Chapter 3

1109 Words
Kailangan kong makatakas. Kailangan kong lumayo sa lahat at alam kong si Abcde lamang ang makakatulong sa'kin. Hays asungot na Abcde. Maya-maya may kumatok na at pumasok ang mga nakayunipormeng mga maids at mga naka black suit na mga kalalakihan. "Magandang Gabi po Ms. Zyhra Angelique Ymor" bati sakin ng isa sa kanila. May kamukha sya. Hindi ko lang matukoy kung sino basta meron. Ngumiti lamang ako bilang ganti. Bago po tayo lumabas nais po naming isuot mo ito. Inilabas nito ang ring box at pinasuot sakin ang laman nito. Mukhang mamahalin ah. Ano to engagement ring? Wala man lang karomantic romantic? Yong pasurprise surprise? Ay never mind mas okay na to. Pero mas okay sana kung meron para mabusted ko sya. Yeah! "Tayo na po sa labas." nakabow nitong sabi. Sumunod ako sa sinabi nila. Nagulat ako dahil may mga rohelyo pa pala sa labas. Mga lima sila na nakapila sa bawat gilid plus tatlo na nasa aking likod at sa harap ang mga rohelya. Mukhang bigatin 'tong mapapangasawa ko. Eww yak! No way ano ba tong naiisip ko pero  pa'no ako makakatakas nito? Bahala na. Papunta na kami sa elevator kaya huminto muna ako sa paglalakad kaya't napahinto na rin sila. "May kailangan po ba kayo?" tanong ng isa sa mga rohelya. "Naiihi ako kailangan ko magpunta ng Cr." palusot ko. "Marcus" tawag nito sa sino mang lalaki na nasa likod ko. Agad naman itong pumunta sa harap namin. "Kailangan nating bumalik sa loob dahil naiihi si Ms. Zyhra Angelique Ymor." "Hindi na. Wala bang Cr sa baba?" tanong ko. "Meron po ngunit sa itaas at sa kwarto lang po ang pinakamalapit." paliwanag n'ya. "Sige do'n tayo." taas noo kong sabi kahit malabo kailangan kong makatakas. "Pero Ms. Zyhra Angelique Ymor mas malapit po sa loob." tutol nito. Kailangan talagamg buong pangalan ko ang gagamitin? Panira sa plano. "Ayan nakabukas na ang elevator tara na sa itaas." maglalakad na sana ako nang hinarang ako ng tatlong rohelyo. Aba! "Ms. Zyhra Angelique Ymor bilin po ni Ms. Yuw after 10 minutes kailangan pong nasa baba na tayo kaya mas mabuti pong bumalik na lamang tayo sa loob." aba demanding din amo n'yo ah kala mo kung sinong reyna. "Hays oo na" naglakad ako pabalik sa loob at pumasok sa Cr. Tignan natin kung maiintay n'ya ba ako. Lumipas ang labingtatlong minuto na paulit-ulit silang kumatok sa pinto. Bahala kayo dyan. Tinext ko na lamang si Abcde na h'wag umalis. Matutulog na lang kaya ako? Magandang ideya talino mo talaga sexy Zyhra. Papapikit pa sana ako nang may kumatok. Na naman. "Ms. Zyhra Angelique Ymor kung hindi pa po kayo lalabas mapipilitan po kaming buksan ito." rinig kong sabi nong rohelyang kamukha ni Pokwang. Bahala kayo basta ako matutulog. Binuksan nga nila ang pinto. Pumasok si Marcus kasama ang dalawa pang rehelyo at walang alinlangang binuhat nila ako. Napatili ako dahil sa ginawa nila. "Ano ba ibaba n'yo ako!!!!!" ngunit hindi sila nakinig. Nagpupumiglas na ako lahat-lahat hindi pa rin nila ako binitawan hanggang sa makarating na kami sa loob ng elevator. Wala na sira na plano ko. Huhuhuhu Lord help me. Kanina pa ako nakikiusap na ibaba nila ngunit kasing tigas ng kanilang ano ng kanilang katawan ang mga ulo nila. "Please mga rohelyo ibababa n'yo na ako. Magpapakabait na po ako, aii gusto nyo candies? Madami ako no'n bigyan ko kayo dali akin na bag ko." hawak kasi ng isa sa mga rehelya ang bag ko. Ngunit nabigo ako at hindi nila ako binaba. Biglang nagsalita ang rohelyong nasa likod ko at pagkatapos ay lumapit ito at may ibinulong kay Marcus na isa sa nagbuhat sa akin. Ganon na ba ako kabigat na kailangan talaga tatlo ang magbubuhat sa akin. Tumatango-tango naman si Marcus at nakahinga ako nang ibinaba nila ako. "Ms. Zyhra Angelique—." naputol nya ang kanyang sasabihin dahil sa kamay ko na nasa mukha nito. "Hep hep hep— Kailangan talaga buong panagalan ko? Just call me Ms. Sexy." taas noo kong sabi. Nakita kong nagpipigil nang tawa ang mga kasama ko kaya tinarayan ko ito. Nakatayo lamang kami habang iniintay na magbukas ang elevator. Habang naghihintay plinaplano ko na ang mga gagawin ko pagkabukas ng elevator. Tumunog ang elevator senyales na papabukas na ito.  Napabuntong hininga ako upang maghanda at habang unti-unting bumubukas ang pinto ng elevator humanda na ako upang Tumakbo! Hinahabol na ako ng mga rohelyo kaya hinubad ko na ang mga heels ko, wala na akong pakialam kung maiwan ito at nakapaa lang ako. Malapit na ako sa glass door nang may humarang pa sakin kaya bumalik ako kung saan ako nanggaling kanina, ang problema may nakaabang dito. Hindi ko na alam kung ano gagawin ko. Hindi ko alam kung paano tatakas. Nakaramdam ako na may humawak sa dalawa kong braso upang hindi ako makatakas. Unti-unting naglakad ang mga tao sa gilid na para bang nasa isang pasilyo at inilabas nito ang mala dyosa sa ganda na may mga alalay sa likod habang naglalakakad papalapit sa akin. Hindi ko maintindihan ang sarili. Bakit napakabilis nang t***k ng puso ko? kinakabahan ako na hindi ko maipaliwanag. Hindi ako makagalaw dahil nasa kanya lang ang atensyon ko. Huminto ito sa harap ko at kita sa mukha ang pagkainis. Nakita kong bumuntong ito ng hininga at lumuhod. Itinapat nito ang heels na suot ko kanina kaya sinuot ko na lang ito. Tumayo ito, mas matangkad ito sa akin ng ilang inch. "Sa susunod h'wag kang magpaa baka masugatan ka pa." sabi nya nakatigin lang ako sa mga labi nya. Para bang pamilyar sa akin ang kanyang boses. "Let's Go?" dugtong pa nito. Susunod na sana ako nang may tumawag sakin. "Abcde?" tawag ko rin dito. Hawak hawak s'ya ng mga rehelyo. Pinipigilang makalapit sa akin. "Let's Go." hinawakan nito ang kamay ko at wala ng nagawa kundi sumunod dito. Ang lambot ng kanyang kamay at ang bango n'ya. Ano bang nangyayari sa akin? Bago kami makalagpas kay Abcde hinawakan nito ang braso ko samanatalang hawak ng anak ni Mr. Yuw ang kamay ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Para bang tumigil ang mga neurons ko sa utak. "Bitiwan mo sya." rinig kong sabi ni Abcde. "I won't let go what is mine." matigas nitong sabi at hinila ako ngunit hindi nagpatalo si Abcde dahil hinigpitan nya ang pagkahawak sa braso ko. "Hindi mo sya pagmamay-ari. Girlfriend ko sya, kaya bitiwan mo sya." rinig kong sabi ni Abcde. Para ba akong nabingi sa mga naririnig ko hindi ako makagalaw. Kailan pa ako naging nobya nito?  Di man lang ako nainform.  "She's my soon to be wife kaya ikaw dapat ang bumitaw."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD