Hindi ko alam kung bakit sobrang safe ng pakiramdam kapag narito sa tabi ko ang kamahalan. Iyong dikit na dikit kami sa isa’t isa at naaamoy ko ang mabango niyang natural na amoy. Tulog siya sa ‘king tabi, hindi malikot at para lang anghel—hindi man mukhang anghel dahil may katapangan nga ang hitsura ng kamahalan. Iniangat ko ang palad ko kung nasaan ang singsing na simbolo ng pagiging mag-asawa namin. Pareho kaming nagpapakita ng importansiya sa isa’t isa, pinahahalagahan ako ng emperador at maging ang pagiging kulang sa kaalaman ko ay tinatanggap niya lang at nginingitian, mga katangian na hindi ko inaasahan sa katulad niya. Pero may kulang… Iyon iyong salita ng ‘Pagmamahal’ iyong salita na gusto kong marinig. Nakagat ko ang ibabang labi ko sa sobrang pagpipigil. Binalingan ko ang na

