Pagkasigaw ko nagbagsakan ang mga asong lobo pero kaagad din silang bumangon at mas galit pa, kahit ‘di ako tumakbo ay susugod sila sa ‘kin. Tatakbo na ‘ko kung hindi ko lang naramdaman na may humila sa ‘kin at tila nabigla ang hitsura ng mga asong lobo at para itong naging maaamong aso na naupo habang kumakawag ang mga buntot. Nang lingunin ko kung sino ang lalaki sa ‘king likuran ay ang emperador ‘yon. “Bakit nagpapakabasa ka sa ulan?” Basa rin ang Emperador at nag-aalala ang hitsura nito. "W-wala, kamahalan." Iniwasan ko siya nang tingin. Mabuti na lang at umuulan kaya hindi alintana ang maiinit ko na namang luhang nagbabagsakan. Akala ko rin katapusan ko na, pero sinagip ako ng emperador. “S-salamat, kamahalan.” "Bumalik na tayo—" “Kamahalan, d-doon na lang muna ako sa kubo.”

