LYZA'S POV Kumalabog nang husto ang dibdib ko, ‘yong puso ko ay wala ng pagod sa mabilis pagtibok. Nagsimula akong huminga sa bibig sa sobrang tensiyon ko. Nginitian niya ako, at sa ngiti pa lang na ‘yon nakadarama na ‘ko nang posibilidad na maaaring masamang makipagkasundo ako sa lalaking ito. “Kung hindi ako magiging emperatris ay ipakakasal ako ng ama ko sa isa sa lider sa dark island kaya gusto kong maging emperatris. Kung hindi man ay makuha ko man lang muna ngayon ang atensiyon mo, kamahalan. K-kahit sa ganitong paraan lang ang magiging pakinabang mo sa ‘kin.” Mabilis kong sagot bago pa siya bumilang. “Mahirap nga ang gusto mo dahil hindi makikinig si Chase sa ‘kin sa bagay na ‘yan lalo at gustong-gusto niya ‘yong babaeng matinis ang boses.” Tumango-tango siya. Sino si Chase? A

