“Anong dinaramdam mo, Siana?” masuyong tanong nito. “Kamahalan, ang magdamdam sa ‘yo ay isang iresponsibilidad bilang asawa mo.” Nakita ng emperador na naroon pa rin ang kalamigan ni Siana, at maging ang isipan nito ay tuluyan na nitong naisara para mabasa niya. Kung magtatagal na nagkakaroon ito ng pagdududa sa kanya, mas magkakaroon ito ng tiyansang madiskubre ang sarili at mga kakayahan. “Patawad kung may nagawa akong kasalanan, Siana.” Nabigla si Siana sa sinabi nito. Pero bago pa siya makasagot ay inangkin na nito ang kanyang labi—iyong halik na halos makalimot na naman siya. Sinusubukan niyang ‘di ito sabayan pero masyadong eksperto ang labi nito at maging dila nito’y nagpapaungol sa kanya. Pero sa isiping may babae itong hinahalikan ng ganoon kasensuwal ay nakagat niya ang labi

