Maliwanag ang buong kastilyo, masaya ang tugtugin maging ang mga inumin ay mamahalin. Napakalaking halaga ang kinakailangan para sa selebrasyon na ‘yon. Nasa lugar ang lahat ng mga hari’t reyna kasama ang mga anak ng mga ito. Walang sino man ang nangahas magsuot ng itim—kahit nga iyong maliit na bahagi lang ng itim ay iniwasan, dahil iyon sa naganap noon sa kaarawan ni Siana sa eskuwelahan. Kakikitaan ng dismaya ang first palace king, lalo at ipakikilala si Siana na unang prinsesa’t asawa ng emperador at base sa paraan ng emperador, mahahalata ang pagtatangi nito sa naturang prinsesa. Nagkaroon ng mga bulong-bulungan pero walang naglakas loob na iparating sa emperador ang mga naging usapan. Marami ring humanga kay Siana, dahil hindi naman pahuhuli ang hitsura nito. Walang dahilan ang emp

