Chapter 4

781 Words
"Nababaliw ka na." rinig naming sambit ni Abcde. Sumenyas lamang ang babaeng hawak hawak nang mahigpit ang aking kamay. Mabilis na kumilos ang mga rohelyo at inilayo si Abcde. "Don't dare to touch what is mine. Hindi mo alam kaya kong gawin Mister." ma-awtoridad na sabi nito at lumabas na kami sa hotel. Gusto kong bumalik sa loob at sumama kay boyfriend este kay Abcde ngunit natatakot ako sa maaring mangyari dahil halata namang hindi isang mapangkaraniwang tao si Ms. Yuw. Isa syang Dyosa! Ay Ano ba tong sinasabi ko. Maganda naman talaga sya. Inferness ang haba ng pilik mata n'ya, makapal pa ang kilay. Nahiya ilong ko dahil sa tangos nito. Hindi bagay sa kanya ang salitang perfect kasi mas higit pa sya sa salitang perfect. "Don't stare at me like that Ms. Ymor" " H-ha? I'm not" tanggi ko sabay iwas nang tingin Tumayo ang balahibo ko nang bumulung sya sa tenga ko. I can feel her breath, I think malalasing ako sa bango. "You can stare at me anytime you want, just ask me. Besides magpapakasal naman na tayo." "Hindi nga sa" bigla akong humarap sa kanya, Hindi pa pala sya umalis ang lapit ng mukha nya sa mukha ko. Mga one inch na lang. Sa sobrang lapit kunting galaw na lang siguradong magkakahalikan na kami. Napakabilis nang t***k ng puso ko. Ngumiti ito sabay sabing "Better"  hindi n'ya pa inaalis ang kanyang mukha sa akin. Ako naman ito hindi makagalaw. Ewan para bang tumigil magprocess mga organs ko at tanging ang puso ko lang ang active na active sa pagtibok. "Ms. Yuw I'm not staring at you." angal ko ulit "Don't deny it Ms. Ymor. Okay lang naman sakin basta alam ko." ngumiti pa nang malapad ang gago. "Ehem Ms. Yuw andito na po tayo."  singit ni manong driver na hawak ang nakabukas na pinto ng sasakyan.  "By the way you're blushing" pahabol nya sabay baba. Sumunod ako sa kanya at inilahad n'ya ang kanyang kamay upang tulungan akong bumaba ngunit hindi ko ito pinansin kaya't hinawakan nya ang aking kamay at wala akong magawa kundi hayaan sya. Napakalambot ng kanyang mga kamay. Hawak hawak nya lang ito habang naglalakad papasok sa isang Italian restaurant. Masigla kaming binati ng mga tao sa loob at nang makapasok na kami nang tuluyan nagpalakpakan naman ang mga ito at kita mo ang mga ngiti sa kanilang labi. Nakaramdam ako nang panginginig ng katawan. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Ang gusto ko lang gawin ay ang makaalis sa kanilang mga mata. Naglakad kami papalapit sa stage kung saan nakita ko si Dad na nakatayo at nakangiti. Ngunit ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga mata na humihingi ng paumanhin. Hindi ko sya maintindihan. "It's my pleasure to start this night with an announcement that my daughter Zhyra Angelique Ymor." pagsisimula ni Dad. Sumenyas ito na lumapit ako at hinawakan nya ang aking mga kamay "is engaged to the beloved daughter of Xabdro Klert Yuw— Ms. Veronica Yuw." it caused me want to stop their hands to clap and leave them all but I can't. Ayaw kong mapahiya si Dad and I'm stucked The night went smooth. She introduced me to different people and all I can do is to fake my smile that everything is fine. Ayaw ko naman gumawa ulit ng eksena gaya kanina sa hotel. At ayaw ko rin mapahiya si Dad. Her family, Dad and I was here at the office of this Italian restaurant. Napag-alaman kong they owned this. Ano pa kaya pagmamay-ari nitong babaeng to. "Sir Thank you for this night." nakangiting sabi ni Ms. Yuw. Parang hindi ito nauubusan ng energy kanina pa nakangiti. "No need to thank me Ms. Yuw. And just call me Dad besides ilang araw na lang kasal nyo na ng anak ko." "Right stop the formality hanggang ngayon parang isang transaction ng inyong negosyo ang lahat ng 'to." bulong ko pero oops wrong move nakatingin sila lahat sakin. Sumenyas naman sakin si Dad na tumahimik na lamang gamit ang kanyang mga mata "Yeah She's right" ngumiti ito at hinawakan ang aking kamay. "Stop the formality, we're family here not a business partners." Nagpahinga ang lahat ng konti at napagdesisyonang umuwi na. Sa susunod na raw ididiscuss yong plano sa kasal. Gusto kong magwala nang malaman kong hindi ako uuwi sa bahay kundi sa penthouse nitong buset sa buhay ko!!!!!!! Andito ako sa loob ng sasakyan nya at nakabusangot lang. Don't she dare to talked to me baka sabunutan ko sya sa inis ko. arghhhhhhhhhh!!!!!!! "Sorry" rinig kong sabi nya habang nakatingin lang sya sa labas ng sasakyan. "Sorry is not enough. You ruined my life." naiiyak kong sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD