“Happy Thirteen years old, Siana!” Tiningnan lang ni Siana ang napakarami niyang regalo. Lahat ‘yon ay patong-patong at mukha namang mamahalin. Nangiti lang siya sa mga bumati sa kanya, maging mga prinsesa’t prinsipe sa ibang imperyo. Pinagdiwang niya ang kaarawan niyang ‘yon sa hardin ng palasyo. Naroon ang mga kasama nitong mga servants, maging mga hari’t reyna. Palaging inaabangan ng mga ito ang pagdating ng Emperador. Pero wala, wala pa rin ito kahit pa hindi pa ‘to nag-aasawa ng iba bukod sa kanya. Para sa isang thirteen years old, hindi ‘yon dapat problema lalo at bata pa siya pero dahil sa pressure at naririnig na inabandona siya nito ay nalulungkot nang husto si Siana pero hindi niya ipinakikita. Sa kanilang imperyo, ang pag-aasawa ay edad labing-anim maliban kung i

