahid ako ng luha at agad-agad na nagdial sa phone ko. "Hello." matamlay nitong sagot na para bang kagigising lang. "Hoy asungot! May kasalanan ka sakin kailangan mong magbayad litsi ka." sabi ko dito. "Sorry, alam mo namang hindi ko kaya ang mga 'yon kaya nagtawag ako ng mga guard." paliwang nito. "Bla bla bla mamaya na 'yang paliwanag mo kailangan ko nang tulong mo." "Ano 'yon?" "Ikakasal na ako kaya kailangan kong makatakas ngayon. Tulungan mo ako sunduin mo ko sa labas ng hotel bilisan mo." "Anong address? Anong hotel 'yan?" "Hihihi 'yon lang." "Kanino ka ba ikakasal? Biglaan naman ata 'yan?" "Mamaya na 'yang pagiging asungot mo. Bubuksan ko GPS ko para malocate mo ako. Bilisan mo sunduin mo ako." utos ko dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD