Hindi mapakali si Lyza na kasama niya sa karwahe ang emperador at inaya siya talaga nito na pumunta sa Zone 66. Pero tahimik ito at nakahalukipkip habang ang mata ay nakapikit. Ibang-iba ‘to kung makitungo kay Siana. Nanlalamig din siya na malapit ito, noon gusto niyang mapalapit dito, pero may takot talaga siyang nararamdaman. Nang magmulat ‘to ay nabigla si Lyza. Sakto namang huminto ang karwahe at may umalalay na sa kanilang bumaba patungo sa daungan ng barko. Malakas na hangin ang sumalubong sa kanila. Nauuna ang emperador sa kanya. Habang nakasunod dito si Lyza, naalala niya ang narinig sa usapan ng ama at sa kanang-kamay nito. Hindi raw ito ang dapat na emperador, isa lamang itong magnanakaw ng trono. Hindi ito tunay na ‘Griffin’ pero ayon sa kanyang ama, wala ng magagawa ang mga i

