Dumating na ang araw ng kaarawan ko at ito rin ang araw na ipakikilala na akong asawa ng emperador ng kasama siya. Hindi na ito ugnayan lang ng isang batang walang muwang at ng isang Tyrant ruler. Ang kasunduan ay madalas nangyayari, maging ang kasal sa batang edad ay maaaring maganap lalo kung ang usapin ay may kinalaman sa emperador at hari. Naipagkasundo at nagpakasal kami ng emperador noong sampung taong gulang ako at inilayo na sa kanya dahil ayon sa batas, hindi maaaring magsama ang babae’t lalaki na wala sa wastong edad ang isa. Pero maaaring dumalaw ang emperador kung mahahalagang okasyon at iyon ay dadaluhan ng mga babaeng tagasilbi ng prinsesa bilang isa rin ‘yon sa batas. Labing-anim ang wastong edad na min para makisama sa Emperador at higit na mas maganda ang edad ko ngay

