Pagbalik ng Emperador natutulog na si Siana sa kanyang kama. Nakangiti ito kaya sa umpisa akala niya na nagbibiro ito. Naupo siya sa gilid ng kama at inayos ang buhok nitong humarang sa maliit nitong mukha. “Pinasisikip mo ang damdamin ko kapag hindi mo ‘ko pinapansin ng gano’n, Siana…” bulong niya. Marahan niyang ibinaba ang mukha at binigyan ito nang halik sa labi. Hindi pa siya nakuntento at nilapatan pa ng halik ang pisngi nito. “Kamahalan, ang tigas—" Nabigla ang Emperador at unti-unting nangiti. “Anong matigas ba 'yan, Siana?” natatawang tanong niya sa tulog na asawa. "Matigas na matigas—" Nakagat niya ang labi sa pagpipigil na matawa. Pero kaagad ding napawi 'yon nang makaramdam nang paninikip sa gitnang bahagi ng kanyang mga hita. Nangisi siya. “Kasalanan bang maramdaman ‘

