Chapter 49: 'Mahal'

1841 Words

Tumayo ang kamahalan para maligo raw at samahan akong mag-almusal. Naiwanan ako sa paanan ng kama na nakaupo at sinusundan ko ang bawat niyang galaw. Kompara sa mga hari’t reyna maging mga prinsipe’t prinsesa ang kamahalan mismo ang kumukuha ng sarili niyang gagamitin at susuotin. Nangiti ako dahil mukhang ako ang pinagpala talaga sa lahat. “Siana, maghihintay ka ba rito? O gusto mong magkita na tayo sa hapag—” "Kamahalan, 'wag ka nang maligo, sobrang bango mo na." Nilingon niya ako at iyong pag-arko ng kilay niya’t ngiti para ‘kong isinasayaw sa ulap. "Kamahalan, tama pala na nagmaskara ka—" Nangunot ang noo niya habang binubuksan ang malaking aparador. Kahit bahagya siyang nakatagilid ay napansin ko ‘yon. "Sa sobrang kaguwapuhan mo baka lahat ng Royal Knights magkagusto sa iyo."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD