Pumasok sa bulwagan si Clay suot ang kasuotan pa rin ng Emperador. Nakita niya kaagad si Neo na nakaupo sa tapat ni Chase na siyang tunay na Emperador ng Griffin’s Silver and Gold. Nakangiti si Neo, ang Emperador ng Zone 66 habang nakapangalumbaba para titigan si Clay. Napansin naman ni Clay ang presensiya ng isang snake guardian ni Neo. “Siya ang kapatid kong si Clay,” pakilala ni Chase kay Neo. “Kagaya ng sinabi mo na kung mayroon akong gustong makuha para pumanig ako sa Zone 66 ay gagawin mo.” Tumango naman si Neo na ‘di nawawala ang ngiti. Nagkakaroon kasi ito ng ideya sa hihingin ng mga ito. Sa pagtitig pa lang niya kay Chase, hindi niya na maikakaila na isa ‘tong Wolveus, mula sa angkan ni Crescent, anak ni Shin na isang taong-lobo, at Jasmine na isang Vampire Princess. Ito ang p

