Hindi mapigil ni Phoebe na bigyang atensiyon ang emperador at si Siana, nakikita niya ang ningning sa mga mata ni Siana at base sa nagiging paraan ng emperador, may pagtingin nga rin ito kay Siana. Ilang ulit niya nang hinahanap ang negatibo sa kaganapan, pero nananatili na ang napapansin niya ay mga magagandang bagay na nagpapakita lamang na si Siana ay kinagigiliwan talaga ng Emperador. At tama ang kanyang ama na malaking banta ang pagkagiliw ng emperador kay Siana. Ngayon pa lamang na pinili ng emperador si Siana ay isa na ‘yong malaking bagay para malamangan sila sa ranggo lalo at sa gabing iyon mukhang may malaking bagay ang ipapaalam ng Emperador. Nawala ang atensiyon ni Phoebe sa lugar nang marinig ang trumpeta bilang hudyat ng isang malaking bisita. Marami rin ang nagtataka at nag

