Tahimik lang na gumagawa ng trabaho sa desk niya si Samir pagdating ng Sabado. Si Gia ay nakaprente ng upo sa carpet hawak ang mga libro na paulit-ulit lang nitong binabasa. Nang mainip ay nagtungo ito sa kusina para gumawa ng meryenda nila. "Hanggang dito ba naman subsob ka pa sa trabaho?" tanong nito nang iabot sa kanya ang isang baso ng juice at sandwich na ginawa nito. "Wala naman akong gagawin dito. I might as well keep myself busy. Maraming trabaho sa opisina madalas ay kulang ang oras ko." "May mga sekretarya naman kayo, 'di ba?" "Not enough. Hindi kami nagpapapasok kapag Sabado at Linggo kaya ako na lang ang gagawa." "Baka kaya kong gawin kung pag-e-encode lang naman. Magaling ako sa computer," presenta nito. "No. Marami ka nang trabaho dito sa bahay. Kaya ko na 'to.

