Inabot din sila ng hapon sa isla dahil nakita ni Gia ang mag-asawang bangkero na tumulong dito para bumili ng gamot para sa kanya. Niyaya pa sila sa iba pang isla na malapit din sa kinaroroonan nila. Masaya itong nakikipagkwentuhan sa mga lokal doon at naging kasalo nila sa tanghalian. Sa loob ng maghapon ay naglibot lang sila sa isla at ayaw pang bumalik ni Gia kung hindi lang malapit nang magdilim. "Tuturuan kita kung pa'no lumangoy," suhestyon n'ya nang kumapit itong muli sa kanya dahil malalim na ang tubig sa parteng kinalalagyan ng yate. "Baka lunurin mo lang ako," nakangiting wika nito. "Akala mo ba hindi ko alam na kating-kati ka na dispatsahin ako?" Isang matunog na tawa ang pinakawalan n'ya saka ito hinila sa mas malalim na parte. "Paanong hindi ka marunong lumangoy gay

