Chapter 8

1671 Words

Umaga na nang makabalik sila sa Maynila kinabukasan. Nakasunod lang si Gia sa lahat ng kilos ni Samir. Nang dumating ang kotse nito dala ng isang driver ay pinasakay naman siya nito sa likod ng kotse. "Sa condo tayo tutuloy, Mang Carding," utos nito sa driver. Tahimik lang nilang binaybay ang kahabaan ng Roxas Blvd. hanggang marating nila ang isang high-end condominium sa Pasay. Nakasunod pa rin siya hanggang sa marating nila ang silid sa twentieth floor. Binuksan ni Samir ang pinto ng condo nito at tumambad sa kanya ang isang magarang bahay na ngayon lang niya napasok sa tanang buhay niya. Ang silid ay may gold and pale yellow theme, na lalong nagpatingkad sa kagandahan ng silid. An enchanted room; lahat ng gamit ay mamahalin, ultimo chandelier sa dining area at mga paintings na nasa di

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD